Part One

12.8K 351 16
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


February 14, 2014

"AEGIS," tanging nasabi ni Missy nang makita ang line-up ng mga kanta.

"Aegis. At Aegis na naman," naiiling na sabi ng kasamahan niyang musikero.

Nginitian niya si Philip. "Tingnan mo, Flint. May Whitney rin. Where Do Broken Hearts Go?"

"At I Love You Goodbye ni Celine Dion." Pinasadahan nito ng daliri ang listahan. "At walang kamatayang Aegis."

"Wala tayong magagawa. Iyan ang gusto nila. Diyan sila nakaka-relate." Kahit ako, mas nakaka-relate ako diyan, gusto sana niyang idugtong pero nanatili na lang sa isip niya ang pangungusap na iyon.

"Concern lang din ako sa iyo. Sa vocal chords mo."

"Uy, salamat naman sa concern, Flint. Tunay ka talagang kaibigan."

"Puwede rin akong higit sa kaibigan. Ayaw mo lang."

"Ayan ka na naman. Tigil-tigilan mo ako, ha."

"Tuwing nagpapahaging ako, binabara mo na ako agad. Kapag ba magseseryoso ako, basted na rin agad?"

Inirapan niya ito. "Trabaho na tayo, Flint. Kailangan nating kumita."

Una na siyang umakyat sa entablado ng Pepper's Corner kung saan gaganapin ang medyo kakaibang event na Valentine Party For Singles. Regular singer na siya sa Belle's Pepper kung saan may dalawang hall na pinagdadausan ng special events. Nagkataon ngayon na sa hall na iyon siya na-assign. Naisip niyang mabuti na nga din doon. Kung sa The Hall of Belle siya na-assign para kumanta, baka magkadaiyak lang siya.

May dalawang tema ang restaurant para sa Valentine's Day na iyon. Sa kabilang hall ay puro magsing-irog ang diners. Samantalang sa hall naman na iyon ay pawang mga walang ka-date, at sa biruan nga nila ng mga staff doon, iyon ay event para sa mga sawi. May mga inilaan din kasing activities doon para makapag-let go ng kinikimkim na sama ng loob ang mga diners. At sa wari ang highlight doon ay ang "tacsyapo" wall. Hindi orihinal na ideya pero lahat ay excited doon. Kahit siya man ay parang gustong-gusto niyang magbasag sa pader na iyon. Baka sakaling gumaan maski paano ang nararamdaman niya.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Be My Valentine - Be My HoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon