Simpleng babae si Missy. Simple lang din ang buhay. Wala siyang ibang hinangad kung hindi ang matulungan ang biyudang ina na makaraos sila sa araw-araw na buhay. Kahit kailan, hindi niya ikinahiya na tindera siya ng tinapa sa palengke. Ang mahalaga sa kanya ay ang kumita para pambili ng pagkain nila at pambili na rin ng gamot ng nanay niya.
Tinanggap niya ang oportunidad na makapagtrabaho sa isang resort sa isla. Hindi niya akalain na doon niya makikilala si Ico Abella. Si Ico Abella na bukod sa guwapo ay sikat pang chef sa TV show. Pero hindi siya starstruck sa kaguwapuhan nito dahil ubod ito ng suplado at sa unang pagtatagpo pa lang nila ay parang may masama na itong iniisip laban sa kanya.
Pero himala ng mga himala! Nakipaglapit sa kanya si Ico. Sobrang pakikipaglapit na lubhang nakakalula. At hindi siya manhid para hindi maapektuhan ng mga paglalambing nito. Sino nga ba siya para magustuhan nito. And so, she fell in love with him. Hard.
Kaya naman nang masaktan siya ay labis din. Hindi niya akalain na pansamantala lang ang relasyong iyon. Sugatan ang puso niya na nilisan niya ang isla.
Pero hinanap siya ni Ico. Paano ba magtitiwala uli ang puso niyang minsan lang umibig ay nasaktan pa nang lubos?
BINABASA MO ANG
Be My Valentine - Be My Honey
RomanceMeet Ico Abella, celebrity chef. Paano niya susuyuin si Missy na labis nagmahal sa kanya at labis ding nasaktan sa masakit na bintang niya? Namasukan si Missy kay Teddy na isang mayamang negosyante na nagmamay-ari ng halos buong isla. Iisa lan...