Please understand that matagal talaga ako naguupdate kasi busy sa school works :( Sorry talaga.
**********************
•KATHRYN's POV•
Saturday. 2 days before October. Bakit ba ako nagc'count down? Excited siguro dahil mago'outdoor cooking na kami. Or dahil excited makita yung transferee although on Fridays lang. Ah, ewan.
Maaga ako nagising dahil gumugulo parin sa utak ko yung note na nakita ko kagabi sa park. Grabe, tumaas balahibo ko nung nabasa ko yun.
Ewan, parang.. parang sakin pinaparating. Kinuha ko sa side table yung maliit na papel at binuklat uli.
I will grant my promise. I'll see you soon, my baby. I love you.
Tuwing nababasa ko 'to, gano'n parin kalakas yung epekto sakin. May nararamdaman talaga akong kakaiba dito eh.
Hindi kaya... hindi kaya para sakin 'to?
Hindi eh. Baka naman may nakaiwan lang ng isang broken-hearted na lalaki tapos ipapadala sa babaeng mahal niya. Or...
Ewan ko. Hay!
"Ate, mukha mo naman, uy. Kay-aga aga lukot mukha mo! Hindi yan healthy." Biglang pumasok si Janella sa kwarto at tumalon sa tabi ko.
Binatukan ko siya. "Hindi healthy agad? Tigilan mo nga ako, babae ka! Kasi naman eh..." Sasabihin ko ba?
"Kasi ano? Tell me what's happening."
"Kagabi kasi galing ako sa park, diba? Tapos sa baba ng kotse ko, may nakita akong papel. Tapos ito yung nakasulat oh." Pinakita ko sakanya yung papel na napulot ko.
"I will grant my promise. I'll see you soon, my baby. I love you? Eh what's bothering you?"
"Nung nabasa ko kasi yan, parang.. parang may naramdaman akong kakaiba. Tumaas balahibo ko-na dapat di ko naman maramdaman kung magbabasa ako ng simpleng mensahe. Basta.. kakaiba." Ako.
"Baka naman, para sa 'yo 'yan, ate. Pero kanino naman galing? Ang creepy naman." Tinignan niya ulit yung papel at siningkitan ito.
"Parang penmanship ni kuya Dj.." Bigla niyang nasabi kaya kinuha ko agad yung papel at pinagmasdan mabuti yung sulat.
BINABASA MO ANG
Shooting Star [Kathniel]
FanfictionMahirap para kay Kathryn ang magmove-on mula sa relasyon nila ni Daniel dahil nangako itong hinding-hindi niya ito iiwan. Ayaw niya paring bumitaw dahil naniniwala siyang tutuparin ni Daniel ang pangako niya kaya ang pinanghahawakan niyang pag-asa a...