Dike

29 0 0
                                    

As I hear the sounds of the river waves, napasabay ako ng paghinga.

"Haaaaaaaay" Ang pagbuntong hininga kong yon ay may emosyon na kasama. Hindi ako mapakali. Ako na yata ang pinaka malas na babae sa mundong ito. Kung sa lalaki ay may Hari ng Sablay, sa babae ay Reyna ng Kamalasan.

1. Bumagsak ako sa major subject ko.
2. Nakita ko kanina na may kahalikan ang boyfriend ko.
3. Ang kahalikan ng boyfriend ko ay ang bestfriend ko.
4. Ang bestfriend ko pa ang nagalit sakin.
5. Hiwalay na kami ng boyfriend ko.
6. Nagscandalo pa kami sa school
7. Suspended ako
8. Nung nalaman ng parents ko, nagalit sila at pinagmura ako.
9. Lumayas ako sa amin. Kaso nung tumatakbo ako papunta dito, nakasalubong ako ng isang gang. Parang sabog sila. Anim sila eh. At Ginahasa nila ako.
10. At ngayong magpapakamatay na ako,

I just started walking down the dike and jumping over the bridge.

Dito, hindi ko alam kung may sasalo sakin. Hindi ko din alam kung may magliligtas sakin.

Habang naghihintay ako ng pagbagsak ko, pumikit na lang ako. Naririnig ko ang lahat ng boses nila. Si mama, na sinisigawan ako dahil nadisappointed sya sakin sapagkat nasuspend nga ako. Si Zy, yung boyfriend ko na sinasabihan ako ng hindi magandang salita sa harap ko. Si Joi, na minumuramura ako sapagkat sya daw ang nauna sa boyfriend nya. At ang mga boses ng gang na nangrape sakin. Ang pag-ungol nila habang nasasarapan sila. Ang pagmumura nila dahil sa sobrang libog. Pero isa lang ang magandang boses ang narinig ko. Galing sa isang tinig na hindi ko alam kung san nagmula.
"Huwag kang mawalan ng pag-asa" yan ang saktong sinabi niya bago ako nawalan ng malay.

--

The next thing i knew, is im in the white room with dextrose. HOSPITAL. Wow! Papaano ako napunta dito? Tangna! Akala ko ba patay na ako? Naramdaman ko naman na nagsplash ako sa tubig. Pero bakit buhay pa ako?

"Ayun! Gising na! Teka." Nakarinig ako ng isang boses na hindi pamilyar. Pero yung boses na yun. Alam ko ang boses na yun, tipong nagaalala sya.

"Miss. Anong masakit sayo? Teka lang tatawag ako ng doktor ha." Lumingon sya at aakmang paalis na.

"Wala. Ayos na ako. Teka, sino ka?" Tugon ko sa kanya. Hundi pamilyar ang mukha. Isang lalaki na moreno. Medyo matangkad, maputi pero tagihawatin ang mukha, at lalaking lalaki ang boses.

"Hindi mo ako kilala? Wala kang naaalala?" Tanong nya ng may pagaalala na boses. At habang nakatayo sya, pinagmasdan ko ang buong katawan nya. Sino ba sya? Lahat naman natatandaan ko. Lahat naman ng kamalasan ko natandaan ko pero bakit sya hindi ko matandaan? Anong meron?

"Lahat naman ay naaalala ko ah. Kung pwede nga lang sanang hindi ko maalala. Edi sana nagkaamnesia na lang ako." Tugon ko sa mga tinatanong nya. Oo mahirap maging isang malas. Sobra! Parang iba ang tingin mo sa sarili mo.

"Sana wag mo na ulet patayin ang sarili mo." Seryoso nyang sabi. Sobrang cold ng boses nya. Napakasarap pakinggan! Pero, kilala ko ba sya? Sino ba sya? Isa ba yan sa gumahasa sakin? Oh isa sya sa tumatawa noong narinig nya ang scandalo namin sa school? Wala akong matandaang tao na kamukha nya. Kaya tinanong ko sya kung sino ba talaga sya. Ang sabi naman nya, wala daw. At wag kona daw itanong pa. Pero baliw ba sya? Pangalan ang gusto kong malaman. Kaya kung pwede ba, sagutin nya ng ayos yung tanong ko.

"Ah. Haha. Ako pala si Milbert Lucky Dimasacat. Pero MALAS ang tawag nila sakin. Ako nga pala ang nagligtas sayo." Nakangiti nyang sabi sa akin. Nakadirekta Sakin ang kanyang kamay na nakalahad. Na para bang gustong makipagkilala. Sinabi ko na rin ang pangalan ko. Hays. Ayaw ko ngang bangitin ang name ko pero wala akong magagawa. Niligtas nya ako at karapatan nyang malaman kung sino ang kanyang iniligtas. Nagpasalamat na rin ako.

Compilation of ONE SHOT STORIES (lawpierce)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon