Star 13

2.4K 80 14
                                    

OMG sorry na alam kong galit kayo dahil ang tagal ko mag-update hehheeh peace be with you

**********************************************

• KATHRYN's POV •

Nandito parin ako sa park at nakatingin lang sa langit, pinagmamasadan 'yung mga magaganda at kumikinang na bituin.

Biglang umihip ang malakas na hangin. Napagpasyahan ko ng umuwi dahil baka mahamugan pa ako. Wala akong jacket, malamig pa naman kaya kailangan ko ng umuwi.

Pagbaba ko ng hood may tumama sa ulo ko.

"Aray!" Napahawak ako sa parte ng ulo ko na tinamaan ng.. tumingin ako sa baba, papel 'yung tumama sa akin.

Tumingin ako sa paligid, wala namang tao. Pero may kotse na papaalis at nanlaki na naman mata ko. Ayan na naman 'yung kotse ni Daniel. Pangalawang beses ko na nakita 'yan. Siya kaya? Hay. Eto na naman ako.

Hallucinate na naman ba? Kasawa. Gusto ko totoo.

Kinuha ko 'yung bala, I mean papel na tumama sa ulo ko at binuklat iyon. And wow, medyo mahaba 'yung nakasulat.

I have onced promised to the girl I love so much but I broke it because of a shallow reason. I asked myself, 'Tanga. Bakit sinira mo 'yung kaisa-isang pangako mo sa kanya?' Langya. Stupid. Pero hindi pa natatapos ang lahat. Akala niya tapos na pero akala lang niya 'yon. Kasi ako... hindi basta basta papayag na makakasira ako ng pangako, lalo na't 'yung pangako na 'yon ay para sa babaeng mahal na mahal ko. Ako 'yung taong hindi papayag sa gano'n. I never wanted to hurt my girl. Never. Wait for me, I love you. Naalala mo pa ba 'yung pangako? Tutuparin ko 'yun. Because a promise is a promise. Hold on, my love... just hold on.

Nung nabasa ko 'yun, biglang naalala ko si Daniel. Bumalik ako sa hood dahil feeling ko may kailangan ba akong isipin. Humiga ako at pumikit. Daniel..

Biglang nagreplay sa utak ko 'yung gabing nangako siya sa akin.

"Pero hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo... hinding hindi kita iiwan, pangako ko 'yan sa'yo.."

Sumasakit na naman puso ko. Ang sakit sakit alalahanin. Sobrang sakit. Ang hirap magmove-on. Hindi gano'n kadali.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, tumunog ang phone ko. Si Julia.

"Ate Julia?" Hindi ko alam kung bakit tinawag ko siyang ate pero ito ata ang kailangan ko. Kailangan ko ng ate.

< Uy, bakit ate tawag mo? Hahaha. Anong nangyari? > Naiyak na ako. Naghihina ako.

"Ang sakit sakit, ate." 'Yun lang ang nasabi ko dahil kapag detalyado pa, baka hindi na kami magkaintindihan dahil sa hagulgol ko.

< Tumawag ako para pauwiin ka na dahil lumabas ako ng veranda, sobrang lamig. Baka sipunin ka o mahamugan. Pero mukhang ako dapat ang pumunta diyan ah. Hintayin mo ako. Magdadala ako ng jacket. >

"Okay.." Mahina kong sabi.

< Pumasok ka muna ng kotse nang mainitan ka, nako baka magkasakit ka sa lamig ha. >

"Sige po, papasok na."

< Sige na, malapit na ako. >

Inend ko na 'yung tawag at ginawa ko ang sinabi ng ate ko. Sobrang lamig.

Ilang minuto rin ang lumipas at nakarinig ako ng katok sa bintana. Si Julia. Nakapajama at jacket. Langya 'to oh, pajama talaga. Binuksan ko ang pinto at ini-abot sa akin ang jacket ko. Lumabas na ako ng kotse at sinundan si Julia sa hood ng kotse.

Shooting Star [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon