Chapter 1

51 2 0
                                    

Introduction:

Characters:
Cristine as Isabel Ramos
Lysther as Darwin Ramos
Maria Fe as Shantal Faye Ramos
Rena as Donna Suarez
Aikee as Cassandra Mendez
Deo- Roche as Cedric Mendez
Ecelle as Shirley Gomez
Thomas as Jeremy Shaun Ramos
Abigail as Yaya Ynez
Jobert as Zacharias
Karl as Clark Anderson
Peter as Phav
Ann as Trixie
Mae as Tiffany
Christian as Alfred
Junner as Jason
File as Anthony

Dear Diary,
Alam mo ang ganda ng gising ko ngayong araw na to dahil bibigyan lang naman ako ni mom at dad ng bagong labas na Ipod. My God! I'm so excited. Hanggang dito na muna, sa susunod ulit. Bye.

-Shantal

"Yipeee....today is the day...Ipod, here I come.."

Siguro alam nyo na kung bakit super duper happy ako today dahil ngayon mismo, ibibigay ni mom at dad ang gift nila for me which is the Ipod and I can't help myself to be excited. Matagal ko na kasing pinagnanasaan ang Ipod na yun. Yes, pinagnanasaan talaga ang term. Oh! before I forgot, my name is Shantal Faye Ramos, 12 years old, kasalukuyang nasa ika-anim na taong baitang at anak lang naman ng isa sa mga pinakamayaman at nagmamay-ari ng pinakasikat na mall sa Pilipinas.

"Ya, dumating na ba sina mom at dad?"

"Naku! Wala pa sila bebe girl, hayaan mo baka on the way na sila."

Siya si Yaya Ynez, ang yaya ko since Grade 4, sexy, chinita at maganda pero ang hindi alam ni yaya, alam ko ang sekreto niya na may relasyon siya sa kapitbahay naming houseboy. Nakita ko kasi silang naglalampungan noong isang gabi.

"Oh! Andyan na pala sila maam at sir, bebe girl."

"Hai mommy,hai daddy."(sabay halik sa pisngi)

"Mom, where's my gift?"

"Aba't excited na excited ka sa Ipod mo ah? Ya, kunin mo sa kotse ang gift ni Shantal."

"Yes, Madam."

"Dad, Mom, super duper thank you po."

"Basta, mag-aral lang nang mabuti, okay?"

"Yes, Mom"

"Ano ka ba Isabel, wala ka bang tiwala sa anak mo?

"Hindi naman sa ganon Hon, may tiwala naman ako sa anak natin, ang sa akin lang ay wag nyang pababayaan ang pag-aaral nya ngayong may Ipod na sya."

"Mom, Dad, alam ko naman po ang limitations ko eh kaya no need to worry."

"Oh diba ang mature na nang anak natin, nagmana talaga sakin, sa daddy nya."

"Anong nagmana sayo? Sakin kaya sya nagmana, kaya mabait ang anak dahil sa mommy."

Ito talagang si mom at dad, parang bata, naalala ko tuloy ang lovestory nina mom at dad.

College sweetheart sina mom at dad, at ang pagkakaalala ko sa sinabi ni mom, "langga" ang endearment nila sa isa't isa. Ang romantic diba?

Nagsimula daw ang lovestory nila nang dahil sa isang ballpen, magkasabay na kumuha ng entrance exam sina mom at dad at unfortunately, hindi nakadala ng ballpen si dad a.k.a Darwin Ramos kaya naman naisipan niya na manghiram sa babaeng nasa unahan nya who seems to be my mom. Sa awa ni mom, pinahiram na lang nya ito kahit hindi naman nya ito kilala. Muntik na nga nya itong mabulyawan, estudyante pa naman pero wala daw dalang ballpen.

"Bebe girl? Hoy Bebe girl?"

"Po?Nasaan na po sina mom at dad ya?"

"Umalis na, may pupuntahan pa daw sila. Eh bakit ka kasi nakatulala dyan at parang ang lalim ng iniisip mo?"

"Ah, wala po. I just remember something."

"Wag ka nang mahiya sakin bebe girl, diba friends tayo? At ang mag friends ay nagsasabihan ng secrets."

"Yaya, wala naman talaga akong secrets eh, naalala ko lang talaga ang lovestory ni mom at dad."

" Ah, ganun ba? Eh ano bang lovestory nina madam at sir?"

" Yaya, its a long story."

"Sige na bebe girl, wala na naman akong gagawin at tsaka weekend naman ngayon, sige na bebe girl."

"Sige na nga, ang kulit mo eh."

Mukhang matagal- tagal pa kaming mag- uusap ni yaya ngayon.

A/N: Pasensya na po kung hindi gaanong maganda, baguhan pa po kasi. Sana po suportahan niyo ang story ko. Please vote and comment po.

Love ConnectsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon