--- 1 Corinthians 13:8 8 "Love never fails." ---
Biglang namuo ang pawis ni Valerie nang binuksan ang kanyang mga mata at napansin ang madilim na paligid. "BROWNOUT! Paano na 'yan, ang dilim." Sa tatlong bagay takot na takot si Valerie - sa kidlat, kulog at dilim.
Nanginginig si Valerie. Wala siyang marinig na ingay. Hirap siyang huminga at halos makaligo na sa pawis.
Biglang bumukas ang pinto at sa wakas ay may nakita siyang liwanag. "Valerie, okay ka lang." Dali-daling lumapit ang kanyang tatay na may dalang flashlight. Pinuntahan niya si Valerie kung saan ito naupo at niyakap. Nanginginig pa rin si Valerie.
Dali-dali ding umakyat ang kanyang nanay na may dalang tubig. "Anak, eto uminom ka muna. Ano ba 'yan, bakit biglaang nag brown out na wala man lang pasabi. Pang, ipa-ayos mo na nga itong emergency light niya." Hinahaplos ni Nanay Ding ang likod ni Valerie habang pinapakalma niya ito.
Labing-limang taon pa lamang si Valerie noon nang masunog ang kanilang bahay kasama ang kanyang mga magulang. Tiyempong, wala sya sa bahay nang mangyari ang insidente. Natagalan siya sa library habang tinatapos ang isang proyekto.
Walang naka-kontak sa kanya, at nang makauwi ay pinagkaguluhan na ng mga kapit-bahay at mga reporter ang pangyayari. Ni hindi siya makalapit sa bangkay ng mga magulang. Sa sobrang takot at pagkalito niya, ni hindi siya nakaiyak. Nakatulala lamang siya habang kinakausap ng mga tao.
Habang nakapalibot ang mga pulis sa dalawang nasunog na bangkay, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Malakas din ang kulog at kidlat at biglaang naputol ang kuryente. Dumilim ang paligid, at doon na napasigaw si Valerie. Sumigaw at umiiyak siya sa takot ng gabing iyon.
'Yun ang gabing gusto niyang mabura sa alaala, pero hindi niya makalimutan. Nagbago si Valerie simula nuon. Ang dating masayahin, matapang at palaban na dalaga ay napuno ng takot at nawala ang kumpyansa.
Mahigpit ang hawak ni Valerie sa kanyang Tatay Dong. Hindi niya mapigilin, pero tuwing may kidlat at kulog, o kapag madilim ang paligid, mas lumilinaw ang alaala ng gabing pagkawala ng kanyang mga magulang. Umiiyak si Valerie, pero walang boses ang lumalabas sa kanya.
Pinatayo siya ni Tatay Dodong at inalalayan ni Nanay Ding papunta sa kuwarto nila. Ngayong gabi, ay itatabi nila si Valerie sa pagtulog. Sanay na sila dito. Alam nila ang mga kinatatakutan ni Valerie. Sa tuwing nangyayari ito, hirap huminga ang dalaga at minsan pa ay nahihimatay. Kaya naman, hindi lumalabas si Valerie pag sa tingin niya ay uulan o kung sasapit na ang gabi.
Nagising si Valerie sa kama ng kanyang mga magulang. Tumingin siya sa relo, ika-siyam na nang umaga, tinaghali siya ng gising. Sumakit ng konti ang ulo niya, naalala niya ang brownout kagabi, pumikit siya at nagdasal. "Lord, gusto ko ng kalimutan ang gabing 'yun."
Tumayo si Valerie, inayos ang kanyang pinaghigaan, inayos rin ang kaniyang maikling buhok. Lumabas siya sa kuwarto at bumaba sa sala, hinanap ang kanyang nanay at tatay.
Nakita niya si Nanay Ding nag-aayos ng mesa, mukhang tapos na silang kumain. "Anak, gising ka na. Halika, kumain ka kukuha lang ako ng mainit tubig, ipagtitimpla kita ng tsaa, sandali."
Lumapit si Valerie sa kanya at bumeso, "Mang, asan si Papang?"
"Lumabas muna, ipinaayos niya yung emergency light mo. Hay naku dapat nuon pa 'yun napaayos eh. Hindi naman namin alam na biglaang brownout pala kagabi. Pasensya na anak ha." Nag-aalalang sabi ni Nanay Ding, habang hinahanda ang tsaa.
YOU ARE READING
Hinahanap Hanap Ka
Roman d'amourFamilies Ybañez and Kristiano has been friends ever since. Aaron Ybañez , a smart kid, started high school at the age of 10 and goes to the same school as his older adopted sister Bea Ybañez and their long time friend and neighbor Valerie Kris...