Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ako si Eivee,pitong taong gulang.
Oo bata pa lang ako ngunit napakarami ng pumapasok sa aking imahinasyon,na hindi ko alam kung saan nagmumula. Siguro sa mga napapanood ko sa TV.
Simula..
Yaaaawwwnnn... antok na antok ako! Pero biglang nainis.
Hoy Eivee!! (yugyog ng malakas) gising na alas singko na! malalate ka sa pagpasok.Ani ng lola kong makulit. Opo,Nay,tsk! teka lang po. E paano naman kasi ang ganda na ng panaginip ko naputol pa.
Pagkatapos nito'y bumangon na ako para maligo,mag almusal at pumasok. Dali Daling nagpahatid kay Nanay.
Hindi ko matandaan kung kelan ako naiwan sa poder ng tiyahin at lola ko. Basta ang alam ko lang lumipat ang mga magulang ko at hindi ako pwedeng sumama dahil bukod sa kalagitnaan na ng klase eh mayroon akong sakit. Hindi ko nga malaman kung saan ko nakuha tong pesteng sakit na to!
Araw ng pag lipat.
Yehey!! Lilipat na kami ng bagong bahay... masayang masaya ako,imagine lilipat na kami ng bahay!
At hindi lang basta sa isang bahay,isang malaking bahay na kasyang kasya kaming magkakapatid at sobra pa. Bukod sa malalaki ng kwarto,malaki din ang espasyo ng pwede naming paglaruan tuwang tuwa ako,as in.Ngunit.... Si Papa,Eivee, pa bakit? Kailangan mo munang sumama sa Mama fel mo. May pasok na bukas at sayang naman kung aabsent ka.Si ako,nalungkot! E Mama,baling ko sa Mama ko.
Kelan ako uuwi dito? Hayaan mo susunduin kita sa sabado. Ako. Malungkot pa din.
Paano naman kasi siyempre nasanay na akong kasama sila. Paano ako pagtulog?
Sino ang katabi ko? Hala.... naiiyak ako! Paalis na kami nang... Mama fel,teka lang po ah.
Malungkot kong sabi,paano ba naman kasi,nghahanda na siya pabalik kung saan siya nakatira,malapit kung saan ang inalisan naming bahay. Ay nako Eivee! gagabihin tayo bilisan mo na.
Ako?!? O cge eto na po. Bago kami umalis nagpaalam ako kina Mama at Papa,pati na din sa dalawang maliit kong kapatid. Sabay iyak! Whaaaaa! Whaaa! (sabay singhot). Ma sunduin mo ko sa sabado ah! Pagkatapos noon ay umalis na kami ni Mama Fel.
Doon na nagsimula,kung paano kung kinayana ako lang(joke).Malayo sa totoong magulang ko.
Simula noon,natutunan ko na kung paano ang mag emote sa murang edad.