Chapter 2

1 0 0
                                    

It's Monday today, and as usual, pupunta muna ako ng ABS-CBN bago pumasok sa school. Sa ngayon, adobo ang niluto ko para sa kanya.

Nakangiti akong tumatawid sa kalsada palapit kay Manong Guard ng biglang...

*Screeeeecccchhh*

Shit lungs! Muntikan na akong masagasaan! Buti na lang, naka-preno yung driver. Pero ng dahil sa gulat ko, nabitawan ko yung tupperware na dala ko, at nagsikalat sa kalsada yung adobo na laman nito.

Argh! Kainis! Anong gagawin ko?! Wala na kong oras para magluto uli!

Sa inis ko, sinigawan ko yung driver ng tinted na Honda Civic na muntik ng makasagasa sa akin at naging dahilan kung bakit natapon yung adobo na niluto ko para sa hubby ko.

"Hoy ano ba?! Tignan mong naging resulta ng pagiging kaskasero mo?! Natapon tuloy yung niluto kong pagkain para sa Papa RJ ko! Hoy! Manong Driver na kaskasero! Ano?! Bakit hindi ka lumabas dyan ah?! Labas!" sigaw ko habang pinapalo yung harapan ng sasakyan.

Nalaglag naman yung panga ko paglabas nung driver. As in! Literal na nalaglag yung panga ko!

Shit! Nakakahiya! Teka... Ano nga uli yung mga sinabi ko?

Rewind...

Rewind...

OMG! Shit! Nakakahiya talaga!

Malamang ngayon alam nyo na kung sino yung driver ng sasakyan na muntik ng makasagasa sa akin at naging dahilan kung bakit natapon yung adobo na niluto ko.

Yeah right. Walang iba kundi si Ryan James Salvador himself.

Argh! Ang engot-engot mo talaga Nimfah Grace!

"I-ikaw?! I-ikaw yung nagpapadala ng pagkain or cake sa akin araw-araw?" narinig kong sabi nya.

Sobra ng kahihiyan to! Hindi ko na kaya!

Number One FANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon