Out of the woods

18 0 0
                                    

"Handa ba kayong lahat? Kailangan na nating pumunta sa bundok. Baka gabihin pa tayo sa paghahike nyan-- yung mga gamit natin, yung mga gamit ninyo, handa na ba? Baka may nakalimutan pa?"

Sabi samin ni Kuya Jeric habang may malaking backpack at may hawak hawak na mga gagamitin namin para mamaya.

"Oo kuya. Ok na. So, magcountdown muna tayo."

Sabi naman ni Zairha na nakakapit kay Zyren. May mga backpack din sila gaya ko.

"14... Ok! Sakto tayo. Mary jane! Pakicheck nga yung pagkain natin." Sabi sa akin ni Rowen, tumango na lang ako at tinignan yung mga pagkain na dadalhin namin. Wala naman kaming nakalimutan. Ok ang lahat.

"Wala na tayong nakalimutan. Tara na't sumakay na tayo sa van." Dagdag ni kuya Jeric, agad kaming sumakay doon.

Nasa pangalawang van kami since dalawang van ang kailangan namin kasi hindi kami kasyang lahat sa isa. Idagdag pa yung mga gamit namin. Tumabi sa akin si Brigette habang nakasalampak ang earphones at kumakain ng chicharon. Nginitian na ako at nginitian ko din sya.

"Hello bestie." Masigla nyang bati sa akin habang may natatapong piraso ng chicharon sa kinakain nya. Napatawa naman ako.

"Hello. Long time no see Brigette. Kamusta ka na?" Tanong ko. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ko ang bibig nya. Napakakalat talagang kumain ng isang ito.

"Ok lang naman ako. Medyo boring lang ang bakasyon pero ok na din. At least kasama na kita at yung ibang kaklase natin last S.Y. Hindi kita napansin kanina ahh. Ikaw pala yan. Akala ko hindi ka pupunta-- Nga pala san tayo maghahike? Hindi kasi ako nainform. Basta may nag-text lang sa akin na may event tayo kaya ako sumama."

Napatingin ako sa kanya. Pati kasi ako ay may natanggap na text patungkol dito. Siguro nag Gm si kuya Jeric.

"Ahhh. Ganun ba? May nagtext din lang kasi sa akin tungkol sa event na to. Sana nga mag enjoy tayo."

Ngumiti sya sa akin na halata namang pilit. Napaiwas na lang ako ng tingin at sinuksok yung earphones ko sa tenga ko. Sa totoo lang ayaw ko syang makita sa ngayon. Hindi pa akong makita si Brigette. Oo nga't magbestfriend kami pero may nangyari kasi sa amin bago graduation.

Naiinis ako, bakit pa kasi ako sumama sa kanila. Pinikit ko na lang yung mata ko at hinayaang hilahin ako ng antok. Sana nga mag-enjoy ako kahit kasama ko yung isang taong kinaiinisan ko.

-------

Nagising ako na medyo makulimlim ang ulap. Tulog lahat ng pasahero maliban sa driver naming si Amore. Napatingin sya sa akin at ngumiti.

"Gising ka na pala. Buti naman, wala kasi akong makausap." Kahit nasa likod ako ay naririnig ko pa din sya dahil na rin siguro sa kaming dalawa lang tung nakagising. Inayos ko ang sarili ko.

Hinayaan ko na lang syang dumaldal. Wala ako sa mood simula ng makita ko si Brigette at ang dati kong mga kaklase.

Habang palayo kami ng palayo ay pakonti ng pakonti ang mga kabahayang nakikita ko hanggang sa nga puno na lang halos. Madilim pa rin ang kalangitan, halatang may nagbabadyang sama ng panahon. Actually sinabi na kagabi ng weather forecaster na may sama ng panahon pero mapilit ang mga organizers ng hill climbers.

"Gusto mo ba ng pagkain? May barbecue dyan sa compartment. Masarap yun. Tinikman ko kanina dala ni Brigette."

Biglang kumulo ang tyan ko at tahimik na kinuha yung bbq sa compartment. Nakita ko namang napangiti si Amore at nag focus sa pagmamaneho.

"San ba tayo pupunta? Kanina ko pa tinatanong sa bang members pero wala din ata silang ideya."

"Hindi ko din alam ee. Sabi kasi sakin diretsuhin ko lang ito tapos pag may nakita akong stop sign ay dun na tayo bababa."

AFTERMATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon