VII. Clingy

15 0 0
                                    

SIM's POV

"Production function states the relationship between the inputs used and the output produced. BLAH BLAH BLAH!!"

Halos hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasasabi ng professor kong panot dahil panay na ang tingin ko kay Harvey..

Alam kong nakikita niya rin akong nakatingin sa kanya pero parang wala lang sa kanya.. bakit kaya ganun? Hindi pa ba niya nababasa yung sulat na gawa ko? Haaaay..

Kinalabit ko si Keish saka ako bumulong sa kanya..

"Psst! Sa tingin mo nabasa na kaya ni Harvey yung love letter ko?" Tanong ko sa kanya pero nagkibit-balikat siya..

Ano ba naman 'tong babaeng 'to.. di makausap ng matino..

Hinila ko yung dulo ng buhok niya.. nakakainis kasi eh..

"Aray! Tsk! Bat ba ako tinatanong mo? Anong malay ko eh magkasabay tayo umuwi.. di ko naman nakita kung nabasa niya na yung sulat o hindi!" Iritado niyang sabi

"Everybody listen! Bakit may naririnig akong nagbubulungan?" Sigaw ni Panot..

Bago pa man kami mahuli ay lumayo na ako kay Keish.. baka palabasin na naman ako nito't magkaroon pa ako ng 'MOST OUTSTANDING' award..

Napairap na lang ako sa kawalan saka nagpangalumbaba..

Maya-maya'y naramdaman ko ulit ang kalabit sa akin ni Keish sabay pakita sa akin ng papel na may nakasulat na..

'If you really want to know, then ask him.'

Pa-english-english pa.. tss..

As if naman na kaya kong itanong harap-harapan 'yun sa kanya..

Tsk! Hay basta! Bahala na si Batman!

We find ways!

------

Pagkatapos kaming i-dismiss ni Panot ay tumayo na ako...

Hinintay ko munang makalabas si Harvey bago ako tumakbo sa pintuan para harangin yung isa sa mga barkada niya - yung nagsabi sa akin ng pangalan ni Harvey.. remember?

"B-bakit?" Tanong niya sa akin

Hinila ko siya papasok ulit ng room saka ko siya binitawan..

"Uy anong gagawin mo? Don't tell me liligawan mo rin ako? Marupok ako.. sinasabi ko na sa'y--" sinampal ko siya..

"Ang daldal mo kasi eh.. asa ka namang liligawan kita! Di kita type noh! May itatanong lang ako!" Sabi ko sa kanya..

"Grabe ka naman Sim.. kailangan manampal?" Sabat ni Keish

"Oo nga! Kailangan manampal?" Sinampal ko ulit yung lalaki matapos niyang magsalita kaya napahawak na lang siya sa pisngi niya..

"Torture 'to ah! No bullying sa school na'to!" Mangiyak-ngiyak niyang sabi.. hahaha.. sorry naman..

"Haha.. manahimik ka na kasi! Gusto ko lang sanang itanong kung ano.. kung.." nahihiya kong sabi.. hihihi.. shy type ako eh..

"Ano?" Inip na sabi niya..

Sinampal ko siya " Eto na! Wag kang excited! Itatanong ko lang sana kung nabasa na ba ni Harvey yung sulat na iniwan ko sa locker niya."

Saglit siyang natahimik at nag-isip..

"Ah.. sabi na nga ba sayo galing 'yun eh.. may nalalaman ka pang secret admirer eh halata namang.." sinampal ko ulit siya..

"What did I do?" Takang tanong niya nung sampalin ko ulit siya..

The Lady SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon