MISSION 1 : FINALLY FOUND YOU Part3

89 2 3
                                    

--- Rare as is true love, true friendship is rarer." Jean de La Fontaine ---


Labing dalawang taon ang ginugol ni Aaron para lang malaman kung saan na ngayon si Valerie. Sampung taon pa lamang siya noon nang huli niyang makita ang babaeng kaibigan sa gabing nawala pareho ang magulang nito.

Alalang-alala niya ang mga nangyari noon. Tulala si Valerie na nakatingin sa kanya at inaabot ang kanyang kamay, pero sa sobrang takot ni Aaron, imbis na lapitan ang kaibigan ay tumakbo ito palayo, naka-ihi sa suot na shorts at umuwi sa bahay.

  Sariwang-sariwa sa kaniyang alaala ang mga nangyari noon. Kahit na anong gawin niya, hindi matanggal sa isip ang kawawang itsura ni Valerie. Humihingi ito ng tulong at paliwanag sa nangyari. 

Inaamin niyang naging duwag sya nung mga oras na iyon. Hanggang ngayon, puno pa rin siya ng pagsisisi at pag-aalala.

Iyon na rin ang huling beses na nakita niya ang kaibigan. Matapos ang insidenteng yun ay dinala sila ng mga magulang sa Amerika. Kahit nagmakaawa siya noon na bumalik para makita ulit si Valerie at matulungan, wala pa ring nangyari. Pinatuloy niya ang pag-aaral doon kasama ang kanyang ate, ang matalik na kaibigan ni Valerie, si Bea Ybañez.

Sinubukan niyang mahanap ang kaibigan, pero ilang ulit din itong nabigo. Nakabalik siya sa Pilipinas ng matapos ang kursong Computer Engineering. Binalikan niya ang dating lugar nila, kung saan sila lumaki. Bigo pa rin siyang makita si Valerie, walang cellphone number, Facebook, email o social media. Wala din siyang makuhang impormasyon sa mga dating kaibigan at kamag-anak ng dalaga. 

Sa kanyang paghahanap, na-tiyempuhan niya ang komersyal kung saan umekstra ang kaibigan. Natuwa at napuno ng pagkasabik si Aaron. Kinontak niya ang advertising agency at sa wakas ay natagpuan ang tinitirhan ng kaibigan.


Inimpake ni Aaron ang lahat ng kanyang gamit sa inuuwiang apartment. Disidido itong manirahan kung saan mas malapit siya kay Valerie. Pupuntahan niya ang boarding house kung saan tumutuloy ang kaibigan. Kitang kita ang napakalaking ngiti sa mga labi ng binata.

Hindi na niya alam kung ano ang itsura o estado ngayon ni Valerie. Tumangkad kaya siya? Anong pinagkaka-abalahan niya? Isa na ba siyang artista ngayon? Bakit siya may komersyal? Hindi gaanong malinaw ang kuha ng dalaga sa TV kaya mas nasasabik siyang makita ito. 

"Sa wakas, makikita na rin kita."  nakangiting bulong ni Aaron.

*****

Natapos na rin ang audition nina Valerie at Agnes. Ngayong may kasama siya, mas malakas ang loob ni Valerie. Kita pa rin ang kaba, pero mas maayos ang pag presenta niya sa sarili. Nakakahawa din ang pagka masayahin ni Agnes, kaya siguro nababawasan ang takot ni Valerie. Naisip niyang dapat pala noon pa sinasama rin niya sa audition si Sheena, baka mas naging madali para sa kanya ang pagsubok at pag-arte sa harap ng hurado.

"Agnes, alam mo ba kung para saan ang audition na ito? Hindi kasi sinabi kanina, wala ding nakapaskil kung para saan ang paghahanap nila ng talent." Lumilingon si Valerie sa paligid habang tinatanong ang nakababatang kasama. Halo-halo ang mga nag-audition. Ang alam lang nila ay naghahanap ng talent ang management.

Nagtaka na rin si Agnes dahil sa tanong ni Valerie, tumingin tingin din ito sa paligid. Wala nga naman palang nakasulat kung para saan ang open audition. "Hindi ko rin alam ate eh. Pero ang sabi sa akin may gagawin daw bagong programa sa TV. Hindi ko alam kung ano, pero kailangan nila ng bagong aarte, yung mga hindi pa kilala sa TV."

"Ganun ba. Sa tinging ko maganda din yun. Ibig sabihin may tsansa tayong makapasok." Masayang sagot si Valerie.

Lumabas ang isa sa mga nangasiwa ng audition at may hawak itong mic. "Okay, sa lahat po ng andito ngayon, marami pong salamat. Tatawagan na lang po namin kayo kung kayo ba ang nakuha. Iisa-isahin muna namin ang mga resulta. Salamat po at pwede na po kayong umuwi muna. Abangan nyo lang po ang tawag namin within this week po." 

Hinahanap Hanap KaWhere stories live. Discover now