--- Prov 17:17 A friend loves at all times,and a brother is born for a time of adversity. ---
"Pang! Ngayon na yun diba?" Patakbong bumaba ng hagdan si Nanay Ding papunta sa sala.
"Ang commercial ni Valerie, ngayon yun. I-on mo na yung TV."
"Ay oo nga pala Mang.. Haha, sandali."
Dali-daling iniwan ni Tatay Dodong ang mga hinuhugasang pinggan. Pinunasan nya ang kanyang nasasabong pang mga kamay sa suot niyang puting t-shirt. Kinuha ang remote sa ibabaw ng lumang TV at binuksan ito.
Tumabi sya sa kanyang asawang nakaupo na sa kanilang sofa, sabik na sabik at abot tenga ang ngiti. "Mukhang mas excited ka pa ah. Ikaw ba 'yong artista?" Patawang tukso ni Tatay Dodong.
Sinapak siya ni Nanay Ding, "Hindi ka ba natutuwa? Sa katagal-tagal niyang nag o-audition eh, ngayon lang sya nakatsamba!" Nakangiting sagot ng nanay. "Oh, tahimik na. Ayan na!"
Isang shampoo commercial ang pinanuod nila at halos madikit na ang kanilang mga mata sa screen ng kanilang TV at kitang-kita ang kanilang galak at pananabik. Sa konting segundo ng komersyal na iyon, napansin din nila si Valerie sa likod ng magandang modelo. Kitang-kita nila ang kanilang bunso kahit pa malabo ang pagkuha sa kanya.
"Si Valerie, ayun siya. Nakita mo ba Pang!" Sumisigaw sa tuwa si Nanay Ding ng makita ang malabong kuha ng kanyang anak. Tuwang-tuwa silang pareho.
Sina Nanay Ding at Tatay Dodong ang matandang mag-asawa na umampon kay Valerie nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang trahedya. Sila ang dating propesor ng mga magulang ni Valerie at naging malapit din sa kanilang pamilya. May isa silang anak na lalake, si Marco, na nagtatrabaho ngayon sa Hong Kong. Hindi na kinupkop si Valerie nag mga kamag-anak nito dahil sa iskandalo ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Naawa ang mag-asawa sa naulilang bata, kaya sila na mismo ang kumuha kay Valerie at pinalaki bilang kanilang nakababatang anak.
Sa iniwang pera ng magulang ni Valerie, nagpatayo siya ng isang boarding house at doon na rin nanirahan sina Tatay Dodong at Nanay Ding.
*****
"Next! Anong pangalan, edad and say something about yourself."
"Hello po, ako po si Valerie Kristiano. 27 years old, from Brgy. Tsampaka sa Pasay po." Mahiyaing pagpapakilala ni Valerie habang nakatayong matuwid at pinipisil and kamay niyang nanginginig at nilalamig.
Sumabak na naman si Valerie sa isang audition. Naging munting gawi na ng dalaga ang pagsalang sa audition para umarte. Hindi naman niya pinangrap ang maging artista, o ang sumikat. Ginagawa niya lang ito para matanggal ang takot niyang humarap sa tao.
Nang mawala ang kanyang mga magulang at nahaluan ng iskandalo ang pagkamatay nila, nabuhay si Valerie na puno ng takot. Hindi niya kayang manindigan para sa sarili at palaging nakatago sa loob ng kanyang kwarto, hirap humarap sa tao.
Dating indie film director ang kanyang mga magulang, kaya't may alam din siya tungkol sa pag-arte. Nakita niya ang tapang at tiwala sa sarili ng mga actor na nakatrabaho ng kanyang magulang. Naisip niyang isang paraan ang pag-arte para mawala ang takot sa tao at bumalik ang tiwala sa sarili.
"Wala na bang mas ikatutuwid pa yang tindig mo? Uso na mang magrelax iha. Huminga ka nga konti. Promise, walang kakain sayo dito." Natatawang sabi ng baklang isa sa mga production team ng commercial.
Kahit ilang beses na siyang sumalang sa audition, ganun pa rin ang nararamdaman niya - takot at alala pa rin.
"Ms. Valerie noh? Alam mo kung pupunta ka dito at mahihiya lang din naman, eh sinasayang nyo lang po ang oras namin." Naiiritang komento ng isang babaeng kabilang sa commercial team, habang pinapaypay ang papel na hawak. "Anyway, ano bang rason at andito ka't nag o-audition?" Binaba nya ang hawak na papel at tinignan ng diretso sa mata si Valerie "'Wag mong sabihing gusto mo ring iahon ang pamilya mo sa kahirapan kaya nagbabakasakali ka? Hahaha.." Tumawa din ang iba pang kasamahan nito habang nakatingin kay Valerie.
![](https://img.wattpad.com/cover/62772122-288-k247008.jpg)
YOU ARE READING
Hinahanap Hanap Ka
Storie d'amoreFamilies Ybañez and Kristiano has been friends ever since. Aaron Ybañez , a smart kid, started high school at the age of 10 and goes to the same school as his older adopted sister Bea Ybañez and their long time friend and neighbor Valerie Kris...