Chapter 1

10.1K 234 4
                                    

Chapter 1

"ANO'NG klaseng pagkaka-type ito, Ms. Marquez? Ang daming typos! Mali pa ang pangalan na nakalagay dito! Who the hell was Aoi Shinichi?"
Napapangiwi na lang si Samanta habang sinasalo niya ang galit ni Hunter Rodriguez na nakaupo sa swivel chair nito habang panay ang hampas sa kapirasong papel na nasa mahabang mahogany table. Si Hunter ay ang CEO sa pinagtatrabahuan niyang kompanya ng mga alcoholic beverages. She was his secretary for two years now. Two freaking years pero nandito pa rin siya at nagtyatyaga sa masungit at suplado niyang amo! Natutuliling na ang tainga niya sa sermon nito pero ano ang magagawa niya? Mali siya kaya katanggap-tanggap naman talaga ang sermon nito.
"Ms. Marquez, do you hear me?"
"Y-yes po!" Napaayos siya ng pagkakatayo.
Nahilot naman ng lalaki ang sintido nito. "Who the hell was Aoi Shinichi?"
Napalabi na lang siya. Sasabihin ba niya? Baka mas lalo lang itong magalit. Lihim na lang siyang napapikit. Paano, habang gumagawa kasi siya ng proposal letter para sa kanilang Japanese investor ay sinasabay niya ang panonood ng Detective Conan: The Darkest Nightmare sa Youtube kaya hayon, imbis na Aoi Ichinichi ang i-type niya ay Aoi Shinichi tuloy. "Shinichi" ay galing sa pangalan ng protagonist ng Detective Conan na si Shinichi Kudo, isang magaling na highschool detective.
"Nakikinig ka ba talaga sa akin?" naniningkit na ang mga mata ni Hunter habang nakatitig sa kanya.
"'Yong Shinichi, mali talaga ako. I'm sorry, nasa hype pa kasi ako ng panonood ng Detective Conan kaya nailagay ko tuloy ay Shinichi imbis na Ichinichi. I know, it was my fault. I'm so sorry."
"Detective Conan?"
"Yeah!" Biglang nangislap ang mga mata niya. "Detective Conan is a twenty-sixteen Japanese animated film.Twentieth installment na iyon ng Case Closed film series na base sa manga series ni Gosho Aoyama. Grabe! Sobrang ganda ng series na iyon! Bata pa lang ako ay inaabangan ko na talaga ang manga niya!"
"Sa tingin mo may pakialam ako dyan?"
Natahimik si Samanta. Ewan ba niya kung bakit ang sungit-sungit ng lalaking ito pagdating sa kanya.
"W-wala, gusto ko lang i-share," nakayuko niyang sabi.
Napabuntong-hininga naman ito. Naging malambot na ang anyo nito. "Lumabas ka na at igawa mo ulit ako ng proposal letter. Make sure na tama na ang pangalan na ilalagay mo at wala sanang typos. Nakakahiya sa investor natin. Mabuti na lang at binasa ko agad ang ginawa mo."
"Okay, lalabas na po ako."
Matapos na magpaalam ay tumayo na siya at iniwanan na ang opisina ni Hunter.
"O, nasermonan ka na naman si Sir Hunter," natatawang sabi ni Mary, ang Production Assistant dito sa kompanya nang makalapit ito sa cubicle niya.
"Oo nga, eh. Katakot-takot na sermon. Tingnan mo nga ang loob ng tainga ko, baka may internal bleeding na. Grabe talaga siya pagdating sa akin. I mean, sobra siya kung magsungit sa akin. Parang isusumpa na ako!"
"Hala siya! Ang guwapong mangkukulam naman ni Sir Hunter kung ganoon." Kinikilig na sabi nito. "Anyway, bakit kaya ganoon si Sir sa 'yo 'no? I mean, sinisermonan din naman niya kami lalo na kapag may mali sa trabaho natin pero hindi naman umaabot ng isang oras ang panenermon niya. Eh, sa 'yo? Isang oras. Hmm, I wonder why."
Biglang napakurap si Samanta. Ngayon lang niya na-realize ang bagay na 'yon.
"Baka feel lang niyang i-burst out ang galit niya sa akin. Parang anger absorber ba?"
"Baliw! May ganoon ba? Shock absorber lang ang alam ko, eh."
Napangiti na lang si Samanta at nang makalayo na ang work mate niya ay doon na siya nag-isip nang malalim at seryoso. Inisip niya ang sinabi ni Mary kanina. Sa kanya nga lang masungit si Hunter at nagtataka siya kung bakit. Well, hindi naman totally masungit, mabait din naman ito.
Naalala nga niya noong nakaraang taon, namatay ang Lola Anna niya. Si Hunter ang umasikaso ng lahat ng gastusin sa pagpapalibing dito. Nasa tabi lang din siya nito habang nagluluksa. Down na down kasi siya ng panahon na iyon dahil nawala na ang nag-iisa niyang kasama sa buhay. Wala na kasi siyang magulang dahil parehas namatay ang mga ito noong nahulog sa bangin ang sinasakyang bus. Fifteen years old siya noon kaya naman si Lola Anna na ang nag-alaga sa kanya. Mahal na mahal niya ang lola niya kaya naman nang mamatay ito ay para nang gumunaw ang mundo niya.
Pero nandoon sa tabi niya si Hunter, inaalalayan siya at binibigyan ng positive thoughts. Naramdaman niya na genuine ang pagiging mabait nito pero bakit ganito ito ngayon sa kanya? Ang sungit-sungit, parang laging may menstruation period.
Anyway, college pa lang ay kilala na niya si Hunter. Magka-klase sila nito dahil parehas na Business Administration ang course nila. And yes, she was also a degree holder like Hunter but she ended to be his secretary.
Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi naman sa minamaliit niya ang kanyang trabaho pero mas gusto pa rin niya na gamitin ang course niya, 'yon nga lang ay mahirap dahil mahirap din maghanap ng trabaho sa panahon na ito.
Naalala nga niya noong makatapos siya ay excited na excited na siya agad na magkatrabaho pero hindi nga lang siya swerte sa paghahanap. Hanggang sa nakita niya na hiring itong Rodriguez Beverage ay sinunggaban na niya agad ang pagkakataon, pero hindi nga lang niya inakala na si Hunter pala ang magiging boss niya. Ngayon ay hindi siya makawala sa trabaho niyang ito. Bukod kasi sa mahirap ang maghanap ng bagong trabaho ay sayang din naman ang sinusuweldo niya rito kada kinsenas. Ayaw din naman niya bitawan ang 13th month pay niya dahil may pinag-iipunan siya at may bayarin pa siya. Hinuhulugan pa niya kasi ang kotse na binili niya noong nakaraang taon. Kaya kailangan na kailangan niya ng trabaho ngayon.
Kung sana ay mabait at hindi masungit ang Hunter na 'yon ay sana hindi ako mai-stress ng ganito. Kaloka siya. Palibhasa, walang lovelife.
Napasimangot na lang siya at hinarap na niya ang computer. Kailangan na niyang tapusin ito dahil tambak ang trabaho niya ngayong araw. Nasa kalagitnaan na siya ng pagta-type nang biglang may humawak sa balikat niya. Nang lingunin niya ay si Simon pala, kaibigan ito ni Hunter at naging kaklase rin niya noong college. Isa na rin itong successful business man. May sarili itong restaurant na pinapatakbo.
Hindi niya maiwasan ang mainggit dito. Sa loob ng dalawang taon ay nagkaroon na ito ng sariling business tapos siya heto at secretary pa rin ng masungit na si Hunter Rodriguez. Ano bang kulang sa kanya? Matalino naman siya, maganda at madiskarte sa buhay. Naalala nga niya noon ay nangongopya sa kanya ng assignment itong si Simon dahil tamad itong mag-aral pero ngayon ang layo na ng narating nito.
"Kumusta? Mukhang pinapahirapan ka ni Hunter, ha?"
Napasimangot siya. "Oo, nasermoman nga ako kanina. Ewan ko ba sa eng-eng na 'yon." Malaya siyang makapagsabi ng saloobin kay Simon dahil magaan ang loob niya rito. Bukod sa matagal na niya itong kakilala ay parang kapatid na rin ang turing niya rito. Isang buwan lang ang tanda niya rito pero tinatawag siya nitong "Ate" noon at kinaiinis niya iyon.
"Hayaan mo na, pumaparaan lang 'yon kasi gustong magpapansin sa 'yo."
Napalingon siya rito pero kinindatan lang siya nito. Magtatanong sana siya pero na-interrupt siya nang biglang magbukas ang pinto ng opisina ni Hunter.
"Wala ka bang balak na pumasok?" Malamig na tanong nito kay Simon.
"Papasok na," natatawang sagot nito kay Hunter. "See you later, Samanta."
Nginitian na lang niya ito at nasundan ng tingin habang papasok sa opisina ni Hunter.
Hindi pa rin siya nagbabago. Weird pa rin siya.
_____
"NARINIG ko ang sinabi mo kay Samanta, Simon. Damn! Halos ay sabihin mo na may gusto ako sa kanya!" Galit na sita ni Hunter kay Simon nang makaupo na ito sa katapat na upuan niya. Malakas ang loob niyang lakasan ang boses dahil sound proof naman ang opisina niya.
Kasalukuyan ay nasa mini-sala sila ng opisina niya.
"Ano naman ang masama kung sabihin ko 'yon? Besides, totoo naman na may gusto ka talaga kay Samanta. You're inlove with her."
Hunter let a deep sighed. It was true he have feelings for Samanta. Pero hindi nga lang niya maipakita sa dalaga ang totoong nararamdaman dahil natatakot siyang ma-reject nito. Nangyari na naramdaman niya iyon noong nasa kolehiyo sila. Acquaintance party nila noon kung saan magsasama-sama ang mga college students para makilala ang isa't isa.
Nagkataon na may nobya siya noon at nagkayayaan sila na magpunta sa madilim na sulok ng gymnasium para paligayahin ang isa't isa. Hindi naman sinasadya na nakita sila ni Samanta sa ganoong tagpo. And her words shocked him. Hinding-hindi niya makakalimutan iyon. "Nakakadiri ka!"
Pagkatapos ng party na 'yon ay nagpasya siyang humingi ng sorry kay Samanta dahil sa nakita nito. Alam niyang naeskandalo ito, 'yon nga lang ay hindi na niya nagawa pa noon. Sa tuwing magtatangka siyang lumapit dito ay napipigilan iyon dahil natatakot siya na baka marinig na naman niya ang salitang 'yon. Kaya hinayaan na lang niya. Iniisip na lang niya na malamang ay nakalimutan na iyon ng dalaga.
Sa bawat taon na nagdaan sa kanila noong nasa kolehiyo sila ay hindi niya pa rin ito nalalapitan o nakakausap man lang. Nasa blocked section sila kaya apat na taon din silang naging magka-klase. Hanggang pagtitig lang ang ginagawa niya noon kay Samanta. Pero dahil pala sa ginagawa niyang iyon ay nahuhulog na rin ang loob niya rito. At dahil sa feelings niya na iyon ay mas lalo siyang nawalan ng lakas ng loob. Naisip niya na kaya siguro siya natatakot na lumapit dito ay dahil mahal niya ito at natatakot siya na ma-reject nito, natatakot siyang masaktan.
Kaya naman nang matapos na sila sa college ay itinago niya ang nararamdaman para sa dalaga. Pero dalawang taon na ang nakakaraan ay nakita niya ang resume ni Samanta. She was applying for secretary position. Hindi dapat sa kanya mapupunta si Samanta pero gumawa siya ng paraan para maging under niya ito. Kaya ngayon nandito ito sa tabi niya. Nasa malapit lang at abot-kamay pero hindi naman niya mahawakan dahil hanggang ngayon ay nasa isip pa rin niya ang sinabi nito. At ang pakiramdam na baka ma-reject siya nito-Damn! Shame on him! Alam niya sa sarili na nag-o-over thinking siya pero hindi niya talaga mapigilan.
Kaya ang paraan niya para makausap ito na hindi nito napapansin na gusto niya talaga ito makausap para masolo ay ang pagsusungit niya at pagiging suplado sa dalaga. Sa paraan niya na iyon ay gumagaan ang loob niya dahil nakikita niya ang magandang mukha nito. Gusto rin niya na gamitan ito ng reverse psychology, 'yon bang susungitan niya ito araw-araw para siya lang ang isipin nito. At alam niya na nangyayari iyon, minsan nga ay narinig niya na ikinukwento ni Samanta sa mga katrabaho nito ang pagiging masungit niya. Napapangiti na lang siya. Kahit sa ganoon lang ay masaya na siya na iniisip siya nito.
"Alam mo pare, sabihin mo na agad ang nararamdaman mo sa kanya. You're not getting any younger. Twenty-eight ka na next year, tatlong taon na lang wala ka na sa kalendaryo. Pero natotorpe ka pa rin kay Samanta." Natawa ito. "Samantalang sa ibang babae nagagawa mong ipakita ang kagustuhan na angkinin sila. Anyway, puwede ba akong magtanong ng medyo personal."
"Ano 'yon?"
"Nagawa mo na bang isipin na si Samanta ang inaangkin mo sa kama?"
"Gago!" Binato niya ito ng magazine. Nasalo naman nito iyon at tinawanan siya pagkatapos.
"But kidding aside, umamin ka na bago mahuli ang lahat," bigla ay naging seryoso ang mukha nito.
Nakakunot ang noo na binalingan niya ito. "What do you mean?"
"Lately ay nalaman ko na may boyfriend na pala siya."
"What?"
"Yes, meron na. Samuel De Lima, sounds familiar?" umiling si Hunter. "Ka-schoolmate natin siya sa university at ngayon ay sikat na artista na. Naging varsity player din siya at crush din ni Samanta noon. Three months ago nang-"
"Bullshit! Bakit hindi ko alam 'yan?"
"Hey, lately ko lang nalaman."
Hindi sumagot si Hunter at kuyom lang ang kamao habang iniisip kung sino ang gagong Samuel na 'yon. At oo, naalala na niya, ang lalaking 'yon ay inagawan niya ng girlfriend noon. Nagkaroon kasi ng pustahan ang grupo niya noon na kapag nagawa niyang agawin ang girlfriend ni Samuel ay makukuha niya ang ipinusta ng isa niyang kaibigan. At nangyari nga na naagawan niya ito. Pero ngayon ay parang siya dapat ang matakot. Makukuha nito ang babaeng mahal niya. Hindi siya makakapayag!
"Ano na ang balak mo?"
"Sundan mo lang siya at alamin mo ang lahat ng plano na gagawin nila ng gagong Samuel na 'yon," seryosong sabi niya rito. "I know I can count on you."
"Of course, para sa lovelife ng bestfriend ko."
"Gago!"
Natawa na lang si Simon sa sinabi niya. Malaki ang tiwala ni Hunter sa kaibigan niyang ito. Simula pa lang noong college ay sanggang-dikit na sila nito. Kapag may kaaway ang isa ay reresbak agad ang isa. Ngayon ay may sariling business na rin ito, restaurant owner si Simon pero sideline lang 'yon. Dahil ang totoong mundo na ginagalawan nito ay bilang isang secret agent sa isang security ang detective agency. Si Hunter lang ang may alam ng trabaho ng kaibigan kaya heto sila, in-hire niya si Simon para sundan ang bawat kilos ni Samanta. Ang lalaki din ang nagre-report ng bawat gawin nito. And yes! He was a freaking stalker of her! Dalawang taon ng ganito ang set-up nila pero ngayon ay dapat na mag-change plan na si Hunter. Tumatakbo ang oras at kapag babagal-bagal siya ay mauunahan siya ni Samuel, at hindi niya mapapayagan iyon.
Kaya naman pinag-usapan na nila ni Simon ang sunod na hakbang na gagawin para ma-secure na mapupunta lang sa kanya si Samanta. Matapos niyon ay umalis na rin ito at siya ay naiwan sa loob ng opisina. Kailangan pa niya kasi na i-google search si Samuel De Lima para makita ang hitsura nito ngayon.
Naningkit na lang mga mata niya habang nakatitig sa profile ni Samuel. Sikat nga pala talaga ang gago. Nagkaroon na ito ng movies na pawang mga blockbuster at awards bilang best actor. Kabi-kabila din ang mga endorsements at commercial. Pero hindi ko talaga siya nakilala, artista na pala siya. Sa sobrang pagka-busy niya sa trabaho ay hindi na tuloy siya nakakanood ng TV kaya hindi na rin niya alam ang mga nangyayari sa labas ng opisina niya.
Pero may kontrobersiya rin pala na kinasangkutan si Samuel. Inaakusahan itong silahis at may sugar daddy raw na isang mataas na opisyal sa TV network na pinagtatrabahuan nito. Napangisi na lang siya. Hindi niya alam kung totoo iyon pero sa isipin na may bahid ang pagkalalaki nito ay natutuwa na siya. Hindi talaga siya bagay kay Samanta kaya hindi ako papayag na maging sila. Aagawin ko si Samanta sa kanya dahil akin lang siya.
Hindi na namalayan ni Hunter ang oras. Gabi na pala. Lumabas na siya ng opisina dala ang black coat at office bag. Pero may napansin siya na bukas pa ang ilaw sa isang cubicle. Nilapitan niya iyon at doon ay nakita niya si Samanta. Nakahiga ang ulo nito sa lamesa. Malalim na rin ang tulog nito. Akmang gigisingin niya sana ito nang biglang umilaw ang phone nito na nasa gilid lang ng lamesa. Wala sana siyang balak na kunin iyon pero nakita niya na galing kay "Love Of My Life" ang message. May hinala siya kung sino ang maaari na nag-text.
Kinuha niya iyon at binuksan ang unread message roon. Alam niyang mali pero wala siyang pakilam. Binasa niya ang message. Nkauwi k n lab q?
"Shit! What kind of typing is this?" Naiiling na binura niya ang message at binalik ang cell phone sa gilid ng lamesa. Sakto naman ay nagising na rin si Samanta. Nagulat pa ito nang makita siya.
"Its past ten of the evening. Kung iniisip mo na isasama ko itong pag-o-overtime mo para sa susunod na kinsenas puwes ay hindi. Hindi ko naman inutos na mag-overtime ka."
"A-alam ko, hindi ko naman iniisip 'yon. Nakatulog lang ako. Anyway, sorry..."
"That's okay. Ihahatid na pala kita sa bahay mo."
"Huwag na. Kaya ko naman saka-"
"Let's go," ginamitan niya ito ng authority sa boses kaya naman sa huli ay pumayag na rin ito. Lihim na lang siyang napangiti. Masaya siya na makakasabay niya sa kanyang kotse si Samanta.

Love By My Kidnapper (Approved under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon