Dedicated to my watty friend kyra02. Hello, sis!! So here's chapter 2. Enjoy!
**********************************
• KATHRYN's POV •
**
"Kath, hinding hindi kita iiwan.."
**
"Ate!! Wake up sleepy head! Spa today!"
Napaupo ako sa kama. Napanaginipan ko na naman. Hay.
"Huy Kath, naluha ka diyan?" Pati si Juls nandito. Ay? Ba't ba ako naluha? Tss. Nababaliw na 'ko.. kay Dj.
"Ate Juls, nanaginip na naman yan! Punasan mo na yang luha mo ate, baka dumating na si ate Bars. Nakooo, malalagot ka do'n." Si Janella ang nagpunas ng bakas ng luha ko.
Tumingin ako sa orasan 7:00AM. Sanay na kong gumigising nang maaga pag walang pasok. Nakagawian na namin yan dahil college na kami. Pero this time, kasama si Janella. Kailangan magdala ng maraming pera dahil food trip na naman 'to panigurado.
May narinig kaming footsteps paakyat. Nagkatinginan kaming tatlo. Humiga kami sa kama at nagkunwaring tulog pa. Matripan nga si Bars.
Sobrang nakakatawa yung pwesto namin. Nakadapa ako, yung kamay ni Juls nakapatong sa likod ko tapos yung paa niya kunwaring hulog sa gilid ng kama. Habang si Janella naman, nakapatong yung paa sa paa ko tapos nakanganga siya. O'diba mukhang mga ewan.
"Gooooodmoooorn-- ay tulog pa." Si Bars yun. Sumigaw pa siya kaso naudlot. Kinagat ko labi ko dahil natatawa talaga ako.
Si Juls gumalaw galaw pa. Tapos biglang nahulog sa kama. Alam kong sadya yun. Pfft. Si Janella nanginginig dahil pinipiliy niyang 'di lumabas ang tawa niya. Hala, sige mautot yan.
"Omg! Juls!" Gulat si Bars na nahulog si Juls sa kama.
"Uhh.." 'Di ko makita yung nangyayari kasi nakadapa ako. Kinalabit ko si Janella at tumango nalang siya.
"Wahahahaha! Goodmorning!" Sabay naming sabi. Nagulat si Bars. Luh.
"Hay nako! Sabi ko na nga ba! Hahaha! Alam niyo bang pinaghandaan ko pa yung goodmorning ko sa inyo, kaso nagkunwari kayong tulog kaya putol! Hahahaha!" Tawa lang kami ng tawa.
Kahit yung akin.. medyo pilit.. peke.
"Maligo na nga kayong tatlo! Excited na 'ko mamaya!" Tumayo na kaming tatlo na magkakapatid. Lumabas yung dalawang J ako naman pumasok sa banyo.
Kung ano gagawin namin today? Well, magpapamanicure and pedicure. Tapos magf'foodtrip magdamag. 'Pag gabi, magpapamasahe kami. O'diba, ayos?
Naririnig kong kumakanta si Bars lakas ah. May future 'din siya bilang singer.
BINABASA MO ANG
Shooting Star [Kathniel]
Fiksi PenggemarMahirap para kay Kathryn ang magmove-on mula sa relasyon nila ni Daniel dahil nangako itong hinding-hindi niya ito iiwan. Ayaw niya paring bumitaw dahil naniniwala siyang tutuparin ni Daniel ang pangako niya kaya ang pinanghahawakan niyang pag-asa a...