Prologo

22 0 0
                                    

"Ineng, kilala ko ba itong taong to? Sya ba ang may gawa ng karumaldumal na krimen sa mga kaibigan mo?"

Tanong ng pulis sa isang dalagang basang basa at may bahid ng dugo sa kanyang mukha. Napakarumi din ng kanyang damit at may latay ang kanyang balat. Tulala lang ang dalaga habang nanginginig at tila walang naririnig. Nakatingin lang sya sa kawalan. Tumayo ang pulis at kumuha ng tuwalya, binigay nya iyon sa dalaga at umupo sa harapan nito.

"Ineng, kailangan mong maki-cooperate sa akin. Para mailigtas sa kung sino man ang humahabol sa iyo. Ito ba ang taong pumaslang sa mga kaibigan mo?"

Muling tanong ng pulis at may ipinakitang litrato sa dalaga. Napatingin ang dalaga sa pulis na wala paring emosyon. Bumaba ang tingin nya sa litrato at bigla na lang lumaki ang mga mata nya at tila takot na takot na umiiyak habang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Agad na tinago ng pulis ang litrato ngunit hindi pa din kumakalma ang dalaga.

"LUMAYO KA SA AKIN! ILAYO NYO SYA SA AKIN! T-TULONG! H-H-HUWAG MO AKONG SASAKTAN PARANG AWA MO NA!"


Napabuntong hininga na lang yung pulis at sinilid ang larawan sa kanyang bulsa. Tinignan nya yung dalaga na nanginginig pa din at lumabas ng kubo para manigarilyo. Palaisipan pa din sa kanya kung ano talaga ang nangyayari. Binati sya ng malakas na hangin ang bugso ng ulan kayat napahawak sya sa kanyang balikat.

"Kailan ba kasi titigil ang ulan na ito?" Tanong nya sa kanyang sarili kasabay ng pagbuga nya ng usok ng sigarilyo.

Maya maya pay nakarinig sya ng mga bakas papalapit sa kanya. Agad nya naman itong tinignan. Napatigil sya ng makita ang dalaga na nakasukbit ang kumot sa balikat. Nilalamig pa rin ito at halatang takot ngunit bakas na ngayon ang kalma ng mukha nya. Lumapit sya sa pulis.

"K-k-kailangan po n-natin silang iligtas. Nanganganib ang buhay nila. P-parang a-wa nyo na po. M-mamamatay po sila. I-iligtas po na-natin si---"

Hindi na naituloy ng dalaga ang kanyang sasabihin ng mahimatay ito. Buti na lang ay nakuha sya ng pulis at inihiga ang dalaga sa papag. Tinapon nya ang kanyang sigarilyo at napaupo na lang sa lapag katabi ng dalaga.

Napahawak sya sa kanyang baba na tila nag-iisip. Hindi pa din malinaw sa kanya ang nangyayari ngunit may ideya na sya patungkol dito. Kinuha nya yung litrato sa kanyang bulsa at sinuri. Napansin nyang may nakasulat sa likod nito. Hindi nya ito napansin nung una dahil maliit lang ang salita pero mababasa pa din ito.

"Flesh eaters...",

Bigla syang kinilabutan ng maisip nya ang salita. Tumayo ang mga balahibo nya sa di malamang dahilan.

Pero isa lang ang ibig sabihin nito.

Kailangan nyang iligtas ang iba pang biktima.

Dahil kung hindi.

Kamatayan ang parusa.

Ang tanong...

Mailigtas pa kaya nya kung huli na?

AFTERMATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon