(Reasoning)
Jennie Jennie Jennie! ATEEEE JENNIE!! San ka pupunta ate Jennie.. ?? yan ang masayahin tanong Stacy.
Pauwi na nag aantay si papa susunduin ako sa sakayan. Nakangiting sagot ni Jennie habang nagbabalot ng gamit mula sa kanyang personal na mesa.
Ang bait bait talaga ng papa mo haha sana malakas pa ang katawan ng papa ko para may nagususndo din sa akin pag pauwi., mabait din naman ang papa mo, sagot ni Jennie., at hindi rin naman sya ganon ka hina, nagkataon lng talaga na nagkasakit sya noon pero masayahin parin naman sya ngayon hindi ba?
Cguro nga tama ka ate Jennie. Hehehe tara na nga sabay na tayo papunta sa sakayan ng bus. Pag aaya ni stacy na tapos na rin mag handa ng gamit pauwi,. Si Jennie at si Stacy ay magkaibigan mula pa nung kolehiyo, mga dalaga na hindi naniniwala sa destiny serendipity at iba pa na kilalang salitain sa pag ibig. Sabi nga ng modernong kabataan. Mahirap daw ang masaktan.kaya karamihan umiiwas nalang. Gaya nilang dalawa na hindi pa nagkaroon ng tunay na pag ibig marami man ang sumubok hindi sila nagpadala sa kani-kanilang damdamin. Mas inuuna ni Stacy an gang trabaho dahil sa mahina nyang Ama na kailangan ng gamot. Pero iba naman ang dahilan ni Jennie na kakaiba rin ang Priority. Marami syang gustong patunayan sa sarili, mga bagay na gustong makamit, pangarap na gustong maarating.
Pero bukod doon. Kasama sa rason nya ang takot na masaktan kaya hindi sya sumugal kahit isang beses. Itinuon naman ni Stacy ang sarili sa internet, Anime, Manga at Watapad (wahaha)
REASON 1: RAEF
Maginaw na daloy ng hangin mula sa bintana, katabi ang di kilalang lalake na nag t’text kami tang lumang Nokia 1208 na may sira-sirang housing tanging si Papa Jack ng Love Radio ang Narininig kasabay ng mga payong pag ibig na mabentang mabenta sa mga masugid na tagapakinig. Mga luha at problema na lalong nagpapatibay takot ni Jennie na wag umibig, kahit lagpas na ang hating gabi, gising parin ang diwa nya para maintindihan ang bawat salita ng umiiyak na dalaga sa radio. Di katagalan isang kabadong boses ang nagsalita mula sa hindi kalayuan. HOLD UP TOH!! Walang Kikilos!! , apat na lalake mula sa ibat ibang upuan ang nakatayo at nag-wawagayway ng baril. Agad na itinago ni Jennie ang Latest Galaxy ng Samsung sa bulsa Kasama ang takot sa dibdib nya. Isa isang nilapitan ng mga masasamang loob ang mga pasahero ng bus. Kinukuwa ang cellphone, alahas o kahit anung bagay na may halaga., isang lalakae ang may hawak ng patalim ang lumapit sa katabi nyang lalake AKINA.! CellPhone oh wallet!,pabulyaw na salita ng maitim na lalakeng nangingikil sa harap nila., iniabot. Ng Morenong katabi ni Jennie ang wallet kasama ang ilang barya na tigpipiso na parang nang aasar., kinutusan ng holdaper ang binata dahil sa pasimpleng pangungutya nito, mangiyakngiyak si Jennie nang sya naman ang kausapin ng panget na holdaper. Ilabas mo na neng.. salita nito, sa dalaga. Halos tumulo na ang luha nya ng humugot sya sa kanyang bulsa. Nagulat sya sa mga nakapa.. dalawa ang kudradong bagay sa kanyang bulsa. Inilabas nya ang mas maliit na bagay na nahawakan nya. Isang lumang N1208 ang nailabas nya na kanyang ipinag’taka. Agad na hinablot ng mamang holdaper ang telepono at agad na limipat ng upuan.
Sa hindi kalayuan, agad din bumaba ang apat na kalalakihan para tumakas dala ang mga nalikom na kalakal. Tuluyan ng umiyak si Jennie at ibinuhos ang naipong takot mula sa mga masasamang tao na nangloob sa sinasakyang bus. isang pares ng naiirita mata ang nakatingin sa kanya mula sa katabing binata, wag ka ngang umiyak, para kang bata. Nakakainis ung boses mo. Patuloy na umiyak ng malakas si Jennie, parang bata na nahulugan ng ice’cream, hindi mo naman kasi alam kung gaano ako natakot, importante sakin to kaya ganon nalang ka grabe ung takot ko…..patuloy na nagsalita si Jennie kasabay ng kanyang pag hagulgol ng hindi nalalaman na hindi na pala nakikinig ang katabi. Huminto ang bus sa isang police checkpoint para i-report ang krimen.. agad na bumaba ang misteryosong binata na nag ligtas sa kawawang cellphone ni jennie.