Prologue

2K 56 13
                                    


Kapag mahal ka, babalikan ka...
Pero kung mahal ka talaga, iiwan ka ba niya?



[Wayne Constantine Miguel IV calling..]


Halos mapatalon ako nang marinig kong mag-ring ang skype ko. Wala sana akong balak na sagutin ito ngunit nang makita ko ang Wayne Constantine Miguel IV sa screen ay nagmadali akong tanggapin ang tawag na ito. Siya ang kuya ko, ang sunod na tagapag-mana ng lahat ng pinaghirapan ni daddy na nagmula pa sa aming ninuno na si Constantine Miguel. Siya rin ang susunod na bachelor na bibitbit sa pangalan ng aming great grand father na legacy hanggang ngayon sa larangan ng negosyo.

"Oh kuya, kamusta?" Bungad ko habang sinusuot ang hikaw na pinahiram sa akin ni mommy. Wala kasi akong sariling mga alahas dahil hindi naman ako mahilig mangolekta nito gaya ni mommy. Tama na sa akin iyong isang pares na hikaw na regalo sa akin ni Charles at 'yung necklace na regalo din ni daddy. Pero promenade namin ngayon kaya gusto ni mom na magarang alahas ang isuot ko. Dahil dinadala ko daw ang apelyidong 'Miguel' kaya dapat ay lahat ng suot ko ngayong gabi ay sumisigaw ng karangyaan. Ngunit kung ako lang ang masusunod ay mas gusto ko ang simple lang.

Ngayon ko lang napansin na nakatopless pala si kuya habang nakadapa sa kaniyang magulong kama. "Ikaw! Maagang kang umuwi mamaya ha! Sinabihan ko na 'yang magaling mong boyfriend na si Charles na pagdating ng 10 PM ay iuwi ka na!" Sabi niya sabay lagok sa isang tin can na halatang nakalalasing ang laman.

Mariin akong napapikit at napasinghap dahil narinig ko nanaman ang talak ng aking kuya. He's really anti-charles! And I never know why? Humalukipkip ako at bumaling sa screen. "Kuya, malaki na ako. Hindi mo na kailangang idikta ang mga dapat kong gawin. Saka tigilan mo nga 'yang pag-iinom mo!" Singhal ko sa kaniya para ipaalam na hindi na ako nasisindak sa sermon niya. Dalaga na ako pero baby pa din ang turing niya sa akin.

Nagkibit lang siya ng balikat sa sinabi ko at patuloy pa din sa pagsesermon. "Yeah you're right, you're already at the right age, but you're still a girl! At baka nakakalimutan mo na ikaw lang ang kaisa-isang apong babae sa side nina daddy—" Natigil siya sa kakatalak ng may lumapit sa kaniyang isang babaeng walang pang-itaas at nakapanty lang. Hinalikan siya nito sa labi at parang may binulong siya dito tapos ay binalot ng babae ang sarili niya sa comforter.

Napatuloy si kuya sa sinasabi niya ng parang walang nangyari o wala akong nakita. "At kailan ka pa natutong sumagot sa akin ha? Parang wala nang kwenta lahat ng sinabi ko sa 'yo mula nang naging boyfriend mo iyang Charles na iyan! Humanda lang iyan sa akin kapag nakauwi ako diyan sa atin."

Tinaasan ko siya ng kilay bago ako nagsalita. "Pwede ba, huwag kang mandamay ng inosenteng tao. Saka sino ba 'yang babaeng kasamo mo diyan? Alam ba ng magulang niyan na naghuhubad siya sa harap mo? Bakit hindi kaya siya ang pangaralan mo ha, kuya?" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng aking boses. Malakas lang naman ang loob ko na talakan siya pabalik kapag nag-uusap kami sa skype, pero sa personal, wala talaga akong laban sa kaniya. Dahil kahit saang banda, siya talaga ang siga.

"Pwede ba, wag mong ibahin ang usapan! Ikaw ang pinag-uusapan dito hindi ako. At isa pa, lalaki naman ako kaya walang nawawala sa akin." Pero sa babae niya na iyan, siguradong mayroon, madami. Mahal ba niya ang babaeng iyan? Baka pampalipas niya lang ng oras? Tsss.. kailan ka ba magbabago kuya? Hindi pwedeng makilala ka ng buong mundo bilang isang Constantine Miguel IV na babaero, basagulero, tamad at walang pangarap sa buhay. Ilang henerasyong inalagaan ang pangalan na iyan, kahit si daddy, naging successful at nag walang maipintas sa kaniya mula pa lamang ng nag-aaral siya. Pero itong si kuya, kapag hindi siya nagbago, siya ang kauna-unahang kahiya-kahiyang Constantine.

Chased By A Casanova (On-going) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon