"He loves me, he loves me not. He loves me, he loves me not. He loves me, he loves me not."
"Ano ba yan Faye! Wala ka na bang ibang iisipin kundi yang love love na yan?"
"Bakit ba? Eh sa hindi ko pa nakikita si Mr. Right ko e." Mataray niyang sabi.
Hep! Bago kame tuluyang magaway e magpapakilala muna ako.
Ako nga pala si Shaira Mhey Munzon. 16 years of age. At yung babaeng walang ginawa kundi magpitas ng mga kawawang bulaklak ay ang aking best friend si Marie Salome Faye. Oo Best friend! Sa kasamaang palad. Haha.Andito nga pala kami sa may oval ng school at dahil break time ay naggagala kami. Nakakasawa kase sa room. Puro pagmumukha ng mga kaklase ko yung nakikita namin. So Balik tayo sa pag uusap namin ng magaling kong kaibigan.
"Wala ka na bang ibang iisipin kundi yan? Tignan mo yung grades mo puro bagsak. Puro lalaki kasi yang iniisip mo e." Sermon ko sakanya. Kasi naman palaging wala sa klase tapos makikipag date lang. kaya yan laging bagsak.
"Sungit naman neto. E sa niyaya nila ako e. Hindi naman ako makatanggi." Depensa niya sabay pout.
"Hay nako ah! Pwede ba yang kaharutan mo isantabi mo muna? Mag aral ka muna! Hindi yung puro ka ganyan! Ke bata bata mo pa e." sabi ko sabay irap.
"Oo na! Pero pramis last na talaga to! Pag hindi nag work tong kung anong meron kami ni Mark. Susuko na talaga ko!"
"Walang last last! Itigil mo yan!"
"Ang bitter mo kamo! isang beses ka lang naman nagka boyriend nagkaganyan ka na! Alam mo kasi bee uso mag move on! Haler!"
"Hindi ako bitter! Pinagsasabihan lang kita! tska haler! NAKAMOVE ON NA PO AKO!" Pasigaw kong sabi at pinagdiinan ko pa talaga na naka move on ko. Haha.
"Oo na hindi na! Hay nako, tara na nga mag ta-time na pala baka malate pa tayo." Saad niya sabay tayo at nagayos ng gamit.
Bitter ba? Haha. Hindi naman. Naka move on na kaya ko! Hmmm. So yun nang makarating kami sa room e as usual magugulo parin yung mga kaklase ko. May nagkakantahan, naghaharutan, nagaaral, at mga nagmamaganda.
Kala mo naman mga maganda! Sus. Pakaen ko sakanila make-up nila e. Kung makatingin kala mo kung sino. Ekskyus mi (Excuse me) mas maganda pa kami ni bee sakanila e. Nadala lang sila ng make-up.Nang makaupo kami ni bee ay as usual siya nag eefb may kachat nanaman ata. Hays! Kelan kaya matututo tong babaeng to? Alam niya naman na lagi siyang niloloko e. Siya naman si tanga nagpapaloko.
Punyeta lang mamatay na mga manloloko.Oo na! Bitter na kung bitter! Ang hirap kayang mag move-on! Madaling sabihin pero mahirap gawin!
Habang nakikinig sa music sa cellphone ko e bigla itong nag vibrate. MAY NAGTEXT! (Immitating the voice of vice) Haha. Charot. Sino kaya to? Unknown number e.
From: +639176******
Hi Shai! :* <3Aba't may kiss sign at heart pa ha!
(A.n. Hi guys! So yun! First ever story ko po to! Yehey! So yun sana po bear with me. Baguhan lang po e. Haha. Pero promise guys! Pagbubutihin ko haha. Charot. Yun lang! So sa mga magbabasa or nagbabasa maraming salamat po. Mahal ko kayo.☺)
BINABASA MO ANG
Message received
Teen FictionMeet Shaira. Isang tipikal na babae na minsan nang nagiging masaya ngunit napglaruan ng tandhana. Nang dahil sa isang message ay mababago ang buhay niya.