Bulok na Jeep

47 4 0
                                    

Hanggang ngayon di pa rin ako maka move on dun sa scene kanina sa court. Sa dinami-raming bleachers sa court e dun pa talaga ako sa malapit kina Shaira. Ayan tuloy, nasobrahan ako sa pag expect and pag assume. T-T

"Cha" tawag sakin ni Drix.

"Bakit?"

"Excuse me Ms. Fontanilla? Are you paying attention? I've called you thrice!! Stand up, whats your answer?!" sabi ni ma'am.

Nubayan. Kung hindi lang sana ako nag iimagine e. Teka, ano ba yung tanong.

"Im sorry, whats the question again ma'am?"

"See! You aren't paying attention! Sit down! Your grade is 60!" sabay abot sakin nang detention slip.

Nakakaines. May detention pa ako. Sana sa computer lab lang ako i assign para magtturn of lang ako ng mga pc's. Huhu.

*Dismissal*

Pinauna ko na si Drix. Kesa naman sa hintayin niya pa ako. Medyo matatagalan pa kasi ako e. Ngayon ay naglalakad ako papuntang admin's office. Itatanong ko kung saan ako naka-assign. Hay. Buti naman at sa hallway papunta sa library. Maliit lang don. Tsaka madadalian ako neto. Wihi! Thank you Lord!! Naglalakad na ako papuntang hallway. Natigilan ako sa paglalakad nang may nakita akong lalaking naka ub-ob sa table at parang umiiyak yata. Nilapitan ko..

" Excuse me. Okay ka lang ba?"

Umupo nalang ako sa tabi niya at nanatili parin siyang naka ub-ob.

"May problema ka ba?"

Bigla niyang inangat ang ulo niya. Hala!! Si Kyle pala 'to.

"Umiiyak lang naman ako nang nag-iisa dito. Kaya eto ang tinatawag kong walang problema" sabi ni Kyle at umub-ob ulit siya.

Aish. Ano nga ba kasing klaseng tanong yung sinabi ko. Umiiyak siya malamang may problema siya.

"Ah eh.. Ano bang problema mo? Pwede mo namang i share sakin yan."

Tinaas niya ang ulo niya at tumingin sa akin.

*gulp* i tried to swallow the lump i felt in my throat. Damn. Pogi niya kasi.

"I dont even know you."

" uhm.. Ako nga pala si Chanel." then i smile,"p-pwede ka namang mag open up sakin. Hindi naman ako masamang tao. Mapagkakatiwalaan naman ako."

"Okay then, Im Kyle."

I know. Crush kita pano ko di malalaman yang pangalan mo? Kyle Ethos *o*

"Straight to the point. Nag break kami ng girlfriend ko." naluluha niyang sabi,"ni di niya man lang ako nabigyan ng sapat na rason kung bakit siya bumitaw."

"Would you mind if i ask who?"

"Shaira Dela Cruz"

What the? E kanina lang okay sila tapos ngayon. Anyare?

"Sabi niya, mahal niya raw ako kaya niya ako binitawan. Binitawan niya ako kasi may mas mahal siyang iba at hindi na siya masaya sa pagsasama namin. She's my first love. My first true love."

Ouch. Ansaket naman dun sa part na 'She's my first love. My first true love'.. Andrama naman niya. Ngayon ko lang napagtanto na kahit pogi ay nasasaktan din pala. Sa pisikal na kaanyuan kasi ako tumitingin palagi. Isa iyon sa mali kong gawain, ang tumingin sa pisikal na kaanyuan. Masyado pang mababaw ang pag-iisip ko.

"Nakakalungkot naman. Kahit ako ang nasa kalagayan mo ay ganyan din siguro ang mararamdaman ko. Hindi pa naman ako nakakaranas ng ganyan" sabi ko habang nilalaro ko ang ID case ko.

EnigmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon