Part Two

7.5K 151 0
                                    



HINANG-HINA na napansandal na lamang si Missy sa dingding ng backstage. Milagro para sa kanya na napagtagumpayan niya ang buong kanta gayong hindi siya halos makahinga sa maraming emosyong pumupuno sa dibdib niya.

Hindi niya inaasahang mahahanap siya doon ni Ico. At hindi rin niya inakalang makaka-duet pa niya ito. Dapat ay naisip na niya iyon. That song. Pamilyar na pamilyar sa kanya pero hindi niya naiugnay na maaring si Ico ang mag-request niyon. O malamang ay masyado siyang lutang kaya hindi niya napagtugma ang dalawang bagay.

Yet, she sang from the heart. Kaya siguro sa kabila ng maraming bagay na gumugulo sa isip at puso niya nakuha niyang tapusin ang kanta.

"Are you okay?" concerned na tanong sa kanya ni Flint.

"Halata namang hindi," sagot niya dito habang nakapako ang tingin sa mga paa niya. Sumunod na sandali ay nanlabo ang paningin niya. Nang ikurap nya ang mga mata, sunud-sunod na pumatak ang luha sa mumurahing sapatos na suot niya.

"Masyado kang nasaktan," kaswal na sabi sa kanya ni Flint. Inabutan siya nito ng isang panyo. "Malinis iyan, in case, maselan ka," pabiro pang dugtong nito.

"Huwag na nakakahiya naman sa iyo. May panyo din ako." Dinukot niya sa sariling bulsa ang isang floral printed na panyo.

"Grabe ka, Missy. Kulang na lang tanggihan mo ang lahat ng galing sa akin. I care about you, iyan naman ay sinasabi ko lang sa iyo. Hindi ko isinusumbat."

"Salamat sa lahat ng tulong mo, Flint. Maliit na bagay lang iyang panyo mo kumpara sa malaking tulong na ibinigay mo sa akin. Alam mong hindi ako makakaluwas kundi dahil sa iyo."

"Kasi nga I care about you."

"Tantanan mo na nga ako, Flint. Pahaging ka nang pahaging, eh."

"Kahit naman anong pahaging ang gawin ko, hindi ka naman tatamaan. Kasi nga kahit nag sakit-sakit na diyan sa iyo, mahal mo p[a rin siya. Iyon ang talagang masaklap doon." Tinalikuran siya nito at maya-maya ay inabutan naman siya ng isang basong tubig. "Baka gusto mong uminom? May isang set pa tayo ng kanta. Pakalmahin mo iyang sarili mo."

"Salamat, Flint. Tunay ka talagang kaibigan."

Umungol ito. "Hanggang kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin, iyon ang masaklap doon." He cleared his throat at saka bumanat ng kanta. "Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay... iba?"

"Wala naman yata siyang ibang mahal. Masyado lang niya akong nasaktan."

"See? Ikaw pa talaga ang tagapagtanggol niya. Ako naman ang nasasaktan habang dinedepensahan mo siya."

Sinipa niya nang bahagya ang lulod nito. "Missy naman, physically and emotionally hurt na ako sa iyo, ha?"

Tinitigan niya ito. "Magsabi ka nga nang totoo, Flint. In love ka ba sa akin?"

Napaubo ito. "Kino-corner mo naman ako na bigla. Hindi ako handa, Missy."

"Sira-ulo ka talaga, Flint."

"Of course not. Ang ibig kong sabihin, hindi ako prepared na umamin. But what I feel here..." Ipinuwesto nito sa tapat ng dibdib ang isang kamay. "Sincerity, Missy."

"Iba iyong sincere sa in love."

"Kahit naman in love ako sa iyo hindi mo naman mararamdaman dahil nga may iba kang mahal. Ang sakit-sakit na pero mahal mo pa rin siya."

"First love. Eh. Di ba, first love never dies?"

"Mukha namang ikamamatay mo na iyang sakit na nararamdaman mo dahil sa first love mo."

Be My Valentine - Be My HoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon