Kiefer's POV
Two weeks na rin since nung naghiwalay si Aly and Jovee. At two weeks na rin simula nung nag champion sina Ly at nagbago na si Mika. Di ko alam kung bakit pero pag niyaya ko sya lumabas lagi nyang idadahilan na busy sya. Kaya nga parang napapaisip ako kung ano ba ang nagawa kong mali?! Oh kung nasakin ba talaga yung mali. That's why I invited her for dinner. Nung una tumanggi sya but I insisted that even just for this day, cause I really need to talk to her. Pumayag sya at sinabi nya din na wag ko na syang sunduin.
Andito na ko sa isang restaurant dito sa mall ngayon. Late na sya ng 1 hour. She's never been late sa dinner namin. Kasi kadalasan pag di sya nagpasundo, lagi syang una or late ng 10 minutes lang. I get my phone and open my twitter for awhile nung bigla syang dumating.
"Hi baby. Upo ka muna bbq." Sabi ko sa kanya.
Di na ko nakapaghintay at nagpaligoy ligoy pa. Pagkadating ng inorder ko, tinanong ko na sya.
"Mika may problema ba satin?"
"Ha?! Ano na naman ba yang sinasabi mo?"
"Kasi lately, pag niyayaya kita to go out with me you're always busy and medyo naging cold ka din kasi sakin eh."
"Ah yun ba?! Kung ayaw mo sa attitude kong yun, sorry but that is me and you can't change that."
"Di ko naman sinabi na kailangan mo baguhin yun attitide mo. Ang sa akin lang naman, diba hindi naman tayo ganto dati? Hindi ka ganyan sakin. Pero bakit ngayon nagkakaganyan ka? May mali ba sakin? May nagawa ba ko? Sabihin mo kasi para naman alam ko diba?!"
"Alam mo kung ano yung mali?! Yung minahal kita! Dapat talaga kasi Kief di na kita minahal eh! First of all, pag may free time ako, ikaw ang wala. Kaya minsan kahit may ginagawa ako, basta you ask me to go out with you, napiplitan kong iwan yung ginagawa ko for me to be with you! Naiintindihan mo ba yun!" Habang umiiyak sya ay sinabi nya yun sakin.
Na shock ako sa sinabi nya! Di ko inexpect na whenever I'm inviting her for a date, eh meron pa palang mas mahalaga na dapat nyang ginagawa.
"Eh diba tinatanong ko naman kung may gagawin ka?! Naiintindihan ko naman kung meron eh! Edi sana tinulungan pa kita! Ang hirap kasi sayo, you're always hiding your feelings! Pero ako, lahat ng nararamdaman ko sinasabi ko sayo. Sana naman iconsider mo na boyfriend mo ko pag may problema diba? Para kahit sa maliit na paraan natutulungan kita." Napasigaw na rin ako dahil sa psgkabigla ko sa mga sinabi nya.
"Well not anymore Kief, I'm breaking with you now!"
"I'm breaking with you now!"
"I'm breaking with you now!"
"I'm breaking with you now!"Wait what?
Tapos umalis na sya.
At mas lalo akong na shock sa sinabi nya. Ngayon lang nag si-sinc in eh. Ang sakit lang. After what we have all this time?! At dahil lang dyan sa put*ngin*ng time yan gusto nyang makipaghiwalay sakin? Hinabol ko sya kasi alam kong misunderstding lang to. Na nabigla lang din sya at nadala ng galit nya at nasa parking lot na sya nung naabutan ko.
"No Mika please! I LOVE YOU don't leave me please. I will do everything just to keep this relationship. Kaya nga nag uusap tayo diba?! Para maayos natin to?! So please don't leave me baby. Pagusapan naman muna natin to!"
"Wala na tayong dapat pagusapan pa! Tsaka di mo ba ko maintindihan?! I have my own priorities and you have your own too! Ano ba ang di mo maintindihan sa word na ayoko na at break na tayo?!"
"Bigyan mo ko ng isang malalim na dahilan para makipaghiwalay ka sakin." Ito na lang ang nasabi ko.
"Dahilan? Isa kang malaking distraction para sakin kaya di ko na nauunang gawin ang priorities ko and besides, di na kita mahal kasi ayoko na! Oh sapat na ba yun?! Kaya kung pwede lang umalis ka na dyan at aalis na ko!" Sabay sakay sa car nya at naiwan akong tulala.

BINABASA MO ANG
How can I tell that I LOVE YOU?
FanficThey are best friends for almost four years. But then, they didn't noticed that they are meant to be. Meron silang kanya kanyang relationship kaya naman hindi na sila gaanong nakakapag usap. Pero paano kapag pareho na silang free? Mabibigyan na ba n...