Chapter 1

1 0 0
                                    

Chapter Uno


My name is Nimfah Grace Cortizano. Nice for short. 16 years old. A 4th year high school student. Nakatira ako ngayon dito sa apartment ng pinsan ko. Nasa States kasi ang parents ko at nagtatrabaho. Andun na sila simula pagka-graduate ko ng elementary. Yung bahay namin, pinabili na nila, at iniwan nila ako sa pinsan kong si Ate Pen. 30 years old na sya ngayon, pero wala pang asawa.

Hobby? Well... isa lang naman actually ang hobby ko at yun ay ang ipag-luto ang HUBBY ko ng iba't-ibang uri ng ulam dito sa Pilipinas. Minsan, pinagbe-bake ko rin sya ng iba't-ibang flavor ng cake.

Hmmm... honestly, hindi ko naman talaga sigurado kung kinakain nya lahat ng binibigay ko eh. :( Siguro, nagiging misteryoso na sa inyo ang identity nya nuh? Alright sige, ipapakilala ko sya sainyo.

Meet Ryan James Salvador, ang isa sa pinaka-sikat na artista ngayon. Marami syang commercial sa TV, meron din syang soap opera ngayon, at hindi lang yan... Marami rin syang naka-line up na pelikula.

Habang ako naman ay isang ordinaryong estudyante lang na patay na patay sa kanya. Hay naku! Kung binigyan lang sana ako ng Diyos ng kaunti pang kapal ng mukha, siguro kami na ngayon ng Papa RJ ko. Hahaha... Syempre joke lang. Alam ko naman kung saan ako lulugar eh. Alam kong kahit kelan, hindi magkakagusto ang isang artista sa isang tulad ko na ordinaryong mamamayan lang ng Pilipinas. *buntong hininga*

Yung mga niluluto at bini-bake ko para sa kanya, iniiwan ko lang dun sa guard sa entrance ng ABS-CBN. Sya na lang ang pinapa-abot ko kay Papa RJ. Kilala na nga ako ni Manong Guard eh. Syempre, ikaw ba naman, halos isang taon na akong araw-araw pumupunta dun sa ABS at nag-papaabot ng pagkain para sa hubby ko, imposibleng hindi pa nya ako makilala, diba?

Mag-iisang taon pa lang kasi ang Papa RJ ko sa showbiz industry. Nagsimula sya sa commercial ng Royal. Pero tignan nyo naman. Mag-iisang taon pa lang sya, pero nakiki-pagsabayan na sya kina Jericho Rosales at John Lloyd Cruz. Astig diba? Kaya nga lab na lab ko yun eh. Hindi lang sya gwapo at magaling umarte. Mabait pa. Ni minsan kasi, wala pa akong nababalitaang isyu tungkol sa kanya. Unless, meron syang naging issue na lingid sa kaalaman ko, pero imposible naman yun mangyari, kasi pagdating sa hubby ko, super updated ako. Ako kaya ang No. 1 fan nya. Haha.

Naalala ko tuloy nung una akong pumunta sa ABS-CBN at nag-iwan ng pagkain kay Manong Guard para kay Papa RJ... Kare-kare pa yung niluto ko nun. Alam ko kasing favorite nya yun, kasi sinabi nya yun nung una syang ininterview sa TV.

-FLASHBACK-

"Hello po Kuya. Pwede po humingi ng favor? Paki-abot naman po nito kay RJ Salvador o..." sabay abot sa kanya nung Kare-Kare na nakalagay sa tupperware ng AVON.

"Bakit? Ano ba to?" tanong naman nya.

"Kare-Kare po yan Kuya..."

"Bakit sino ka ba?"

Napakamot naman ako sa ulo.

"Ah eh... ano po... fan nya po kasi ako..."

"Ayoko ayoko... Ikaw na lang. Mamaya may lason yan eh, ako pa mapagbintangan..." tama bang pagkamalan akong killer? Si Manong Guard talaga.

"Ehh! Kuya naman eh! Mukha po ba akong masamang tao? Sa ganda kong to?! Sige na naman Kuya please...? *sabay puppy eyes* Nahihiya kasi ako eh..."

"Hay naku! O sige na nga! Basta siguraduhin mong walang lason to ah?!" parang masama sa loob nyang sabi sabay abot nung tupperware na pinaglalagyan ng Kare-Kare.

"Yehey! Thank you po Kuya ah?! Sa susunod po uli! Bye!" pagkatapos ay umalis na ako para pumasok sa school.

-END OF FLASHBACK-

Simula nun, walang araw na hindi ako nag-iwan ng pagkain or cake kay Manong Guard. Mukha na nga akong timang eh. Actually, pinagtatawan na ako ng bestfriend kong si Angie. Naalala ko pa nga, yung isang conversation namin. Tinanong nya ako kung hanggang kelan ko daw ba gagawin to? Sabi ko naman, hangga't wala pa akong boyfriend. Pagkasabi ko nun, sukat ba naman na batukan ako?! Para daw akong engot. Pa'no naman daw ako magkaka-boyfriend kung lahat ng nanliligaw sa'kin ay binabasted ko? Hahaha... Eh wala eh... Sasagutin ko lang sila kung kasing gwapo sila ng Papa RJ ko.

Andito ako ngayon sa sala at nanonood ng TV. Iniinterview kasi ni Kris Aquino ang hubby ko.

"So tell us RJ... May mahal ka ba ngayon?" nagulat naman ako sa tanong ni Kris.

Oh please RJ, sabihin mo wala... Pleeeeaaassseee... Sabihin mo... *cross fingers*

"Ahh... actually po Ate Kris, meron... Pero secret muna sa ngayon kung sino sya..." sabi nya with matching killer smile.

Parang bigla naman gumuho yung mundo ko pagkasabi nya nun. Yun bang parang nahulog ako mula sa 100th floor ng isang building. Oh my! Wala na talaga akong pag-asa sa'yo Papa RJ... ;(

Habang kasalukuyan akong nag-e-emote, bigla naman may kumatok sa pintuan.

Argh!

Sino naman kayang istorbo to?! Imbes na nag-e-emote ako eh!

Inis na tumayo ako at binuksan yung pintuan, only to see a human size teddy bear. Hay naku! Yung stalker ko na naman. Kelan kaya balak magpakilala nun? Yeah right. You've read it clear. I have a stalker... O sige na nga, hindi na stalker, admirer na lang. Buwan-buwan nag-iiwan yun ng teddy bear sa labas ng apartment ng pinsan ko with matching love note. Siguro mga, dalawang taon na rin nyang ginagawa 'to.

Kinuha ko yung teddy bear at sinara uli yung pinto, pagkatapos ay kinuha yung note na nakadikit sa teddy bear at binasa ito.

No one can change what I feel for you,

I don't know what you did to make me love you;

My love for you is clear as the water, and bright as the sun,

Funny how my heart beats whenever you're around;

All the time, I've been thinking of you,

Hoping that you feel the same way too.

Napangiti naman ako. How sweet of him. Sa lahat ng notes na binigay nya, eto ang pinaka-nagustuhan ko. Bakit kaya talaga hindi pa yun magpakilala? Malay mo naman, sya na yung magiging boyfriend ko, diba? Haha... Pero syempre, kay Papa RJ pa rin ako. Kahit may mahal na syang iba, lab ko pa rin sya. :)



-----------------


credits to Miss Sarrah Armenta

Number One FANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon