"Akin na nga yan!!" pilit kong inaabot ang hawak ni jp na inagaw niya sakin habang siya naman ay namamatay na sa katatawa at habang ako ay inis na inis na."Akin na sabi e!! Isa pa sisipain na kita" bat ba kasi ang tangkad ng lalaking to. Nakakainis hindi ko siya maabot! Hindi niya pwedeng mabasa yon.
"Ano ba kasing laman nitong papel nato ha shane? Bakit ba ayaw mong ipabasa sakin?" sambit niya habang itinataas parin ang kanang kamay niya.
Ang hirap talaga pag maliit ka ang hirap talaga. Hahaha tanga ko no? Ulit ulit? Ano kaba! Parang pag ibig lang yan. Paulit ulit mo parin siyang minamahal, kahit paulit ulit kanang nasasaktan. Chos!Okay back to reality. "Ano bang pake mo pitbakulaw? Akin na yan sabi e. Sige pag hindi mo ibibigay sakin yan ipagkakalat ko na may gusto ka kay diane!" ngumisi siya at ibinigay sakin ang papel. Haaay salamat ibinalik din. Ayokong mabasa niya 'to dahil aasarin na naman niya ako. Oo everyday nagsusulat ako ng diary ko. Pero ni minsan hindi ko pinapabasa sakanya. Aba personal to no. Hahaha
Ang dami konang sinasabi hindi niyo pa pala ako kilala.
I'm shane Dela Cruz. Masayahin ako hindi ba halata? Pero iyakin din ako even small things iniiyakan ko. Pati paggupit ng buhok ko iniiyakan ko. Mahirap ba kasing i define ang trim? Bakit isang dangkal? Huhu whatever! Move on.Matagal konang bestfriend tong lalaking to. "Hoy may pangalan ako manang BB" sabay batok "aray ko naman pitbak! (pinaikli kolang ang pitbakulaw) Parang di mabigat kamay mo ah. Oo na"
Pasensiya na abnormal kasi siya. Hahahaha. By the way siya nga pala si Jp Antonio. Matangkad, maputi, kung sa ugali may pagka suplado. Pero mabait yan. physical appearance? Hmm. Lahat kasi ng katangian nasakanya na. Sabi nga ni Daniel padilla, 'Nasayo na ang lahat' Maraming naglakagusto diyan. Ampogi kasi. Hihi. Shhhhh. Wag maingay ah. Lolobo ulo niyan. :D
College na kami. Same University. Syempre mapaghihiwalay ba kami? O siya tama na. Tinatamad na akong ngumawa. Makikilala niyo din kami. :)
--
Sorry guys masyadong maiksi. Pasensiya na. Muah.
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Sa Bestfriend Ko
Ficción GeneralNaranasan mo na bang mainlove? Yung feeling na ang saya-saya mo pag siya nakikita mo. Yung konting tawag lang sa pangalan mo kilig na kilig kana? Yung makasama molang siya parang buo na isang linggo mo? Aba! Swak ka dito. E pano pag inlove ka sa Bes...