Chapter 3

35 3 0
                                    

The Other Man

As time passed by, I finally got to know ate Shirley better. She's so simple and funny, para na ngang kapatid ang turing ko sa kanya. Tulad ngayon, tuturuan daw nya ako tungkol sa Fractions pero panay ang kwento nya sa kanyang ex- boyfriend. Kesyo sinaktan daw siya, pinaasa, iniwan at pinagpalit sa ibang babae.

"Naku! Ikaw Shantal, wag ka munang magbo-boyfriend dahil masasaktan ka lang din."

"Ate Shirley, wala pa po naman akong plano na mag-boyfriend eh. I'm too young pa kasi eh."

"Mabuti kung ganon, .teka...nasan na pala tayo?"

"Nasa kwarto ko po."

"Hindi yun, ang ibig kung sabihin, asan na tayo sa discussion natin."

"Nasa page 143 na po tayo."

Tinuro ko sa kanya kung nasan na kami. Nang biglang tumunog ang tiyan ni ate Shirley kaya naisipan muna namin na kumain sa baba.

Grabe kung makakain si ate Shirley, parang patay gutom lang hehe :) pero labs ko parin si ate Shirley.

Unfortunately, natapunan ng ketchup ang t-shirt ni ate.

"Naku! Ang tanga ko talaga, paano na to?"

"Dont worry ate, pahihiramin na lang kita ng t-shirt."

Dumiretso ako sa kwarto ko, nagbabaka-sakaling may kakasya sa kanya pero wala akong nakita, alam nyo naman na mas slender ang body ko kesa kay ate hehe, secret lang natin yun.

Anyways, since wala akong nakita, pumunta na lang ako sa kwarto ni kuya, kinuha ko yung favorite t-shirt ni kuya, yun lang kasi ang hindi masyadong malaki.

"Ate, pagpasensyahan mo na ang t-shirt na to, ito lang kasi ang nakita ko, pero hindi naman to masyadong malaki sayo."

"Ano ka ba! Okay nga eh, ang cute ng color,.GRAY,.sayo ba to?"

"Hindi, kinuha ko lang yan sa kabilang kwarto."

"Ah..okay, salamat nga pala dito, babalik ko na lang to bukas."

"Sige ate."

"Oo nga pala, anong oras na?"

"Mag- aalas 8 na po."

"Naku! Kailangan ko nang umuwi Shantal."

"Mabuti pa, ipapahatid na lang kita sa driver namin, gabi na kasi,tsaka delikado sa labas."

"O sige, okay ako dyan, hindi na ako kokontra."

*Shirley's POV*

Salamat naman kay Ms. Author at may POV na ako, palagi na lang kasi si Shantal.

Narinig ko na may tinawag na pangalan si Shantal, driver ata, ewan ko.

"Ate Shirley, si Kuya Phav nga pala, siya ang magda-drive sayo pauwi."

Bumungad sa akin ang lalaki na sa una ko pa lang tingin ay may pagka-pilyo na.

"Kuya Phav ingatan mo si Ate Shirley ha?"

"Opo Maam Shantal."

Tumingin pa sa akin yung Phav sabay kindat. Naku! Kumindat pa talaga tong mokong na to, bigla tuloy tumindig ang balahibo ko.

"Aalis na ako Shantal, basta ha yung tinuro ko sayo, wag mong kalimutan."

"Opo Ate Shirley, mag-ingat po kayo."

Pumasok na ako sa kotse at bigla nitong pinaharurot ang kotse.

"Mister, may plano ka bang patayin ako?"

"Hindi naman po sa ganon Maam, ganito lang po talaga ako mag- drive para mabilis tayong makarating."

Inirapan ko lang ito, napansin ko naman na nakatitig ito sa akin gamit ang front mirror.

Naku! Tumingin pa talaga sa akin, ano ba naman tong driver na to. Lord, patnubayan nyo po ako, madami pa po akong pangarap sa buhay. Ikaw na po ang bahala sa akin Lord.

"Ahm, Maam...nagdadasal po ba kayo? Kung inaakala nyo po na masama po akong tao, eh nagkakamali po kayo. Siguro sabi ng iba mayabang ako, pero mabuti po akong tao.

Natahimik ako sa sinabi nya, tama siya, hindi ko dapat siya hinusgahan agad.

"Ahm...pasensya na Mister."

"Wala po yun, sanay naman po ako na hinuhusgahan."

Halos kalahating oras na katahimikan ang naganap, saka ko namalayan na nakarating na pala ako sa amin.

Nagpasalamat ako sa kanya pero tumango lang siya, bigla tuloy ako nakonsyensya.

A/N: Please po vote and comment po kayo, pasensya po kung delay ang pag- update, abangan nyo po ang pagdating ng Kuya ni Shantal. Thank you po.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love ConnectsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon