Shane's PoV
First period namin ngayon sa Logic pero wala pa yung professor namin. Ganun naman lagi e. Lagi siyang late. Kung gaano kami ka late mas late pa siya sa amin.
"Haaay ang boring naman. Katagal ni sir" sambit ni Jp habang inuunat ang kanyang mga kamay.
"Manahimik ka nga diyan ang ingay ingay mo" sambit ko habang iniikot-ikot ko ang paningin ko sa classroom.
Nahagip ko ang papel na nakapaskil sa pader at binasa ito ng mahina "Sana nung iniwan moko binura mo na din lahat. #THEBLACKBOARD"
Ano nang nangyayare sa mundo? Hugot everywhere. Ganon naba talaga ang epekto ng pag ibig?
Kung sabagay. Hindi ko naman masisisi ang mga tao dahil nagmamahal lang naman sila.
Sabi nga nila. Every person needs to love and to be love. Totoo nga naman. Ang hirap kaya ng one sided love.
Sana nga mapansin din niya ako. Sanan nga one day pagmulat ko, mahal nadin niya ako.
Nagtataka ba kayo kung sino? Kung siya tinutukoy niyo....
Yes, I fell inlove with my Bestfriend. I really do. Matagal ko na siyang gusto.
Pero ako lang ang nakaka alam dahil alam kong mahirap kung ang nararamdaman kolang ang susundin ko.
Natatakot akong malaman ang magiging sagot niya.
Alam kong malabo na mahalin niya ako dahil may gusto siya ng iba. Si Diane.
Si Diane ang pinapangarap niya. Dahil sa dinami daming nagkakagusto sa kanya, si Diane lang ang hindi pumapansin sa kanya.
Nakay Diane na ang lahat. Mabait, maganda. Lahat ng katangian nasakanya na. Kaya hindi malabong nagkagusto siya sa babaeng yon.
Pero, bat ganon? Hindi siya gumagawa ng move para magustuhan siya ni Diane? Bakit wala pa siyang balak na ligawan siya?
Matanong nga.
"Hoy pitbak." tawag ko sakanya at lumingon siya sa kinaroroonan ko.
"Bakit?" walang ganang sagot niya.
Minsan talaga may pagka ewan to.
Minsan ang sungit minsan maingay."Wala kabang balak ligawan si Diane?" tanong ko habang nakatingin sakanya.
Ang ganda ng mata niya. Ang haba ng mga pilik mata niya.
Napatigil ako dahil binato niya ako ng ballpen.
"Aray!" hinimas ko ang noo kong natamaan. Kaasooooor! Iba to.
"Kanina pa ako nagsasalita hindi mo manlang ako pinapansin pero nakatitig ka sakin. Aminin mo nga nagwagwapuhan ka sakin no?" sabay ngisi.
Oo ikaw na. Ikaw na talaga ang pogi. Sarap mong titigan e.
Pero hanggang sa isip kolang yon no.
"Ang kapal ng mukha neto. May iniisip lang ako. Ano nga pala yung sagot mo?" pag iiba ko para matapos na.
"Wala akong balak ligawan yon. Oo may gusto ako sakanya. Pero hindi ganon kalalim di tulad"
"Jp!!!!" tawag sakanya ni jacob na barkada din niya.
Enebenemen yen! Nabitin tuloy yung sinabi niya. Ay bahala na nga.
"Bakit dude." tanong ni pitbak halatang parang nairita.
"Birthday ni Neil ngayon diba? Tara daw mamaya sa bahay nila. Tutal sabado naman bukas"
Para akong hangin sa kanilang dalawa.
"Yayain mo narin si shane, may, chay at clarisse" sabi naman ni christian sabay kindat samin.
Minsan talaga may pagmayabang to. I mean. Palagi. Masyado siyang mahangin. Hindi ko alam kung pano nasali sa grupo ito e.
Bukod kay jp may mga kaibigan pa ako. Si may, chay, at clarisse.
May mga grupo rin dito si jp si Christian na mahangin, si Jacob na minsan lang magsalita at si neil na madaldal.
Although napakisamahan ko naman sila dahil part narin kami sa group nila.
Napatingin ako kay jp dahil tinanong niya kung sasama ako mamaya.
"Ano sasama kayo?" sambit niya.
Tutal saturday naman bukas at papayagan naman ako nila mama for sure dahil may tiwala naman sila sa kanila at minsan pumupunta rin sila sa bahay para magbonding kami.
Tumingin ako sa mga kasama ko.
"Sure" ani chay. Alam ko na ang dahilan.
Kaya gustong pumunta ito dahil may gusto siya kay Christian.
Shh.. Secret lang natin ha? Ayaw niya kasing ipaalam e.
Pumasok ang professor namin sa isang subject. Haaay boring na naman to.
Umayos na kami ng upo habang nag che check siya ng attendance.
Wala naman kaming ibang ginawa kundi tumunganga sa kalse niya.
Wala akong naiintindihan sa sinasabi niya.
"Okay class the blah blah is blah blah."
Inaantok na talaga ako.
"Miss Dela Cruz!"
Napamulat ako ng tinawag ako ni ma'am.
"Pumunta ka dito para mag aral hindi matulog."
Napa ayos ako ng upo at nagsorry ako kay ma'am.
"Okay that will be the last or else ipapapunta kita sa Guidance Office"
"Yes ma'am"
Nakakainis naman diba sabi nila na ang paaralan ay ang pangalawang tahanan?
E bakit bawal matulog?
Diko sila magets.Natapos narin ang discussion at lunch break na namin.
Tinawag ako nila clarisse para pumunta sa cateen. Kasama namin sila jp na naglalunch ito na ang nakagawian naming lahat.
"Oh bat nakabusangot ka dyan?" tanong ni jp sakin.
Magtatanong pa siya.
"Pano napagalitan ni Ms. Suarez. Hahahaha" ani may.
Argh. Isa pa to.
"Hayaan mo na yun. Anong gusto niyo? Kami na bibili" sambit niya.
Anong nakain neto?
"Kahit ano na sambit naming lahat"
Napakunot ang noo ni jp habang nakatingin samin.
"Bakit?" sabi ko.
"May nabibili bang kahit ano?"
Whahahhahahahaha! Hagalpak kami sa kakatawa habang siya inis na umalis."Iba ka pre! Hahaha!"
"Ulol"
"Hahahahahha sira"
Yan ang kumentong nakarating sa kanya.
Haaaay.
Di nagtagal ay dumating narin si jay kasama si jacob na may dalang pagkain.
Tahimik lang akong kumakain habang sila naman ay nagtatawanan dahil napagalitan ako kanina.
Nakakainis lang. Bahala sila. Dun sila masaya e.
--Author's Note
Wooot! Pagpasensiyahan niyo na story ko. Hindi po ako magaling na writer. :D
BINABASA MO ANG
Inlove Ako Sa Bestfriend Ko
General FictionNaranasan mo na bang mainlove? Yung feeling na ang saya-saya mo pag siya nakikita mo. Yung konting tawag lang sa pangalan mo kilig na kilig kana? Yung makasama molang siya parang buo na isang linggo mo? Aba! Swak ka dito. E pano pag inlove ka sa Bes...