V. Love Letter

16 0 0
                                        

SIM's POV

We're on my room and I'm currently starring at Harvey's facebook account.. and nakakainis lang kasi naka-private pa pala kaya wala akong makitang maganda dito sa facebook niya.. puro 'Harvey Allen Ferrer changed his profile picture' lang..

Kagabi pa ako nag-send sa kanya ng friend request pero hanggang ngayon di pa rin niya ako ina-accept! Tsk..

"Bakit ba ang tagal niyang i-confirm yung friend request ko?" Naiinis kong sabi habang nakikipagtitigan sa profile picture niya..

"Baka natakot na 'yun sayo! Kababae mo kasing tao tas ikaw yung agresibo!" Sinamaan ko ng tingin si Keish saka ko inagaw yung Kettle Corn sa kanya..

"Manahimik ka na nga lang Keish! Nakikikain ka na nga, nambabasag ka pa ng trip!"

"Sungit!" Bulyaw niya..

Saglit ko pang tinitigan yung mukha niya sa laptop ko saka ko binato yun ng unan..

"Argggh!! Ano pa bang gagawin ko? Bukod sa pangalan niya, wala na akong alam sa kanya.. tsk!"

Napagawa na nga rin ako ng twitter at instagram dahil nagbabakasakali akona meron siyang ganun pero wala eh.. tanging facebook lang ang meron siya tapos ayaw pa akong i-accept!

"Mahirap 'yang wala kang alam sa kanya tas manliligaw ka.." ani Jown

"Oo nga.. baka mamamatay tao pala yun di mo lang alam.. teka, bat di mo hingan ng NBI clearan--ARAAY!"

Binatukan ko si Keish. Lakas ng imagination eh..

"Gaga! Mukha bang mamamatay tao yun? Eh ang gwapo gwapo niya nga eh! Manahimik ka na nga lang jan! Tsk!"

"Looks can be deceiving kaya!!" Hirit pa niya kaya pinandilatan ko siya ng mata..

Kahit kelan may pagka-aning aning talaga 'tong babaetong 'to!!

"You know Sim, knowing someone takes time.. at hindi mo makikilala ang isang tao based on his facebook account. Why do you have to waste your time on his account when you can ask him on person? I know we've said that knowing him is the most important thing pero di naman namin sinabi na kailangan agad-agaran alamin mo na lahat ng tungkol sa kanya." Sabi ni Jown habang busy sa pagkalikot ng cellphone niya..

Napaisip ako..

Oo nga no.. Jown has a point..

Ba't nga ba ako nagpapakapuyat kakatingin sa fb account niya kung pwede ko naman siyang tanungin..

And with that nagsimula nang kuminang ang mga mata ko..

Ba't di ko naisip yun?

Kasalukuyan na akong nakakakita ng nagkakantahang anghel nang magsalita na naman si Keish..

"Yun ay kung kausapin siya.. friend request nga di inaaccept kaya malamang malabo ding makipag-usap 'yun sa kanya."

-_-

Alam niyo yung tipong yun na eh.. malapit ka na sa rurok ng tagumpay tapos may isang KJ na pipigilan bigla yung kasiyahan mo..

That's exactly what I'm feeling right now pero hindi ko magawang kontrahin si Keish kasi she also has a point..

Kakausapin ba ako ni Harvey? Sa sungit niyang 'yun?

Haaaaaay..

Napabuntong hininga na lang ako saka sumimangot ulit..

Pero bigla ulit nagsalita si Jown..

"Wag ka ngang nega jan Keish.. at ikaw Sim, kung di mo makakayang makausap si Harvey, edi wag mo na din isipin na magkaka-boyfriend ka na.. Do you think may mangyayari kung di kayo nag-uusap.. Hell NO.. tsaka ba't ba pinag-tutuunan mo ng pansin ang no.5 when you still have nos. 1 to 4 na di mo pa din naman nagagawa.."

Agad kong niyakap si Jown..

"Aww jown.. I'm lucky to have you as a friend. Talino mo ngayon ah.."

"Hahaha.. siyempre.. may lovelife nako kaya alam ko na 'yan." Sagot niya..

With that, niyakap ko ulit siya.. oo tama.. sa halip na magmukmok, iba na lang muna gagawin ko..

Naalala ko yung way 1: Write a Love Letter.

Tama.. yun na lang muna gagawin ko..

"Salamat talaga Jown" sabi ko habang yakap pa rin siya..

"Sali ako." Sabi ni Keish na akmang lalapit na samin kay pinigilan ko siya..

"Hep hep!! Jan ka lang! Kami lang ni Keish kasi wala kang naitulong sakin!"

"Andaaaayaaa!! Friendships tayo diba.."

Nagkunwari kami ni Jown na walang naririnig kaya ayun si Keish.. parang batang nagmamaktol.

Buti nga.. hahaha

-KINABUKASAN-

Nandito kami nina Jown at Keish sa Cafeteria ng Mericci U. at kasalukuyan kaming kumakain.. err.. sila lang pala..

Eto kasi ako.. busy sa kakaisip ng magandang isulat para kay Harvey..

Akala ko madali lang 'to pero hindi pala.. tagtuyot ngayon ang utak ko kaya wala akong maisip na maganda..

Binasa ko 'yung sinulat ko sa stationary..

Dear Harvey,

Hello! Mahal kita! Tayo na ba?

Agad kong pinunit at tinapon sa kalapit kong basurahan yung sinulat ko..

Ako nga di nagustuhan yung gawa ko, si Harvey pa kaya?

Tsk..

"Arrrrghh!!!" Napasapo na lang ako sa ulo ko at pilit na ginigising ang mga natutulog kong brain cells..

"Ano? Wala ka pa rin bang nasusulat? Kanina ka pa jan ah.. di ka na nga kumain eh!" Tanong sa akin ni Keish..

"Tsk.. wala akong masulat.. wala akong maisip!" Nanlulumong sabi ko..

Di ko alam na pati pala sa pag-hanap ng lovelife kailangan din ng madugong pag-iisip.. tsk..

"Jown, anong gagawin ko?" Sabi ko habang kinakalabit ko si Jown na kakatapos lang kumain..

"Hmm.. wala rin ako masyadong alam jan eh since hindi ko naman sinulatan si Paolo noon.. pero sa tingin ko, mas okay kung sabihin mo lang kung ano yung nararamdaman mo.. whether it may be corny or baduy..ang mahalaga, may nasulat ka."

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Jown..

Hinawakan ko ulit yung ballpen ko saka nagsulat sa cute na stationary na binili ko sa national bookstore..

This time, I'll try not to use my head but my heart..

Maybe, I'll just let my heart speak..

--------

After writing my love letter for HIM, nagpunta agad ako sa locker niya saka ko hinulog yung letter..

As much as I would love to see his reaction upon reading my letter, mas minabuti ko na lang na wag na.. kahit papano naman kasi may hiya pa rin ako noh..

Besides, first time ko din na gumawa ng love letter at manligaw..kung di lang talaga ako desperada na..

Sana naman matuwa siya pag nabasa niya na... hihihi


The Lady SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon