Fifth

1.2K 67 6
                                    

Jeron woke up early the next day. Pagkatapos niyang maghilamos at mag-ayos ay dumirecho siya sa kusina sa baba. Doon niya nadatnan si Lola Ofel na nagsasaing ng kanin.


"Good morning po, 'nang.", bati niya rito.


"Ay good morning din, hijo. Ang aga mo yata. Hindi ka ba nakatulog?"


"Ang sarap nga po ng tulog ko eh. Nagulat ako na meron pa po akong sariling fireplace sa kwarto."


"Ah yun ba. Sinindihan talaga yun ni Nelson kagabi dahil malamig pag madaling-araw."


"Ang ganda po talaga ng bahay niyo. No wonder Mika loves it here."


The old lady smiled.


Nag-alok si Jeron na tumulong sa paghahanda ng almusal ngunit tumanggi ito.


"Ang mabuti pa, magsuot ka ng jacket at silipin mo na lang ang Itang mo doon sa garden. Para na rin makita mo ang mga alaga namin.", Lola Ofel suggested.


"Sige po. I might also go for a morning jog."


"Ay, tama yan, apo. Ayain mo si Nelson, tiyak na sasama yun."


And Jeron went on his way outside.


Half an hour later, Mika arrived at the kitchen and saw her grandmother chopping strips of meat.


"Good morning, Inang! Ano pong niluluto niyo?", she asked.


"Siyempre, ang paborito mong almusal.", her lola replied.


"TAPSILOG?!?!?", excited niyang tanong.


Nakangiting tumango ang matanda.


"Yesss! The best talaga kayo! Ako na po magluluto ng sinangag.", pag-prisinta ni Mika.


"Sige hija, tingnan mo kung tumaas na yung sinaing."


As they both focused on cooking, Lola Ofel took the chance to talk to her granddaughter.


"Mika..."


"Po?"


"Nakita namin kayo ni Jeron sa taas kagabi ah. Malagkit ang tingin.", puna nito.


"Si inang talaga!", saway ng dalaga dito habang nagbabalat ng bawang.


"O bakit? Ikaw ba, nakita mo?

Siyempre, hindi. Kasi ikaw yung katitigan eh.", kantiyaw ulit ng kanyang lola.


"Wala po yun. Nag-uusap lang po talaga kami.", paglilinaw ni Mika.


"Ano namang pinag-usapan niyo?"


"Wala lang po."


"O bat ayaw mong sabihin?"


Alam ni Mika na hindi siya titigilan ng lola niya kaya pinili na niyang sabihin ang totoo.


"Tinanong niya lang po kung anong gusto ko sa lalaki."


Lola Ofel gave her a meaningful smile.


"Wala po yung ibig sabihin, 'nang."


"Anong wala? Tatanungin niya ba yun kung hindi siya interasadong malaman?"


Naisip ni Mika na marahil tama ang lola niya. Ngunit dahil ayaw niyang mag-assume, nagkibit-balikat na lang siya.


Sweet BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon