Chapter 6

1.3K 35 0
                                    

Denden's POV.
( Same time and place)

Andito kami ngayon sa mall. Napag isipan muna kasi namin na mag relax dahil sobra kaming na stress sa game namin kahapon. Pero syempre, worth it naman yung pag ka stress namin. So back to the topic.

Naglalakad na kami ngayon papunta ng Cinema One. Sakto lang yung pagpunta namin dun kasi by this time, siguradong naglalabasan na yung mga nasa loob ng movie house.

Nung malapit na kami, sabay sabay na nanlaki yung mata namin sa aming nakita. Buti na lang at si Besh Aly is checking her phone kaya naman mabilis namin syang ipinihit patalikod.

We saw Jovee. He is with another woman. Super sweet nila. Kaya ba nawawalan na sya ng time kay Besh because of that fucking girl?! Shet. Kawawa naman si Besh nito.

Kung ano ano ng dahilan ang sinabi namin para lang mailayo namin sya sa lugar na yun. Pero napatitig kaming tatlo nung makita namin na papalapit na yung dalawa sa pwesto namin.

Kaya naman sinabi na ni Besh Ella na gutom na sya. Akala namin na napaniwala namin si Aly pero mali kami. Dahil bigla syang lumingon. At saktong paglingon nya, naghalikan yung dalawa. Aba! At talaga naman palang makakapal ang mga mukha ng mga ito eh! Akalain mong PDA pa sila eh di naman sila yung Legal! Kawawa naman si Besh. And there. She ran away.

Di ko na napigilan ang sarili ko! Sinugod ko si Jovee and slap him in the face.

Hayop ka! Alam mo ba na halos mamatay na si Ly kakaisip kung nakakapag pahinga ka pa?! Tas makikita ka namin dito flirting with another girl?! Eh putang ina ka pala eh! Di ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko sya.

Den? What are you doing here?! Kasama nyo ba si Aly?! Sabi ni Jovee na nanlaki ang mata ng makita kami.

At bakit?! Nahihiya ka na makita ka nya flirting with her? Sorry not sorry but it's too late! She saw everthing! And now? She's broken and in pain! Sabay sampal din sa kabilang pisngi ni Ella.

Beshies stop na. That man doesn't deserve our precious time. But I think you deserve this one! *booogsh* Sinuntok sya ni Amy.

And one more thing! I slap the girl really hard! Lets go girls! Hanapin na lang natin si Ly.

Ella's POV

Hayyst nasaan na kaya si Besh?! Past 6 na din at wala pa din sya. Sobra na kaming nag aalala sa kanya! Di ko na alam ang gagawin ko. Isang tao na lang pwede kong tawagan. Sana talaga alam nya kong nasaan si Besh.

Calling Kiefer Ravena

Hello?

Kiefer Alam mo ba kung asan si Ly?

Ha? Hindi bakit?

Long story pero she's in pain right now dahil sa magaling nyang boyfriend!

Ha?! Bakit?! Ano ba nangyari?! Pero sige paalis na ko ng bahay. Mukhang may idea na ko kung asan sya.

Sige sige thank you talaga ha! Sorry kung naabala pa kita!

Okey lang! Sige na bye.

Kiefer's POV

Nandito ako ngayon sa bahay. Nag rerelax lang. Hindi muna kasi kami lumabas ngayon ni Mika kase alam kong pagod sya. Past 6 na when my phone rang and saw that it was Ella.

Nung nalaman kong nawawala si Aly, di na ko nag dalawang isip na hanapin sya. May lugar akong pupuntahan ngayon thinking that she's there. Sana lang talaga nanduon sya.

Nandito ako ngayon sa oval. Papasok pa lang ako when I hear sobs. Alam kong si Ly na yun kaya agad kong syan hinanap.

Ly?!

Kiefer?! Ano ginagawa mo dito?!

Agad ko syang niyakap and there, umiyak ulit sya sa shoulder ko.

Sige lang Ly, iiyak mo lang yan.

Bakit ganun Kief?! Di pa ba ko sapat sa kanya?! Binigay ko naman lahat eh! Pero paano nya nagawang lukohin ako?! Baka naman nasa akin yung mali?!

Awang awa ako sa kanya ngayon. She's in pain right now and I can't do anything just to ease the pain. Sobrang nakaka awa sya.

Tama na Ly. He's not worth of your tears.

Kief?! Pangit ba ko?! Maarte ba ko?!

Nagulat ako sa mga pinagsasasabi nya kaya di ako agad nakasagot at napabitaw ako sa yakap ko sa kanya.

Ano Kief?! Sumagot ka! Siguro nga tama ako. HAHAHAHA! Sana umamin na lang sya eh! Hindi yung ako pa yung nakakita sa kanila!

Ly?! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?! Walang mali sayo! You are perfect! Kung iniwan ka man nya, hindi sya kawalan Ly. Alam mo kung ano yanf ex mo?! ISANG MALAKING GAGO LY! Gago sya kasi pinakawalan ka pa nya. Wala siyang kwentang babae.At niyakap ko sya.

After a couple of silence, tumigil na sya sa pag iyak. And it's getting late too. Kaya I decided na ihatid na sya.

Ayusin mo na sarili mo besh! I'll take you back na sa dorm. Alalang alala na sila Ella. Kaya kung di mo aayusin ang sarili mo, masasaktan din sila diba?! Sige na tara Ly. And she listen to me.

Aly' POV

Pagkadating namin sa dorm ay agad na nagsitakbuhan ang mga teammates ko papunta sakin.

Besh/Ly/Ate Aly/

Tama si Kief eh, kelangan ko ipakita sa kanila na okey ako. Para di na sila madamay pa. Pipilitin kong ipakita na masaya ako. Hanggang maramdaman ko na di na yun palit at totoo na. Hayssst.

Oyy ano ba kayo para namang di tayo magkakasama kanina ha! Sige na akyat muna ko. Bukas bawiin natin yung nasirang gala natin today. Promise ^______^. Bye the way. Thanks Kief sa paghatid I really appreciated your effort Ingat ka pag uwi ha?!

Sabay akyat ko na sa room namin nila Besh. Narinig ko pa na nag thank you si Ella kay Kief. Siguro sya yung nagsabi kay Kief nung nangyari. Hayssst too much for this day. °________°

_______________________________________

Sorry sa super tagal na update!

Peace and Love.

How can I tell that I LOVE YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon