Be my Girl

33 4 0
                                    

Last ko na yun na pagsakay sa jeep. Nakakainis talaga.

Nandito na ako sa loob ng mall. Pupunta muna ako sa cinema tickets. Bibili muna ako ng ticket tapos kakain then nood ng cinema. Ano kayang magandang movie?..

BEAUTY AND THE BESTIE *o*

Tama. Yan nalang, comedy. Para naman mawala yung stress ko kanina sa jeep.

"Anong age po ma'am?"

"16" sabi ko with smile.

"Birthday po ma'am?"

Tinanong niya ang birthday ko? Hindi ba siya naniniwala saken? At bakit? Porke ba kinapos ako sa height. Leshe.

"1998 February 14. Bakit di po ba kayo naniniwala? You want an ID?" mesyo naiinis kong sabi at binigay ko sa kanya ang ID ko.

"Im sorry ma'am. We are just making sure na appropriate ang age ninyo for the movie. And that is our job. 220 php ma'am"

Binigay ko sa kanya ang 1000 php ko then sinuklian niya na ako at binigay ang movie ticket ko. Mamayang 3:30pm pa pala ang start ng movie. 1:16nn palang.

Habang nililibot ko ang paningin ko sa mall ay bigla akong kinabahan.

*dug dug dug dug*

At bigla kong nakita si Kyle kasama niya si Shaira. Araaaay.

Iniba ko nalang ang direksyon na pupuntahan ko. Pumunta ako sa Jansport bag. Titingin muna ako saglit.

Nagkabalikan na kaya sila ni Shaira? May side ng utak ko na sinasabing sila na ulit pero may side din ng utak ko na nagsasabi na friends lang sila. Ano ba talaga?

Si Shaira nga pala ay first cousin ko. Mabait siya sa akin at super close kami. Mataray lang siya sa iba naming schoolmates dahil maraming ngang na iinsecure sa kanya dahil sila ni Kyle at dahil mahal siya ni Kyle. Hindi ko siya pwedeng agawan. Masyado siyang mabait sa akin. Malaki rin ang tiwala niya sa akin. Kailangan ko na nga talaga sigurong tigilan si Kyle. Kailangan ko na nga sigurong alisin ang paningin ko kay Kyle at dapat i focus ko nalang sa iba. Dun sa ibang mapapansin ako. Dun sa ibang walang mahal at ako lang ang mamahalin. Hay andrama na ng buhay ko. T-T

Wala akong mapiling bag kaya lumipat ako sa Artwork-Shirt Circuit. Bumili lang ako ng muscle tee at isang statement shirt. Pagkatapos nun ay bumili lang ako ng Marocchino and Irish Soda bread sa isang coffee shop. Hindi ko feel mag heavy meal for lunch ngayon.

3:20 na. Pumunta na ako sa cinema 3. Pwede na kasing pumasok e. Pagkapasok ko ay mga trailer palang ng ibang movie ang nasa big screen.

Kinuha ko muna ang phone ko at nag instagram muna. Follow niyo ako HAHA joke.

Scroll. Scroll. Scroll.
Para akong nilagyan ng tinik sa nakita ko. waaaaaaah! T-T

Si Shaira nag-post, magkasama sila ni Kyle habang kumakain sa TGI Friday's huhu. Edi sila na. Ni-double tap ko nalang. Hindi ako bitter no. Ayoko na nga. In-off ko na ang phone ko at hinintay mag start ang movie.
-
Damn -_-
Buong movie ay hindi ko naintindihan. Pano ba naman e yung nasa harapan ko e parang giraffe. Natatakpan tuloy yung pinapanood. Tss. Natapos ang movie na yung iba nagtatawanan. Samantalang ako, parang naki upo lang sa loob. Badtrip naman.

6:00pm na natapos ang movie. Haist. Nagugutom na ako. Naisipan ko nalang kumain sa Sbarro..

Pumunta na ako sa line.

"What's your order ma'am?"

"One slice of sausage and pepperoni, Spaghetti with Chicken Vesuvio, one cheese cake and one raspberry iced tea for dine in."

"Anything more ma'am?"

"That's all" sabi ko at pumunta na ako sa table ko.

Dumating rin naman agad ang in-order ko at kumain na ako. Napapaligiran ako ng mga couple dito. Nubayan. Matagal pa naman ang Valentine's saka na kayo maglandian.

Pagtapos kong kumain ay hiningi ko ang total then nagbayad na rin ako at umalis na. Tinext ko and driver ko para sunsuin ako. Ayoko ko nang mag commute. Lalo sa sa jeep. -_-

Umupo muna ako bench habang naghihintay. Habang naghihintay ako ay nakita ko si..Kyle. Papalapit sakin? Namamalikmata lang ata ako. Wait. *blink blink* teka.. Sakin talaga siya papunta. Nang makalapit siya ay tumabi siya saken.

"Para kang nakakita ng multo a?" sabi niya.

Omo! Kinausap niya ako!! Kinausap niya ako! air pleasee! I cant breathe lol ^_^

"Ah eh. Hehe hindi a."

"Anong ginagawa mo dito?"

Nakaupo sa tabi mo. Ano pa ba? Napaka ano naman ng tanong neto. Haha.

"Uhmm..nanood lang ng movie then brought some new clothes" at tinaas ko ang mga paper bag na hawak ko.

Tumango lang siya at hindi na ulit nagsalita. Magsalita ka pa Kyle. Landiin mo ako ngayon. Hahaha.

"Ikaw? Anong ginawa mo?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin at nagsalita.

"Nag meet kami ni Shai."

"Kayo na ulit?" i ased.

Muka akong desperada ngayon.

"Not yet.."

Ha? Anong not yet? Nagpabebe pa siguro si Shaira.

"Not yet? Why?"

"She said she needs to think about it. Pero ang alam ko naman ay wala na talaga kaming pag-asa kasi iba ang mahal niya..si Sandrix."

What the? Si Sandrix? Sandrix as in my bestfriend? Oh no!

"Sandrix Fuentes?" i asked.

"Yep. Why? You know him?

"He's my bestfriend"

Mukang nagulat ata siya.

"Can you help me? I want Shaira back."

Napa iling ako. Ang hirap naman neto. Magiging shipper ako ni Kyle at Shaira. Habang ako masasaktan, kasi may gusto ako kay Kyle? Huhu.

"Or just help me to move on.." dagdag niya.

*dug dug dug dug*

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung sinabi niyang 'or just help me to move on'... Weird..

"H-how?" tanong ko sa kanya.

"Be my girl"

*dugdugdugdugdugdugdug*

Dumoble pa ang tibok ng puso ko. Be my girl daw. Ano yun? Gagawin niya akong parang rebound? Medyo masakit pero bakit parang may kung anong tumutulak sa akin na pumayag sa gusto ni Kyle.

"Niloloko mo ba ako?" tanong ko.

"No.Im dead serious, Chanel." sabi niya habang nakatitig sa akin.

==========================
Okay. Ang boring ng update ko haha. Babawi ako sa next chap. Pag naka 10 views ulet. Wait niyo nalang. Thanks xx
-penparanoia

EnigmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon