Jp's PoV
Gumising ako ng maaga dahil may pasok siyempre. Sipag ko no? Nag ayos nako dahil pupunta pa ako kila shane dahil alam kong natutulog pa yon. Ganun naman lagi e. Tulog mantika talaga yon. Hindi siya magigising hanggang walang gigising sakanya.
Bumaba na ako at nakita ko ang mama ko na naghahanda ng alsmusal. Ang bait talaga ng mama ko. Hindi niya kami pinapayaan. Kaya mahal na mahal siya ni papa e.
"Oh anak andito kana pala. Halika na at mag almusal kana" habang inaayos ang lamesa.
"Mama hindi na po. Pupuntahan ko pa po si Shane. Alam niyo naman po iyon. At dun narin po ako mag a- almusal" habang tinitignan ko ang kapatid kong nilalantakan ang almusal.
"Osige anak. Naku hindi malabong magkagusto ka dun. Sa gandang bata at napakabait" sambit ni mama habang tumatawa.
"Hindi po mangyayari yon ma. Alis napo ako" at humalik sa pisngi niya.
"Wag kang magbitiw ng salita pag hindi ka sigurado anak" sambit naman ni papa. Haaay nako. Sila talaga kung ano anong naiisip.
"Opo. Alis napo ako. Kuya alis na ako"
"Sure bro." habang wala parin siyang tigil sa pagkain. Kawawa naman yung manok. Hahaha.
--Andito na ako ngayon sa bahay nila Shane. Panigurado nananaginip pa yon. Sarap saksakan ng speaker sa tenga everyday.
Kakatok na sana ako ay biglang bumukas ang kanilang pintuan.
"Oh jp ikaw pala. Ang aga mo ah?" sambit ni tita. Di talaga kumukupas ang ganda niya. Di ako magtatakang mag bestfriend din ang mama ko at mama ni Shane dahil sa kagandahang taglay nila. Buti nalang nagmana ako sakanila. Haha."Ah. Hehe si Shane po tita?" habang tinitignan ang buong paligid.
"Naku tignan mo nalang sa taas. Tulog pa yon. Gisingin mo nalang ha? Nga pala kumain kana ba?" habang naghahanda ng pagkain sa lamesa"
"Hindi pa po tita. Sige po titignan ko na po si Shane"
"Osige gisingin mo na siya't bumaba na kayo para makapag almusal na. Habang abala parin sa pag aayos ng para sa umagahan.
"Opo tita."
Nakarating na ako ngayon sa kwaryo ni Shane. Pumasok na ako dahil bukas naman ang pinto.
Haaay! Ano pa nga bang aasahan kong makikita?
Ang tulo laway lang naman na Shane. I don't know if she's a boy or a girl when it comes from this.Umupo ako sa kama niya at pinagmasdam muna siya. Ang ganda parin niya. I really appreciate her beauty. Simple lang siya. Pati sa pananamit. Hindi tulad ng ibang babae na punong puno ng kolorete sa mukha to say that they are beautiful to the eyes of many people. Tss. Oy hindi ako bakla ah! May gusto nga akong babae e. At secret na yon.
Inalog alog ko si Shane para magising "hoy babae gising ka na diyan. Kung ayaw mong gumising babasahin ko tong laman ng diary mo" habang hawak ko ang diary niyang kinuha ko kanina sa table malapit sa kama niya.
Hindi ko iyon binasa. Because i know private ito para sa kanya. I respect her decision. kahit bestfriend niya ako. May mga bagay parin talaga na hindi sinasabi lalo na pag private. Tulad ng laman diary niya.Nagulat ako ng bigla siyang bumangon sa pagkakatulog at ang lapit ng mukha namin sa isat isa. 2 inches nalang at mahahalikan ko na siya. Dali dali ko siyang tinulak at napahiga sya sa kama.
"Aray ko naman pitbakulaw bakit kaba nanunulak!" habang pinipilit bumangon sa pagkakahiga.
"Ambaho kaya ng hininga mo! Sabagay Manang BB. Ka naman. Maligo ka na nga" oo tinatawag ko siyang BB in short badbreath. Although di naman siya badbreath ang sarap lang niyang asarin.
Flashback
May nakita akong babae sa swing umiiyak nilapitan ko siya at inabutan ng panyo.
"Why are you crying?" sambit ko habang nakatingin sa kanya.
Kinuha niya ang panyo at tumingin sakin. Ang ganda niya kahit mugtong mugto na ang mata niya.
"Hey" hindi parin siya nagsasalita. Inirapan lang niya ako.
Aba matinde ito. Siguro badbreath to."Kaya hindi ka nagsasalita dahil badbreath ka no?" napatingin siya sakin at binatukan ako.
"What?! Hindi ba malinaw na i don't wan to talk to a stranger?" hindi naman pala bad breath to e. Yun nalang itatawag ko para kausapin niya ako lagi.
"Ang sakit mo mambatok ha. By the way I'm jp." abot ko ng kamay sakanya
"So?" ay ansunget bahala na nga siya siya na ngalang tinutulungan.
"Jp!!!!" tawag sakin ng mama ko habang papalapit sa dereksyon ko.
"Kanina pa kita hinahanap halika na." habang hawak ang kamay ko.
"Mama wait po. alis na kami ha badbreath? Wag kanang masungit pwedeng bestfriend na kita?"
Umiba ang ekspresyon ng mukha niya at ngumiti. Aba.
"Sure. Im shane. Bagong lipat lang kami dito ayun ang bahay namin oh?" sabay turo sa katapat ng bahay namin.
Sila pala ang sinasabing bagong kapitbahay na bestfriend ni mama.
"Osige. Babye pupuntahan nalang kita sa bahay niyo ha? Maglalaro tayo."
End of flasback
"Ikaw talaga ang lakas mong mang asar!" Habang inilalagay ang diary niya sa bag niya at padabog papuntang banyo.
Hahaha. Ibang klase talaga to maasar. Parang oinagsasalubang ng langit at lupa ang mukha pag naaasar.
"Dalian mo. Hihintayin kita sa baba. Kakain na din daw sabi ni tita. Malelate na tayo oh" habang isinasara ang pinto sa kwaryo niya at naglakad nako pababa para pumunta sa kusina.
"Halika na. Mauna kanang kumain habang hinintay mo si Shane. Yun talagang banag yon anbagal kumilos."
Hindi rin nagtagal ay bumaba na si Shane para kumain.
"Kain kana anak. Para makaalis na kayo. Malelate na kayo" sambit ni tita
"Opo mama."
Fast forward.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Sa Bestfriend Ko
General FictionNaranasan mo na bang mainlove? Yung feeling na ang saya-saya mo pag siya nakikita mo. Yung konting tawag lang sa pangalan mo kilig na kilig kana? Yung makasama molang siya parang buo na isang linggo mo? Aba! Swak ka dito. E pano pag inlove ka sa Bes...