Wakas

12 0 0
                                    


WAKAS
Cast:
Luke Dylan Frago
Serene Wanda Abella
Psychologist Law
Guide/Patient

Naniniwala ka ba na may wakas ang lahat? May hangganan? May tapos? Tulad ng sa mga palabas na kapag tapos na, may credits na lalabas. Kagaya naman ng pagtatanghal na kapag natapos ay magbabow nalang. Odi kaya'y sa mga storyang tapos na ay may iniwang mensahe ang nagsulat nito.

Sabi nila, 'Bawat simula ay may hangganan'. Nung una hindi naman ako naniniwala dyan eh. Pero nung unti unti na akong sinubok ng tadhana ay unti unti rin akong nagising sa katotohanan na oo nga no. may hangganan nga pala ang tao. May buhay nga pala tayong hiniram sa Kanya.

Wakas. Isang salita na kay hirap tanggapin. Limang letra na kay hirap intindihin kapag hindi ka pa satisfied sa mga explanasyon. Alam kong mali ako. Mali ang umasa sa alam mo namang wala ng pag-asa. Pero naniniwala kasi ako sa HIMALA. Na kapag nagtiwala kalang ay matutupad ang himalang gusto mong makamit.

Maaari pang madugtungan ang dapat ay wakas na. Ang wakas na sinasabi ko ay hindi naman yung literal na PATAY agad. Ang wakas na sinasabi ko ay ang pagtigil ng kanyang sariling mundo habang tayo sabay ng ikot ng mundo.

Oo. May sakit sya! Dapat ko syang alagaan. Dahil Sya lamang ang buhay ko. Dapat ko syang pagtiisan dahil sya lamang naman ang aking iniibig. At higit salahat, dapat dagdagan ko pa ang kanyang buhay upang matigil ang kanyang pagwawakas.

Serene: Mahal ko, ayos ka lang? May masakit ba sayo? (Pagaalala nito sa kanyang kasintahan)

Luke: Wala naman Mahal. Sige matulog ka na. (Pilit nilalabanan ang kung ano mang nangyayari sa kanya)
-{ShaaaaatDaaaaaFuckup} (umaalingawngaw na tunog sa kanyang tenga na dahilan upang sya'y mapahawak sa magkabila nyang tenga.)

Luke: Umalis ka na dito! Alis na! Dali baka kung ano pang magawa ko sayo Mahal!

Serene: (Niyakap ang kanyang kasintahan) Andito lang ako mahal! Hindi ako lalayo. Labanan mo yan mahal.

Mahirap sa kalagayan ni Luke na magkaroon ng gantong karamdaman. May tila naririnig syang kung ano at mabilis narin syang nagpapalit ng kanyang mood. Na ayaw nya sapagkat nakikita nya ring nahihirapan ang kanyang kasintahan. Marahil ay gusto na nyang tapusin ang kanyang buhay sapagkat mas ginugusto nyang syalang ang mahirapan kesa ang mga taong nasa paligid nya.

Luke: Umalis ka na dyan! Tangina! Alis na muna! (Nakatakip parin ang tenga at kasalukuyang nanlilisik ang mata upang matakot ang kanyang kasintahan)

Serene: Hindi ako aalis haggat hindi ka nakalma Luke! Hindi kita iiwan. Mahal (Umiiyak na ang dalaga sa nasasaksihan nyang paghihirap ng kanyang kasintahan)

Serene: Mahal na mahal kita Luke! Wag mo namang sukuan nalang yang karamdaman mo! Lumaban ka!

Tila natahimik ang dalawa ng biglang mawala ang umaalingawngaw sa kanyang tenga. Bumalik na rin ang pagkasigla ng binata. At lalong napaluha ang dalaga ng makitang kalmado na ang kanyang kasintahan.

Serene: Magiging okay rin ang lahat. Mawawakasan natin yang karamdaman mo. Sumama ka nalang sa kanya muna mahal. (Pahikbi-hikbi nitong sabi. Pagkatapos ay pinakawalan na nya ang kanyang kasintahan hanggang sa hinawakan na ito ngv mga taong nakaputi na mukhang professional)

Luke: Iiwan mo ako mahal? BAKIT? AKALA KO BA WALANG IWANAN? MAHAL! WAAG! SHIT! BITAWAN NYO AKO! SHIT!

Serene: Mas makakabubuti muna ito sayo. Wala naman silang gagawing masama. Pagagalingin ka pa nga ng mga yan eh.

Luke: PANGAKO MO SAKIN NA BABALIK KA HA! BABALIKAN NATIN KUNG ANONG MERON TAYO MAHAL.

Wala nang nagawa si serene kundi ang umiyak nalamang. Mas makabubuti rin naman to sa kanyang kasintaan na mapuntang Mental Hospital sapagkat nakikita nya na nahihirapan na ito.

Compilation of ONE SHOT STORIES (lawpierce)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon