Tiwala Lang

124 3 12
                                    

"Matagal na kitang gusto"

"At matagal ko na itong itinatago"

"Kasi alam kong malayong magkagusto ka sa tulad ko"

" Oy! " ( sigaw ng kaklase ko sa taong tinitignan ko, ung crush ko )

" Hello ate! :) " sabi niya

nagpatuloy ang pag uusap nila.

at dahil doon nagkaroon ako ng chance na baka maaring maging kaibigan ko siya.

Kasi marami na akong napagtanungan ng pangalan niya pero kahit isa walang nakasagot ng tama sakin.

Kaya naman pagkatapos nilang mag usap, kinausap ko agad si Ann ( ung kausap niya kanina )

" kilala mo siya? "

" sino? "

" yun ung kausap mo kanina? "

" haha oo bakit? "

" ano pangalan niya? "

" Nica. "

" full name wag na madamot jk "

" Nica Palma "

" Woohh thank you hulog ka ng langit! "

masaya akong tumalikod at umuwi ng bahay at nag online agad para hanapin ung facebook account niya.

at hindi ako nabigo nahanap ko nga sa sobrang saya ko halos hindi na ako makatulog kakahintay na i accept niya kaso ilang oras na ako naghintay pero wala parin.

Naging malungkot ako pero hindi ako sumuko, kasi sabi nga nila pag gusto mo, willing ka maghintay hanggang sa makuha mo ito.

kaya naghintay parin ako kahit walang kasiguraduhan na i aaccept niya ang friend request ko. Dumating ang ilang araw, linggo at buwan.

Dumating na nga ung araw na inaccept mo ako .

Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil lagi kita tinatawag kapag napapadaan ka sa classroom namin o baka sinabi ng kaklase ko na si Ann na iaccept mo ako
pero kahit anong dahilan pa yan masaya na ako, sobrang saya.

" hi :) "

Hindi ko inaasahan na sa pag accept mo ng friend request ko ay jan na pala magsisimula ang lahat sa simpleng hi mo saakin naging araw araw na ang pag uusap natin

umabot na sa time na sobrang close na natin pero sa chat lang, kasi tuwing nagkikita tayo in person hanggang ngitian lang tayo at "peace sign" sa isat - isa dahil na rin siguro sa hiya yun dahil dipa tayo nakakapag usap sa personal.

pero kahit ganun sobrang saya ko na kasi atleast "nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ng taong gustong gusto ko"

dumating rin sa time na kahit sa school magkachat tayo, kahit na corny na kahit paulit ulit ung napapag usapan hindi tayo nagsasawang mag usap

" tinggin ka nga sakin"  chat ko sa kanya

( tumingin siya sa akin, tapos bigla siyang nag peace sign )

isang room ang pagitan namin sa school pero parang magkasama na rin kami kahit na puro ngitian at peace sign lang kami feeling ko ang lapit lapit ko parin sa kanya.( feeling ko lang yun haha )

Hindi ko inaasahan pero isang araw nakausap ko na siya medyo awkward i mean sobrang awkward pero sobrang saya tapos pag uwi ng bahay magchachat nanaman kami. Pag uusapan ung mga nangyari ngayong araw tapos tatawa kahit hindi nakakatawa.

AMPALAYA ( Mga Kwento ng mga madradramang bitter sa pag - ibig )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon