3

18 1 0
                                    

" Magandang hapon po. Dito po ba nakatira si Red Muntiberhen? " Pambungad na tanong ko.

" Pasok ka. " Tanging sabi ng babae.

" Iha, ikukuha kita ng maiinom. " Sabi nito. Tumingin tingin ako sa piligid. May nakita akong isang litrato sa gilid ng inuupuan kong sofa. Kinuha ko at nakita ko ang litrato ni Red. Ang cute nya talaga.

" Yan si Red. " Sabi ng babae. " Ako si Rona. Nanay ni Red. Wala dito ang papa nya. Nasa trabaho eh. " Patuloy pa nito.

" Sabi po ni Red, alam nyo daw po kung bakit sya umalis o saan ang lakad nya. " Sabi ko ng buong galak. AAAAYY!! Nakalimutan kong magpakilala. " Ay, sorry po. Ako nga po pala si Kate. Girlfriend po ni Red. Nice to meet you po. " Sabi ko.

" Bata pa si Red dyan. " Di na nya sinakyan pa ang sinabi ko. Parang wala lang sa kanya na gf ako ni Red.

" Saan po ba pumupunta si Red? " Tanong ko. Kanina pa ako nagtatanong ng ganyan eh.

" Matagal ng wala si Red. Halos Sampung taon na syang patay. Nagpaparamdam parin pala sya. At tinupad nya ang sinabi nya sa amin ng papa nya. Gusto nyang magkaroon ng girlfriend na maganda, at mapagmahal. "

Nagulat ako. Napatulo ang luha ko sa mga sinabi ng mama ni Red. Wala na pala sya. Wala na sya.

" Kinunan ang picture nayan ilang oras bago sya mawala. Gustong gusto nya kasi noon na bumili ng panyo. Pulang panyo para sa babaeng gusto nyang ligawan. At nung nabili na nya yung panyo, aksidenteng nabundol sya ng sasakyan. " Napaiyak ang babae. So, ibig sabihin, yung panyong binigay sakin ni Red nung una kaming nagkita, binigay nya sakin?

" Gusto ka ng anak ko kung bakit sya nagpakita sayo. At ngayon, dahil natupad na nya ang gusto nya, tuluyan na syang mawawala. Matatahimik na ang kaluluwa ng anak ko. " Lalo akong napaiyak sa nalaman ko.

Red,,,, mahal na mahal kita. Bakit? Wag mo akong iwan........



Red........








End:(

Red ScarfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon