Chapter 3
One month later...
THIS is it, Samuel! Ito na ang araw na hinihintay natin!
Umaga na at ang cell phone agad ang una niyang hinagilap para mag-compose ng text. Matapos ma-i-send iyon ay napangiti na lang siya. After seconds ay ni-reply-an agad siya ni Samuel.
Same here, love. I love you. I can't wait to see you.
Impit na lang na napatili si Samanta nang mabasa iyon. Iba talaga ang dating sa kanya ng lalaking iyon. Simpleng text lang nito ay talaga namang kinikilig na siya at tulad nito ay excited na rin siya na makita ito. Pero mas excited siya na makipagpalitan ng 'I do' sa binata. Actually ay ang eksenang nagpapalitan sila ng 'I do' ang napanaginipan niya.
Napangiti siya. Nang dahil sa panaginip niya na iyon ay nabawasan kahit na paano ang kabang nararamdaman niya. Noong nakaraang araw kasi ay napanaginipan niya ang mga magulang niya, nagtatampo raw ang mga ito dahil hindi niya naipakilala, kahit sa puntod man lang si Samuel. Sa totoo lang ay talagang kinabahan siya at naisip pa nga niya na baka masamang pangitain iyon pero hindi naman pala dahil ngayon ay naging maayos ang kanyang panaginip. Naniniwala siya na magiging maayos ang lahat. Ikakasal siya sa lalaking mahal niya at magiging Mrs. Samuel De Lima na siya mamaya. Mahigpit niyang niyakap ang unan at muli ay doon impit na tumili.
Natawa na lang siya sa kanyang sarili. Tama na nga itong kakatili niya dahil baka masira ang boses niya at hindi niya masabi ang 'I do' kay Samuel. Bumaba na siya sa kanyang kama at naligo na. Kinuskus niya ng maigi ang lahat ng parte ng katawan niya. Bukod sa kasal ay excited na rin siya sa kanilang honeymoon. Oh, yes! Excited talaga siya dahil iyon ang magiging una niya at handa siya na ibigay rito ang bagay na matagal na rin nitong hinihingi sa kanya pero dahil hindi naman sila kasal ay hindi niya magawa na maisuko ang sarili rito. Of course! Kahit mahal niya si Samuel ay hindi naman siya basta-bastang babae na por que mahal ang isang lalaki ay ibibigay agad ang Bataan. Syempre ay gusto niya na may panghahawakan siya. At ito na iyon. Ikakasal na siya mamaya.
Mabilis na niyang tinapos ang pagligo at nagbihis lang siya ng isang simpleng bistida. Pangkaraniwan na sinusuot lang niya sa araw-araw. Hindi naman talaga ito ang damit niya. Meron siyang pinasadya na wedding gown at iyon ay nasa bahay ni Mary. Napangiti na lang siya nang maalala ang kanyang kaibigan. Last month ay personal niyang ipinakilala rito si Samuel at hindi niya akalain na fan na fan pala ng kaibigan ang kanyang nobyo. Lumabas ang pagiging fan girl nito. At ngayon, kasama nila sa kanilang planong pagpapakasal si Mary. Ito ang magsisilbi niyang bridesmaid sa secret wedding na gaganapin sa isang garden doon sa rest house ni Samuel sa Batanggas.
Ilang saglit pa ay narinig niyang nag-ring ang kanyang cell phone. Mabilis niyang sinagot iyon nang makitang si Mary ang tumatawag.
"Girl! Nasaan ka na?"
"On the way na ako. Basta ikaw na ang bahala sa make-up ko, ha? Pati sa hair ko gusto ko magandang-maganda para-"
"Oo, alam ko na 'yan. Bilisan mo na kaya para makaalis na rin tayo nang maaga."
"Oo na!" Natatawang pinindot na niya end call ng touch screen cell phone niya.
Kinuha na niya ang kanyang bag at lumabas na. Papunta na siya sa garahe ng kanyang kotse nang maramdaman niya ang pagtaas ng kanyang balahibo. Lilingon sana siya nang biglang may tumakip sa kanyang ilong mula sa kanyang likod. Naamoy niya ang mabahong amoy na 'yon mula sa panyo na naging dahilan para mawalan siya ng malay. Huli niyang naramdaman ay may mga bisig na sumalo sa kanyang nanghihinang katawan.
_____
"OUR plan flow smoothly," nakangiting sabi ni Simon habang nakatitig kay Samanta na ngayon ay mahimbing ang tulog dahil sa ginamit niyang gamot nang takpan niya ang ilong nito kanina.
Ngayon ay kalong-kalong ito ni Hunter. Kasalukuyan ay nasa helipad sila ng Rodriguez Beverage at naghihintay ang isang helicopter na siyang maghahatid kina Hunter at Samanta sa isang isla na pagmamay-ari ng pamilya ng binata.
"Yeah, thanks to you. Hindi ko ito magagawa kung wala ang tulong mo, Simon," sagot ni Hunter pagkuway ipinasok na ang walang malay na dalaga sa loob ng helicopter. Sinuotan na rin niya ito ng seatbelt. Hindi pa ito nagigising dahil sa gamot na pinaamoy rito ni Simon.
"Hindi ko akalain na seryoso ka talaga nang sabihin mo na gusto mo siyang masolo doon sa isla mo."
Natawa si Hunter. "Mukhang ba akong nagbibiro, Simon? Alam mo naman na pagdating kay Samanta ay hindi ko ginagawang biro ang lahat. Seryoso ako pagdating sa kanya."
"Dapat ay noon ka pa naging seryoso sa kanya," naiiling na sabi nito. "Kung hindi ko pa sinabi na balak niyang magpakasal sa Samuel na iyon ay hindi ka siguro gagawa ng ganitong hakbang."
"I'm desperate. Hindi puwede na magpakasal si Samanta sa Samuel na 'yon. Akin lang siya at walang ibang puwede na magmay-ari sa kanya."
"I understand you, pare. Pero hindi kaya siya magalit kapag nandoon na kayo? Siguradong magwawala siya kapag nagising na siya."
"I can tame her."
"Pero hindi lang 'yon ang kinakatakot ko. This is kidnapping. Baka kasuhan-"
"Hindi kita idadamay kung sakali na gawin niya iyon."
"Hindi iyon ang iniisip ko. I mean, kung mahal mo talaga siya, hindi mo siya itatakas para-"
"Like what I've said, I'm desperate. Isa pa ay gagawin ko ang lahat para mahulog ang loob niya sa akin. Hindi kami aalis sa isla na iyon hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. I will make her fall inlove with me. At sisiguruduhin ko na kapag nangyari iyon ay siya na mismo ang aayaw na umalis kami sa isla na 'yon."
Napabuntong-hininga naman si Simon pagkatapos ay lumapit sa kanya at tinapik ang balikat niya.
"Goodluck, pare. I wish you all the best. Basta, tawagan mo na lang ako kung may kailangan kayo roon."
"Makakaasa ka, pare. Salamat sa tulong mo. Pangako, gagawin kitang ninong ng magiging mga anak namin."
"Gago! Paibigin mo muna siya bago mo siya buntisin!"
Natawa na lang si Hunter pagkatapos ay sumakay na rin siya ng helicopter matapos na magpaalam kay Simon. Nasa himpapawid na sila nang balingan niya ng tingin si Samanta na mahimbing pa rin ang tulog. Napangiti na lang na siya nang makita ito. She look so peaceful. Inayos niya ang pagkakahiga nito at hinayaan na matulog ito sa kanyang balikat.
"Alam kong magagalit ka sa oras na magising ka pero handa akong harapin iyon. Ang hindi ko lang makakaya ay ang makita ka sa piling ng iba. Sasabog ako 'pag nagkataon at baka mapatay ko pa ang lalaking 'yon. Pero hindi na kailangan na umabot sa ganoon. Akin ka na ngayon at sa pananatili natin sa isla. Gagawin ko ang lahat para magawa mo rin akong mahalin." Malambing niyang sabi rito saka hinalikan ang tuktok ng ulo nito.
_____
"YES, Father, I do..."
Napangiti na lang si Samanta dahil sa kanyang panaginip. Kasal na sila ni Samuel. Asawa na siya nito at ngayon nga ay kakatapos lang ng honeymoon nila. Nasa malambot siyang kama habang yakap-yakap ang maskukado nitong katawan.
Kinapa niya ang kanyang tabi. Napakagat-labi na lang siya nang maramdaman ng kanyang kamay ang malapad nitong dibdib, bumaba pa ang kamay niya hanggang sa may sikmura nito. Hindi niya mapigilan na kapain ang sikmura nito at haplusin ang abs nito. Sa bilang na ginawa ng kamay niya ay nasa anim iyon. Matigas at matambok iyon sa kanyang palad. Mas lalo pang naging pilya ang isip niya, bumaba pa ang kamay niya hanggang sa pagitan ng mga hita nito. Minasahe niya ang kahabaan nito at nang maramdaman niyang handa na ito ay bumangon siya para tingnan ang reaksyon sa mukha nito. Gusto niyang makita ang kasiyahan nito habang pinagpapala ito ng kanyang kamay.
"Ahh, Samanta, that's it, baby..."
Pero natigilan siya sa ginagawa dahil ibang mukha ang nakita niya. Mabilis siyang napalayo rito.
"H-hunter!"
"Why did you stop? I'm almost there," iritadong bumangon ito at tinitigan siya.
"A-ano ang ginagawa mo rito? Saka bakit tayo magkatabi sa kama?"
Napangisi ito. "Hindi mo ba natatandaan? Kinasal tayo, you are my wife and I am your husband."
"N-no!" iiling-iling ang ulo niya habang binabalot niya ang kanyang kahubaran sa makapal na kumot. "No! No! Hindi kita asawa! Panaginip lang ito! Isa kang bangungot!" Bumaba na siya ng kama at tinakbo ang pinto. Lumabas siya roon at bumaba ng hagdan pero sa malas ay natalisod siya gawa ng nakalaylay na kumot kaya naman na-out of balance siya. Napatili na lang siya habang hinihintay na lumagapak ang mukha niya sa matigas na semento.
_____
"NO!" Napabalikwas agad ng bangon si Samanta dahil sa panaginip niyang iyon. Nanglalagkit ang pawis niya sa kanyang noo at mabilis ang tibok ng puso niya. Parang hinabol ng asong-ulol ang nararamdaman niyang kaba sa kanyang puso.
Oo, asong-ulol nga ang nasa panaginip ko. Letseng Hunter 'yon, hanggang sa panaginip ko pinipeste ako!
Yes, panaginip lang. Hindi totoo na may nangyari sa kanila ni Hunter. Pero infairness sa panaginip niya, parang totoong-totoo. Kinurot niya nang mariin ang kanyang pisngi. Mabuti na lang at panaginip lang. Diyos ko! Hindi siya papayag na maangkin ng asong-ulol na 'yon ang katawan niya. Mas pipiliin na lang niya ang mamatay.
Pero nasaan ba ako? Kinasal na ba ako? Ang naaalala ko ay-
Bigla ay natigilan siya. Oo nga pala! May lalaking kumidnap sa kanya at may naamoy siyang mabaho mula sa panyo na ginamit nito para takpan ang ilong niya. Hindi siya kinasal kay Samuel dahil hindi siya naka-attend! She was kidnapped!
Pero kung kinidnap nga siya, bakit hindi siya nakatali? Bakit nasa malambot na kama siya at higit sa lahat, ano ang naririnig niyang iyon? Parang hampas ng dagat, naaamoy rin niya ang preskong hangin na nagmumula sa balcony.
Napababa siya agad sa kama. Nagpunta siya sa balcony at doon ay sumambulat sa kanyang harapan ang napakalawak na karagatan. Nanlaki na lang ang mga mata niya, wala siyang ibang makita bukod sa walang hanggang karagatan. Inilibot niya ang kanyang mga mata. Naghahanap siya ng posible way para makatakas dito. Mula sa kaliwa ay may nakita siyang mapunong lugar, pero dadaan ba siya doon? Mukhang nakakatakot kasi ang lugar.
"You're awaked."
Napalingon agad si Samanta sa nagsalita. At ganoon na lang ang pamumutla ng kanyang mukha. Si Hunter, ano ang ginagawa nito rito?
"What's on that face? You look pale," lumapit ito sa kanya at akmang kakapain ang kanyang noo pero marahas niyang hinawi iyon.
"Ano ang ginagawa mo rito? Saka ano ang lugar na ito?"
"Nasa isang isla tayo na pagmamay-ari ko at nasa poder kita dahil kailangan ko na ilayo ka sa pagpapakasal na gagawin mo kay Samuel."
Nanlalaki ang mga mata na tumitig siya sa binata. "Pero bakit? At paano mo nalaman na magpapaksal ako kay-Wait, don't tell me-"
"Yes, I was stalking you."
"Bakit?"
Si Hunter naman ang hindi nakasagot sa kanya. Parang pinipigilan nito ang sarili na sagutin ang tanong niya. Basta nakatitig lang ito sa kanya.
"Gusto ko lang."
Sa narinig niyang sagot nito ay parang umakyat ang dugo sa ulo, parang gusto niyang sumabog sa sobrang galit.
"Ah, ganoon? Sige, aalis na rin ako! Kailangan ko nang bumalik sa lungsod dahil naghihintay na sa 'kin ang fiancé ko."
Lalagpasan niya sana ito pero hinablot nito ang braso niya. "Ano ba!?"
"Hindi ganoon kadali na makakatakas ka sa isla na ito. Itong isla ko lang ang patag na lugar, the rest, puro tubig-alat na. Ang private helicopter ko ang naghatid sa atin dito at hindi na iyon babalik dahil hindi natin sila kailangan dito. Sapat ang supplies ng pagkain natin dito."
"Hindi ako naniniwala sa 'yo. Aalis ako sa lugar na ito. Kung kinakailangan na languyin ko ang dagat na 'yan para makaalis dito ay gagawin ko!"
"Hindi mo kayang gawin 'yan. Saka ano pa ang dahilan mo para bumalik sa lungsod? Ang Samuel ba na 'yon? Hindi mo ba alam ang balita? Kinasal na siya."
Natawa naman si Samanta. "Paano siya ikakasal, eh, ako nga ang pakakasalan niya."
Naiiling na ngumisi si Hunter. "Huli ka na nga talaga sa balita," sabi nito saka kinuha ang dyaryo na nasa ibabaw na lamesa. "Here, basahin mo ang headline dyan."
Kinuha niya ang dyaryo at binasa ang headline doon. "Samuel De Lima, ikinasal na!" Nangyari na ikinasal si Samuel kahapon ng hapon at ang babaeng maswerteng magiging asawa nito ay si Mary Catherine Quezon. Ilang ulit siyang napakurap. Tama ba ang nakikita niyang pangalan? Pati ang litrato kung saan suot-suot nito ang wedding gown na pinasadya niyang gawin. Si Mary na kaibigan niya ang nagpakasal kay Samuel?
Bigla ang pag-ahon ng samu't saring emosyon sa kanyang puso. Pagtataka, pagkainis at galit. Paano nangyari na ang mga ito ang ikinasal? Bakit ganoon na lang kung palitan siya ng kanyang nobyo? Nangako ito ng pagmamahal sa kanya at ngayon ay na-kidnap siya, hindi ba siya nito hinahanap man lang? Nag-alala ba ito na hindi siya nakadalo ng kanilang kasal? At higit sa lahat, minahal ba siya nito? Bakit ganito? Ang dami niyang tanong pero hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga iyon.
"Hindi ka niya minahal. Ginamit ka lang niya dahil gusto niyang patunayan na hindi totoo ang mga issue na isa siyang silahis at kung sinabi man niya sa 'yo na sekreto ang gagawin niyong pagpapakasal, it was a set-up. Papalabasin niyang sekreto iyon pero ang totoo ay may kasabwat na siyang mga media na siyang magko-cover sa kasal niya. Basahin mo nang buo ang article, ayaw niya raw na may makaalam ng kasal niya, kunwaring galit siya sa mga media pero kasama iyon sa-" natigil ito sa ibang sasabihin dahil binato niya rito ang dyaryo.
"Ikaw ang may kasalanan nito! Kung hindi mo sana ako dinala dito, sana ako ang pinakasalan niya! Dapat ay kasama ko siya ngayon!" Sinugod niya ito at pinagsusuntok sa dibdib nito pero hinuli lang nito ang dalawang pulso niya.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Niloko ka niya, balak ka niyang gamitin para sa pansarili niyang interes tapos ay gusto mo pa rin siyang makasama? Ano ka? Martyr?"
"Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo! Hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag ni Samuel ay maniniwala ako na may dahilan kaya niya nagawa iyon."
"Nabubulagan ka na," napabuntong-hininga ito. "At dahil dyan, mas lalo kitang kailangan na itago rito. Hindi ka makakaalis dito hangga't hindi mo nagagawa na kalimutan ang Samuel na 'yon. You don't deserve him."
"At ikaw, deserve kita?" Sarcastic na tanong niya. "Bakit mo ba ako dinala dito?" Hindi niya mapigilan ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi, bahagya din siyang pumiyok. "May kasalanan ba ako? Kung meron sabihin mo na agad sa akin dahil magso-sorry ako agad sa 'yo. Basta, ibalik mo lang ako sa kanya. Kailangan ko na magpaliwanag kay Samuel kung bakit ako hindi nakarating sa kasal namin."
"I'm sorry hindi puwede. Dito ka lang sa poder ko, hindi ko hahayaan na balikan mo ang lalaking iyon. Ayoko na masaktan ka niya." Pagkasabi niyon ay lumabas na ito ng kuwarto niya.
Naiwan naman si Samanta na wala pa rin tigil ang pag-iyak.
Tatakas ako dito! Kailangan kong bumalik sa lungsod para makapagpaliwanag ako at para malaman ko ang totoong dahilan kung bakit pumayag si Mary na pakasalan si Samuel. Tumayo siya at nagpunta sa balcony. Kung kinakailangan ko na pasukin ang gubat na 'yan o languyin ang dagat ay gagawin ko makaalis lang ako sa poder ng Hunter na 'yon. At ipinapangako ko, kakasuhan ko siya ng kidnapping! Magbabayad ang lalaking 'yon!
BINABASA MO ANG
Love By My Kidnapper (Approved under PHR)
Romans(Soon to be published) Hunter and Samanta May balak na magpakasal si Samanta sa boyfriend niyang artista na si Samuel. Pero lihim lang 'yon at pumayag naman siya. Pero sa araw ng kanyang kasal ay hindi siya nakadalo dahil may kumidnap sa kanya. Nagi...