Chapter 2

6.4K 164 2
                                    


Chapter 2

KANINA pa inip na inip si Samanta sa loob ng kanyang kotse. Paano ay hinihintay niya kasi ang kanyang boyfriend. Nasa isang set siya ng pelikula at hinihintay niya na matapos ang shooting nito. Siguro para sa ibang babae ay hindi matitiyagang maghintay sa isang lalaki. Kahit naman siya noon. Isa sa kanyang rule bago siya nagpasyang mag-boyfriend ay dapat na hindi siya pinaghihintay ng ganito katagal, tulad nito. Tatlong oras na yata ang nakakalipas mula nang mai-text niya si Samuel na nasa set na siya pero pagkatapos niyon ay wala na. Hindi na siya ulit nag-abala na i-text pa ito.
Napabuntong-hininga na lang siya. Ayaw niyang masayang itong rest day niya! Minsan na nga lang sila magkita ni Samuel ay ganito pa. Pero naiintindihan naman niya kung bakit nasa ganitong sitwasyon siya. Isang artista kasi ang boyfriend niya. Si Samuel De Lima. Sikat ito at kabi-kabila ang mga endorsements. Pero ang suwerte niya dahil napansin siya ng isang tulad nito. Matagal na niyang crush si Samuel, ka-schoolmate niya ito sa university noon at palagi siyang laman ng basketball court para mag-cheer dito kapag may laban ito. Isa siya sa nakikisigaw ng "I love you, Sam!" Pero never siyang napansin nito noon.
Hanggang isang araw ay nagkaroon siya ng chance na ma-meet in person si Samuel sa premiere night ng isang pelikula nito sa SM Megamall. Nandoon siya dahil isa siya sa nanalo ng mga free tickets galing sa palaro ng director ng pelikula na naganap sa Twitter. May mga sinagot lang siyang mga tanong at swerte niya dahil isa na siya sa mga nanalo. Bukod sa free ticket ay may meet and greet pa na naganap. Ipinakilala sila, kasama ang mga nanalo ng director kina Samuel at sa leading lady nito. Nagpapicture sila, nakipagkumustahan at akala ni Samanta ay hindi siya nito nakilala kasi sino ba naman siya noong nasa college sila? Pero nagkamali siya. Nakilala siya nito.
Dahil noong pauwi na siya ay hindi niya alam na sinundan pala siya ni Samuel hanggang sa parking lot ng mall. Nakapink na jacket ito na may burda pa na Hello Kitty sa hood niyon. May design pa ng mismong sikat na cartoon character sa harapan. Natawa na nga lang siya sa ayos nito. Nang magpakilala ito ay siya namang gulat niya dahil hindi niya inaasahan na sinundan siya ng isang artista. Kasi sino ba naman siya? Isang fan-girling lang. Pangkaraniwan na tao lang siya. Isang secretary ng masungit na boss.
Bigla na napangiti na lang siya. Naalala niya na nahihiya pa nga ito sa kanya. Nanginginig ang kamay nito habang binibigay sa kanya ang calling card nito. Sabi pa nito ay gusto raw siya nitong makilala nang mabuti.
Nakangiting tinanggap niya ang tarheta nito dahil ayaw naman niyang supladahan ito o sabihang nag-iinarte pero wala siyang balak na tawagan ito. Ano siya? Easy to get? Magpapakipot muna siya.
Lumipas ang ilang linggo at parati ng may nagpapadala ng mga bulaklak sa kanya. Noong una ay hindi niya malaman kung kanino galing iyon pero isang araw ay bigla na lang itong sumulpot at nagpakilala na sa kanya ng personal. Iyon nga lang ay patago dahil muli ay inabangan lang siya nito. Nag-alok ito na makipagkaibigan sa kanya na tinanggap naman niya agad. Kalaunan ay nagpaalam ito para manligaw sa kanya. Pumayag naman siya at ito sila ngayon. Tatlong buwan na rin silang 'in a secret relationship'.
Pero nakakalungkot lang na isipin na silang dalawa lang ang may alam na 'in a relationship' ang status nila. Yes, sila lang. Ayaw kasi ng manager ni Samuel na may makaalam. Mahalaga kasi rito ang career kaya dapat sa leading lady lang nito malambing ang binata. Napahugot siya nang malalim na hininga. May mga oras minsan na parang gusto na niyang i-give up ang relationship nilang ito pero mahal niya kasi si Samuel. Ilang saglit pa siyang naroon at mayamaya lang ay biglang tumunog ang calling alert ng kanyang cell phone. Excited na kinuha niya iyon sa pag-asa na si Samuel ang tumatawag pero hindi dahil ang pangalan ni Hunter pala ang nasa screen ng cell phone niya. Pabuntong-hininga at napipilitan na sinagot niya iyon.
"Samanta! Where are you? Nasaan na ang powerpoint na pinapagawa ko sa 'yo?" Galit ang boses na bungad na tanong nito sa kanya. Napatanga na lang siya. Powerpoint daw?
"Eh, Sir, 'di ba po, next week niyo pa po kailangan ang powerpoint na 'yon kaya hindi ko pa po nagagawa. Saka rest day ko po ngayon."
"Damn!" Bahagyang inilayo ni Samanta ang cell phone sa tainga niya. "Nasaan ka ba ngayon? Pumasok ka na lang ngayon sa office at gawin mo na ang powerpoint. I need that report ASAP!"
"Eh, nasa malayo po ako." Ano? Abusado? Day off ko nga, 'di ba? Parang gusto niyang idugtong.
"Then I will wait for you."
"Ay teka lang—" pero pinatayan na siya nito ng cell phone. Inis na magda-dial sana siya ng numero nito para i-call back nang maka-receive siya ng text galing kay Hunter. I'll wait for you until two this afternoon.
Napapikit na lang siya. Alas onse na ng umaga. Demanding na, abusado pa! Letse talaga ang eng-eng na 'yon. Kainis! Aalis na lang siya rito ng ala-una. Sa totoo lang ay dalawang stoplight lang ang madadaanan niya para makapunta sa office nito. Kaya ngayon hihintayin niya muna si Samuel. Kaka-text lang kasi nito. Malapit na raw itong matapos.
Ilang saglit pa nga ay mga katok sa bintana ng kanyang kotse ang nagpalingon sa kanya. Binuksan niya agad ang pinto at pumasok na nga roon si Samuel. Nakangiting kinumusta siya nito at akmang hahalikan pa pero umiwas siya. Napabuntong-hininga naman ito.
"I'm sorry. Ang hirap kasi na umalis doon. Ang daming fans na nag-aabang sa akin. Kailangan ko pang asikasuhin sila."
"I understand," walang-gana niyang sagot.
"I'm really sorry. Alam kong galit ka dahil pinaghintay kita ng ganito katagal."
"Lagi naman, eh."
Muli ay napabuntong-hininga ito. Kinuha nito ang kamay niya at pinisil iyon.
"Three months na tayong ganito. Ngayon ka pa ba magtatampo?"
"Ngayon lang?" Inis na binalingan niya ito. "Three months, Samuel. Ano pa kung mag-one year tayo ay ganito pa rin ang set-up natin? Kapag may nababalita na may non-showbiz girlfriend ka palaging no comment ka na lang. Playing safe ka palagi. Nakakainis na iyon, akala mo ba?"
"Love, trabaho kasi. Alam mo naman 'yon, 'di ba?" katwiran nito pero inisnaban niya lang ito. "Huwag ka nang magtampo, ha?" Pinisil din nito ang pisngi niya pero hindi pa rin niya ito pinansin. "Anyway, may surprise ako sa 'yo," mula sa suot nitong jacket ay naglabas ito ng maliit na kahon. Bigla namang lumambot ang puso niya sa nakita.
"A-ano 'yan?" nanginginig ang boses na sabi niya.
"Its a ring. Three months na tayo, 'di ba? At ayoko na paabutin ng isang taon ang relasyon natin. Ayaw ko nang patagalin pa ito dahil sa huli ay magpapakasal din naman tayo, 'di ba? Gusto ko na maging asawa kita. Will you marry me?"
Napanganga na lang si Samanta at ilang saglit na napatitig lang siya sa sing-sing na nasa kahon.
"Love?" untag nito sa kanya.
"Y-yes! Y-yes, oh, God! Yes! I will marry you!"
Napangiti naman si Samuel at may pagmamadali na isinuot na sa kanya ang sing-sing.
"Masaya ako na tinanggap mo ang alok ko," nakangiting sabi nito matapos isuot sa kanya ang sing-sing. Hinalikan din siya nito. "Ang kasal natin ay gaganapin next month. Pero magiging sekreto nga lang iyon. Hindi din puwede na may makaalam."
"Paano ang—"
"Samanta, wala ka naman na ibang kamag-anak, 'di ba? Sinabi mo sa akin ulilang-lubos ka na kaya ano ang problema?"
Biglang nalungkot ang anyo ni Samanta.
"The wedding will going to be just the two of us. Iyon naman ang mahalaga, 'di ba? 'Yong tayong dalawa lang?"
Napatitig na lang si Samanta sa kanyang nobyo. Sa totoo lang ay hindi siya sang-ayon dito. Mahalaga rin naman sa kanya ang mga magulang niya, si Lola Anna. Sana man lang kahit sa puntod ng mga ito ay maipakilala niya ang nobyo—ang magiging asawa na pala niya.
"Samanta?" untag nito sa kanya. "Please?"
Napabuntong-hininga na lang siya at kahit na labag sa loob niya ay tumango na lang siya.
_____
"YOU'RE late!"
Pagkapasok pa lang ni Samanta sa opisina ni Hunter ay ang galit na mukha nito agad ang bumungad sa kanya. Ni hindi pa nga niya nasasarado ang pinto nang magsalita ito.
"Eh, traffic po kasi saka biglaan ang pagpapasok niyo. Hindi ako prepared," katwiran niya pero mukhang hindi ito naniniwala. Tumitig lang ito sa kanya pagkuway tumayo at lumapit sa kanya. Akala niya ay kung ano ang gagawin nito sa kanya pero sa pagkabigla niya ay kinuha nito ang kaliwang kamay niya at tiningnan ang singsing na nasa ring finger niya.
"Who gave you this? This is an engagement ring, right? Ikakasal ka na?"
Napatanga bigla si Samanta. Ilang sandali na naiwan sa ere ang dila niya dahil nag-iisip siya ng palusot kung saan maniniwala ito. Hindi puwedeng may makaalam na ikakasal sila ni Samuel.
"H-hindi naman ito engagement ring. Peke ito, nabili ko lang sa ukay-ukay."
Naningkit ang mga mata nito. "Sigurado ka ba na wala kang tinatago sa akin?"
"W-wala, bakit naman ako magtatago sa 'yo saka—T-teka nga!" Bigla siyang nagtauhan. "Bakit ba ganyan ka magsalita sa akin? As if na pagmamay-ari mo ako kung makapagtanong at kung makapag-demand akala mo ay wala akong ibang buhay outside ng office na ito," hindi na niya mapigilan ang magtaray. "May sarili din akong buhay. At kung ano man ang meron sa akin, siguro naman hindi magiging dahilan iyon para matanggal ako sa trabaho ko, 'di ba? Hindi mo na sakop ang personal kong buhay so go away and stop pestering me—ops!" Napakagat labi siya.
Teka, somobra naman 'ata siya. Baka pagalitan siya nito. Pero hindi, ngumisi ito sa kanya. Umangat ang kamay nito at kinuha ang ilang hibla ng buhok niya. Bahagya itong lumapit sa kanya at inamoy ang buhok niya.
"Naisip ko na kung gusto kong malaman ang mga ginagawa mo, dapat ay magkaroon ako ng karapatan sa 'yo."
"W-what do you mean?"
Pero hindi siya nito sinagot. Binitawan na nito ang buhok niya at tumalikod na sa kanya.
"Go back to work."
Napatitig na lang siya sa binata na ngayon ay seryoso na naman ang mukha. Kanina lang ay nakita niya ang kakaibang ngisi nito at alam niya na may binabalak ito. Naramdaman din niya ang possesiveness sa boses nito na para bang gagawin nito ang lahat para lang makuha nito ang gusto.
Naiiling na pipihit na sana siya patalikod dito para lumabas nang pigilan siya nito.
"Dito ka na sa loob magtrabaho. Gamitin mo ang laptop ko at doon ka sa sofa, i-review mo itong kontrata na ibibigay ko sa Han Tse at gawan mo rin ako ng proposal letter para sa mga Taiwanese investor natin, standard mandarin ang gamitin mong language. Gusto kong ma-impress sila. Make ten copies, okay?"
Napipilitan na tumango siya. Kinuha na niya ang laptop nito at pumuwesto na siya sa mini-sala nito. Tahimik lang siyang nagtrabaho pero sa isip-isip niya ay may plano na siyang hinahanda.
Ayoko na sa trabaho ko na ito! Nakakasawa na. Mas mabuti na nga ang mag-asawa na ako. Tama naman si Samuel, bakit ba ako nagtatrabaho? Wala naman akong sinusuportahan na kamag-anak, sarili ko lang ang iniisip ko. Mas gugustuhin ko na ang maging plain housewife kaysa naman dito na inuutos-utosan ako ng eng-eng kong boss!
Masama niyang binalingan ng tingin si Hunter na nasa working table nito. Pero nagbago rin agad ang expression ng mga mata niya nang makita na nakatitig din pala ito sa kanya. Nakangiti at parang may ini-imagime na kung ano. Hindi nga lang niya alam kung ano iyon. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
Diyos ko! Bipolar talaga ang eng-eng na ito. Magsusungit tapos ay ngingiti. Pre-mature yata siya nang ipanganak o baka kinulang sa pagpapa-dede ng nanay niya noon. Kawawa naman.
Ipinagpatuloy na lang niya ang trabaho. Pansamantala ay magtitiis na muna siya. Next month ay mawawala na siya rito sa impyernong opisina na ito. Hinding-hindi na siya babalik kung saan nandoon ang masungit niyang boss na si Hunter Rodriguez!
_____
"NAPAPANSIN ko lang, nagiging madalas na yata ang pagsusungit ni Sir Hunter," komento ni Mary nang makita si Samanta na palabas ng opisina ni Hunter. Pinag-break muna siya ng kanyang boss kaya sa wakas! Nakalabas na rin siya sa impyernong opisina nito.
"Oo nga, eh. Nakakaloka siya, promise," sang-ayon niya pagkuway nagpunta siya sa coffee maker at naghanda ng kape niya. "Kung ano-ano ang pinapagawa niya sa akin. Kesyo basahin ko ang mga kontrata, kung tama ba ang grammar at pinapa-check pa niya kung may typo. Pinagawa rin niya ako ng proposal letter na nasa standard mandarin ang language at akala ko matatapos na pero hindi dahil gusto niyang i-translate ko pa 'yon by alphabetical letters," paghihimutok niya. Kinuha na rin niya ang kape niya at humigop nang kaunti doon. "Sa tingin ko ay hindi na naman nakainom ng gamot 'yon kaya tinotopak nang bonggang-bongga."
Natawa na lang si Mary. "Alam mo, may isa akong naiisip na dahilan kaya siya ganoon sa 'yo."
Nakakunot ang noo na binalingan niya ang kaibigan. "Ano 'yon?"
"Nagpapapansin kasi may gusto siya sa 'yo."
Sa narinig ay muntik na niyang maibuga rito ang iniinom na kape. "Grabe ka! Iyan na yata ang nakakatawang sinabi mo sa akin, imposible na may gusto sa akin ang baliw na 'yon. Sungit-sungit niyon, ano?"
"Pero seryoso, paano kung tama ako? May pag-asa ba siya? I mean, ang guwapo niya, mayaman kumbaga full package na. Hindi siya ang tipo na pinapakawalan kasi ideal man siya ng mga Eba!"
"'Sus! Ideal man your face! Hindi siya ang type ko saka walang pag-asa na magustuhan ko siya kasi hindi na puwede. Magpapakasal na kasi ako kay—" Oh shit! Nadulas ako! Ano na ngayon ang sasabihin ko?
"Oh, my God! Kanino? Totoo ba? Magpapakasal ka na? Kanino?" Excited na tanong nito.
"Ah, hindi nagkamali ka lang ng—"
"Sigurado ako sa narinig ko. Magpapakasal ka, iyon ang—" natigilan ito sa ibang sasabihin dahil tinakpan niya ng kanyang kamay ang bibig nito. May parating kasi na ka-officemates nila at ayaw niyang marinig ang sasabihin nito. "Totoo, 'di ba?" Paniniguro nito nang makadaan na ang ka-officemates nila.
Tumango na lang siya bilang sagot.
"Kanino?"
Napabuntong-hininga si Samanta. Mukhang wala siyang magiging kawala rito sa kabigan niya. "Huwag mong ipagkakalat, ha? Kailangan na maging secret lang ito." Tumango-tango ito bilang pagsagot. "Kay Samuel De Lima. Siya ang boyfriend ko."
Nanlalaki ang mga mata na tumitig ito sa kanya. "Artista 'yon, 'di ba?"
"Yeah, siya nga."
"For real?"
"Yep!"
"Oh, my God!"
"Secret lang natin ito, ha?"
"Oo naman! Basta ipakilala mo din ako sa kanya okay?"
Natatawa na sumang-ayon na lang si Samanta. Kailangan niyang pagbigyan ito saka mapagkakatiwalaan naman ang kaibigan niyang ito kaya okay lang na malaman nito ang tungkol sa kanila ni Samuel.
"Samanta, tapos na ang break. Wala ka bang balak na pumasok dito?"
Napaigtad na lang si Samanta dahil sa boses ni Hunter. Nasa may pintuan ito ng opisina nito, nakasandal habang naka-cross arm ang mga braso. Akala mo kung sinong modelo dahil sa tindig nito. Nakakunot na naman ang noo nito habang nakatitig sa kanya.
Guwapo sana siya pero laging nakasimangot. Kainis.
Ah! Teka, sinabi ba niyang guwapo ito? Lihim na lang niyang nabatukan ang sarili. Matapos na magpaalam kay Mary ay pumasok na rin siya sa loob ng opisina nito.

Love By My Kidnapper (Approved under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon