" Bakit pa? Nandito naman tayo ah? Magkasama na naman tayo. Bakit pa natin kailangan magpakasal? " Nagulat ako sa mga sinabi nya.
" Huh? " Tumawa nalang ako ng pilit. Nakakapagtaka kasi. Kung mahal nya ako, dapat magpakasal na kami. " Sige, change topic. " Sabi ko.
" Ge. " Sabi naman nya. Magkaakbay kami ngayon. 4 palang. Maaga pa.
" Kelan kaya ako ipapakilala ng boyfriend ko sa mga magulang nya? Para makilala kona sila. " Sabi ko at bigla naman nyang binitawan ang kamay nya sa pagkakaabay sakin.
" Mahal mo ba ako? " Tanong nya. Nakakagulat naman ito.
" Oo naman. Tinatanong pa ba iyan? Mahal kita. Mahal na mahal kita. Sobra sobra! " sabi ko sa kanya ng buong galak at mginitian naman nya ako.
" Mahal, may pupuntahan lang ako ah. Pero hiling ko lang sana, puntahan mo ang address na ito. Hanapin mo ako sa mga nakatira dito. Mga magulang ko sila. " Sabi nya habang ibinibigay sakin ang isang maliit na papel.
" Bakit ayaw mong sumama. Nakakahiya naman sa kanila. Nauna pa ako sa may ari ng bahay. " Sabi ko.
" De ah! Alam naman nila kung bakit wala ako. Basta. Puntahan mo na lang iyan. Love you mahal. " sabi nito at hinalikan ako sa noo.
" Love you. Magiingat ka ha. " Sabi ko sa kanya.
Sinunod ko ang address na ito na nakasulat sa papel. Dahil mahal ko sya. Kumatok ako sa bahay nila. At may nakita akong babae. Nanay nya ata. Yes! Makikilalaa kona ang nanay ni Red.