Terror Castle

18 0 0
                                    

"Wow! Ano to parang pang beauty and the beast ang peg?!" Narinig kong sabi ni Precious habang naglalakad kami papalapit kila kuya Jeric. Nakasilong ako sa payong ni Shelley na inaalalayan ako papunta sa isang kastilyo--- hindi, mali. Parang kastilyo.

Alam nyo ba yung beauty and the beast? Ganon na ganon yung entrance at maging yung format ng bahay. Pati yung entrance ay parang ginaya sa palabas na iyon. Namangha ako at kinilabutan. Napakalawak ng bahay ngunit wala kaming makita ni isang tao. Malamang ay abandonado na ito. Ni walang ilaw o caretaker man lang. Nag-iisa ito sa gitna ng gubat na nakapagpadagdag ng kilabot sa akin.

"Pasok na tayo guys. Baka mabasa tayo ng husto." Sabi ni Leinoel at ni-open ang napakalaki at napakataas na pinto. Nilapitan ako ni Zairha at kumapit sa braso ako.

"Teka lang! Sure ba kayo na walang nakatira dito? I mean, baka mamaya may nakatira tapos makasuhan tayo ng trespassing." Nag-aalangang tanong ni Shelley. She has a point. We have to ask first for permission.

"Guys, ano ba kayo. This is a deserted place and besides, we don't have enough time to look for another place to stay." Si Leinoel ang sumagot imbes na si kuya Jeric. Tumingin kaming lahat kay kuya Jeric for his confirmation, he nod.

Naramdaman ko ang panginginig ni Zairha habang hawak yung braso ko kaya tinignan ko siya. She doesn't look wet but she's trembling, mas basa nga ako sa kanya pero nanginginig siya.

"J-J... jane..." she whisper.

"Bakit Zairha, nilalamig ka ba?" I ask her. She seems uneasy so I give her my full attention. Kinakagat niya yung ibabang labi nya.

"No, it's not that. P-parang may nakita kasi ako sa bintana. Hindi ko alam kung sino but it's pure white tapos nakatingin sa atin."

Gusto ko sanang matawa pero hindi ko ginawa. Matatakutin kasi si Zairha, takot siya sa mga multo and such. Baka nag-iimagine lang ito.

"Ano ka ba Zairha. Ano bang pinagsasabi mo? Walang tao dito baka naghahallucinate ka lang. Baka kurtina yung nakita mo hindi tao."

Hindi ako naniniwala sa multo o sa lahat ng lamang lupang nagbibigay sindak sa tao, I believe more in logic. Lahat ay may explanation. Siguro ay malawak lang talaga ang imahinasyon ng tao kaya nakakagawa ng ganoong mga istorya.

"Hindi Jane! Nakita ko talaga. I saw him- i mean her-- or it! Basta!"

"Tignan mo pati ikaw hindi madetermine kung ano talaga iyon. Huwag mo na lang isipin." Sabi ko. Tumahimik na lang siya at tumitig sa kawalan. Inalis niya na rin ang kapit sa akin at kumapit kay Rowen. Hindi ko naman gustong magpakarude sa kanya pero sadyang hindi lang talaga ako naniniwala sa sinabi nya. That's impossible. That's ridiculous.

Binalik ko na lang ang tingin ko kila kuya Jeric. Malakas na ang ulan pero hindi pa rin kami pumapasok. Hindi ko alam kung anong problema pero hindi na ako nakialam pa. Nilalamig na ako kaya niyakap ko ang sarili ko.

Mga ilang sandali pa ay narinig ko ang pagcreak ng napakalaking pinto at pagsalubong sa amin ng kadiliman. Ni-open ko yung phone ko para may source of light naman kami kahit papaano, ganoon din ang ginawa nila.
Pumasok na kami. Sobrang nakakabingi ang katahimikan. Medyo lumiwanag na yung paligid dahil sa pinagsama-samang ilaw na nanggagaling mula sa mga gadget namin, may dalawang flashlight kahit paano.

Lumapit ako sa kanila, hindi sa natatakot ako pero ayaw ko lang na malayo sa kanila. Mas mabuting magkakasama kami para walang mangyaring hindi maganda.

Nasa unahan si kuya Jeric at sumunod na ang mga kalalakihan tapos nasa likod kaming mga babae. Umihip ang malakas na hangin na nanggagaling sa nakabukas ba pinto kaya napatili yung karamihan sa babae. Narinig ko yung tili ni Precious, Rowen at Zairha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AFTERMATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon