The Encounter
Araw ng linggo at imbes na pagtuonan ang bagong Ipod ko, eh heto ako ngayon, kaharap ang isang libro na kailangan kong basahin dahil sa homework ko sa Math. Mahigit kalahating oras na akong nagbabasa but my mind doesnt really work.
I'm not really fun of the subject Math, it's very irritating to study numbers. Kaya naisipan ko nalang na tawagin si Yaya Ynez ko.
"Oh, bebe girl, may kailangan ka?"
"Ah wala po Ya, gusto ko lang sanang magpaturo, may homework kasi ako sa Math na hindi ko masagot- sagutan."
"Naku! Wala akong maitulong sayo kung Math ang pag- uusapan. Wala kasi akong talent dyan bebe girl."
"Eh anong gagawin ko? Bakit pa kasi naimbento ang subject na Math eh!"
" Pasensya ka na bebe girl, wala talagang maitutulong si Yaya eh."
"Okay lang po Ya."
"Mabuti pa, humingi ka na lang ng tulong sa mommy mo."
"Paano po? Eh, alam naman po natin na busy sila parati."
"May naisip ako, isa- suggest ko sa mommy mo na kailangan mo ng private tuitor, para naman may makatulong sayo sa Math. Okay lang ba sayo bebe girl?"
"Ahm..sige po, pero.. bukas na kasi ipapasa ang homework ko."
"Sige, tatawagan ko muna si Madam."
Mabuti nalang talaga at may Yaya Ynez ako. Kahit minsan, hindi ako iniwan kahit na lakwatsera yan, mahal ko yan.
"Bebe girl, natawagan ko na ang mommy mo, at sabi nya, parating na daw ang private tuitor mo kasama si Tita Cassandra mo."
"Po? Agad- agad? Ang bilis naman po yata?"
"Eh yung mommy mo pa? Eh, gagawin nun ang lahat para sa only daughter nya. O sya, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka, maghahanda muna ako sa baba."
"O sige po, at maghahanda na rin ako."
(30 minutes Later)
"Bebe girl, nandyan na ang mga bisita mo."
"Sige po, baba na."
Hay, mabuti na lang talaga at may connection si mommy at may Tita Cassandra ako na maasahan.
Bumaba na ako, at bumungad sa akin si Tita Cassandra na blooming na blooming pa rin at isang babae na simple, na nasa tingin ko ay nasa mid 20's nya.
"Shantal, ang laki- laki muna, kumusta na?"
Sabay beso ni Tita sakin.
"Okay naman po Tita, kayo po Tita? Kumusta po? Napansin ko po na lalo kayong gumaganda. Kumusta po si Tito Cedric?"
"Naku! Nambola ka pa, okay naman kami ng Tito mo, Shantal. May inaasikaso kaming negosyo kasama si Tita Donna mo.
"Ah..ganun po ba, paki- kumusta na lang ako ni Mamu."
"Oh sige, sasabihin ko. Ay, oo nga pala, si Shirley, siya ang magiging tuitor mo."
"Magandang araw Maam."
"Naku! Wag mo na akong tawaging Maam, Sharlot na lang."
Tumango naman ito bilang pagsang- ayon.
"O sya, aalis na ako, kayo na ang mag-usap-usap sa mga bagay. Bye Shantal."
"Bye po Tita."
Hinatid ko muna si Tita Cassandra sa labas bago kami mag-umpisang mag-usap. Sa una, medyo nahihiya pa sya sakin pero nang tumagal ay naging madaldal na rin ito.
"Ahm, Shantal, matanong ko lang, ilang taon ka na?"
"Im 12 years old na po at currently a Grade 6 student."
"12 years old ka pa lang? Weh?"
"Opo, ate Shirley, bakit nyo po natanong?"
"Ang mature mo na kasi tingnan, mas mature ka pa sakin."
"Yan din po ang sabi ng iba, na mature na po daw ako mag-isip."
"Naku! Ang bata mo pa pala, mabuti na lang, akala ko Trigonometry ang ituturo ko sayo. O sige, mag-umpisa na tayo."
"Sige po ate Shirley."
Sinimulan na naming gawin ang homework ko at in fairness, matalino sya at magaling magturo. Natapos namin ang homework ng walang isang oras. Nagkwento sya tungkol sa buhay nya at humanga talaga ako sa kanya. Napaka-kengkoy pala ni ate Shirley, at may sense of humor. Nagkwento sya nang nagkwento hanggang hindi namin namalayan na gabi na pala.
A/N: Sana po mag- comment at mag- vote kayo.
BINABASA MO ANG
Love Connects
RomanceAng storyang ito ay umiikot sa mga tao na nagmamahal sa pamilya, kaibigan, ka-trabaho at sa kasalungat na kasarian.