You left me hanging

2K 149 93
                                    

The most painful goodbyes are the ones that are never said and never explained

2 months had passed nung sa tingin ko ay iniwan niya ako. Walang pasabi. Walang text o tawag man lang. Wala. I texted him and I tried to call his phone pero hindi ito macontact. Tiningnan ko naman ang facebook ko kung online ba sya, pero hindi. Io-open ko na sana ang account niya, pero hindi ko na iyon ma-open. Ano to? Binlock niya ako? 

 Kumusta na kaya siya? Pero ang gusto ko talagang itanong ay kung kumusta na kami? Kumusta na ang relasyon namin? Napangiti ako ng mapakla sa tanong na yun. Ang sakit. Sobra. 

Pag may naririnig ako na kapangalan niya, napapahinto ako. Naaalala ko nung magkasama pa kami. Kung paano kami maglambingan. Kung paano niya ako pinakilig. Kung paano niya ako hinalikan. Pero naaalala ko rin yung ilang gabing halos maubos ang luha ko sa pag-iyak. Nung araw na kailangan ko siya pero wala siya sa tabi ko. Nung mga sandaling gusto ko siyang makasama at mayakap. 

Pero bakit ganun? Ba't parang gusto ko pang umasa na babalik siya? Umaasang babalik siya at magso-sorry. Pero malabo yun eh. I have too many questions that need an acceptable reasons. 

Bakit ako nalang palage ang naiiwang mag-isa?  Sa lahat ng bagay na lang bang ganito? Am I not good enough? I'm the horrible daughter. I'm not even the second choice. I'm the "left over". I'm not the clever one. I'm the talentless one.. I'm just not good enough.

So many people have left my life. But not him. Please not him.

But He already left me. He left me hanging.

****

Nagmamadaling naglakad ako patungong eskwelahan. 7 o'clock na at sure akong malalate na ako nito. Palagi naman eh. Hindi ko na kase kailangang gumising ng maaga para tingnan kung may text bang galing sa kanya na naglalamang "Good morning, babe. Mwuaah!". Parang bakla eh! Pero masaya na ako nun ah! Kahit hirap pang imulat ang mata ay agad agad ko ring rereplyan. 

Napahinto ako nung madaanan ko ang playground dito malapit sa skwelahan. Dito kami madalas nagpupunta noon. Mahilig kasi ako sa mga bata eh. Ang saya kase nilang tingnan pag naglalaro. Iniisip ko nga rin noon na sana bata nalang ako. Naglalaro lang buong maghapon na parang walang problema sa buhay. But he doesn't like kids. Naiirita siya sa ingay ng mga bata pag nag aaway eh. You know, kids. Hayss ! Stop reminiscing Darlene! It's over, ok?! Pero kahit anong sigaw ko sa aking sarili, walang epek parin. Nasasaktan parin ako pag naaalala ko ang mga yun.

Nagulat nalang ako nang may biglang umakbay sa akin at ginulo ang buhok ko. Walang hiya! Halos isang oras ko pang inayos yang buhok ko! Ginulo lang ng ungas na ito! 

"Kael!! Ano ba!" Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko at nakasimangot na inayos ang buhok ko. It's Kael, my bestfriend since birth, I think? Nung nagkaisip na kasi ako ay magkasama na kami. Kael is a handsome guy. A talented one. Maraming nagkakagusto. Maraming naghahabol. But not me, nakita ko kaya yang kumain ng bulate, Nag aala superman na naka labas ang brief at ginawang pangulangot at hinliliit ng kanyang paa. Marami pa yang nakakadireng ginawa. Naisip ko ngang baka buhay pa ang bulateng nakain niya nung bata pa kami eh. The one and only Princeton Kael.

"Kanina pa kita kasi napapansing nakatunganga jan." Sabi naman niya sabay gulo nanaman ng buhok ko. 

"Seloso ka rin ano? Edi tumunganga ka rin jan kung gusto mo! Pahabain mo na rin yang buhok mo para hindi kana manggulo ng buhok ng may buhok! Nako!" Naiinis na inayos ko naman ulit ang buhok ko. 

"Edi ito nalang." Pinisil naman niya ng todo ang ilong ko at natatawang tumakbo. Ang sakit nun ah! Loko talaga yung ungas na yun. 

"Humanda ka talaga sa akin pagnaabutan kita!" Hinabol ko naman ito pero napabagsak ako sa lupa nang may nabangga ako. Halos di ako makatayo dahil sa lakas ng impact ng pagkakabagsak ko. 

You Left Me Hanging (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon