"Whats your problem Sandrix?!"
"Ikaw."
"Me? Why me?"
"'Kasi lagi ka nalang bumubuntot kay Kyle. Ako, hindi mo na ako nakakasama."
"I don't understand."
"You'll never understand, Chanel. Kasi masyado kang nabubulag sa Kyle na yan. Ano bang meron sa kanya ha? Ni hindi ka nga niya mapansi--."
Di niya na natapos ang sasabihin niya kasi binatukan ko siya.
"Aray a!!"
"Stop it Sandrix. Nagda drama ka na naman. This is leading to nowhere."
"C'mon Chanel. Namimiss ko lang naman ang bestfriend ko e."
Eto talagang si Sandrix. Kaya mahal na mahal ko 'tong asungot na 'to e. Masyodong seloso. Siya ang best friend ko. Hindi naman niya kailangang magselos kay Kyle na crush ko e. Hanggang crush lang yun. No more than that. Tsaka love ko naman si Sandrix as a super best friend.
"Nako! Ikaw talaga Drix. Ang sabihin mo, gusto mo lang magpa-libre."
"Grabe ka sakin bes. Hehe."
Eto na nga ba ang sinasabi ko. Magpapalibre ang mahal kong bespren.
"Sige na nga. Matitiis ko ba ang bespren ko?"
Inayos na namin ang aming mga gamit at lumabas na ng classroom. Dismissal na kasi e. Dumeretso kami sa park. May mga Food Stand rin kasi dito. Pinili ko na dito kami pumunta para pakainin ko siya ng streetfoods. Hehe. Masyadong rich kid kasi e. Ang arte arte.
"Ba't tayo andito?"
Nandito kami sa barbeque stand. Yung may mga isaw. Papakainin ko siya neto.
"Choosy pa? Ililibre ka na nga e."
Nag-pout siya. Ang cute talaga.
"Pwede namang mag waffle nalang tayo dun o." sabay turo niya kay ateng nagtitinda ng waffle.
"Mas masarap 'to, Drix. Promise! I-try mo kasi." sabi ko sabay abot ko sa kanya ng isaw.
"Ano ba 'to? Is this clean?"
Ang arte talaga. Minsan nga nagtataka ako kung bakit ko naging bespren to e. Haha.
"For you to know, that's what you call, isaw. Papakainin ba kita nang madumi?" sabay inirapan ko siya.
Nanatili lang niyang tinitignan yung isaw na para bang chinecheck niya kung malinis ba talaga. Aish.
"Kakainin mo o iiwan kita dito?"
Bigla siyang natauhan at..
"Eto na nga o. Kakainin ko na."
Malapit niya nang masubo nang hininto niya ulit ang kamay niya.
"Are you sure na malinis talaga 'to?"
Aba nagpapapilit pa talaga a. Kinuha ko yung isaw at pinilit ko itong makain niya. Haha. Ang cute cute ni Drix. Parang bata na ayaw uminom ng gamot.
"Stop Chanel please!! Ako nalang ang kakain, kaya ko naman e." nagmamakaawang sabi ni Drix. Hindi mo na ako madadaan sa pagmamakaawa mong yan. Haha. Hinayaan ko na siya nalang ang kumain.
Tinignan niya nanaman yung isaw. Pinandilatan ko siya nang mata kaya agad niya naman itong tinikman.
*nguya nguya ng isaw*
O_O <--- itsura ni Drix
What the? Anong kayang masasabi niya. Hehe
Nagulat nalang ako nang tinuloy niyang kainin yung isaw tapos kumuha pa ulit ng isa pa. Ng isa. Ng isa pa. Ng isa pa. Nang isa pa. Nang isa pa. Nang isa pa. Nang isa pa. Eto na nga ba ang sinasabi ko e.
