Ngayon ang ending ng fairy tale story ko na ako ang writer, ako ang director, ako ang producer, ako ang bida at higit sa lahat, ako pa ang naging KONTRABIDA.
Pagkatapos ng isang taong “I loveyou” na palaging ako ang unang nagsasabi na kahit nakakainis eh iniintindi ko na lang dahil sa mahiyain siya,
isang taong “dates” na kadalasan eh ako ang gumagastos, ako pa ang taya sa pamasahe tapos siya tagalamon lang, nakakapikon pero iniintindi ko na lang dahil mas malaki ang allowance ko kesa sakanya,
isang taong “holding hands” na medyo dinadaan ko pa sa dahas para lang hawakan niya ang kamay ko in public, mahiyain nga kasi talaga siya,
isang taong “hatid-sundo sa bahay”, hatid-sundo ko siya sa bahay niya, pag-pupunta kasi sa school eh madadaanan ko ang bahay niya kaya dinaraanan ko na rin siya at kapag pauwi naman kami, nauuna siya since ilang metro pa ang layo ng palasyo ko sa bahay niya, kaya ayun, nagmukha tuloy na hatid-sundo ko siya,
isang taong akala kong ako lang ang babaeng mahal niya,
isang taong minahal ko siya,
isang taong ginawa ko ang lahat para sa kanya,
isang taong patay na patay ako sa kanya dahil siya ang first love ko,
pagkatapos ng isang taong pagmamahal ko sa kanya….
ang haliparot kong boyfriend eh ipinagpalit lang ako sa babaeng classmate namin na NAPAKA-PANGIT!Sa babaeng yun! Samukhang baklang yun! Sa babaeng parang isinuka ng bulkan ang pagmumukha! Sa babaeng yun? Sa babaeng yun na akala mo tagabundok?!Sa malanding babaeng yun!
Ginawa ko ang lahat para sa kanya ha!Tapos ganito lang ang ginawa niya sa kagandahan ko. Totoo nga talaga…Daig ng malandi ang maganda.
Bwiset na lalakeng yun. Di ba niya alam na nasaktan ako.I mean medyo lang…Medyo…
Medyo masakit sa bangs!
Kaninang umaga, pagkatapos niyang sabihin ang mga linyang “I’m breaking up with you because Jelly is already my girlfriend”, sinubukan ko siyang kausapin, sinubukan ko siyang tanungin kung anung naging mali ko at bigla-bigla niya akong ipinagpalit sa haliparot na classmate ko, pero alam niyo ang sinabi niya?
“Tama na Sheena, nakakasakal ka na. Wag mo na kaming guluhin.”
Wow ha? Ang tarantado ginawa pa akong kontrabida sa kwentong ito! Lubayan daw sila? Hello? Ako ang iniwan. Bakit ako ngayon ang dapat na tumigil? At bakit ako pa ang nakakasakal ngayon when in fact eh ibinigay ko lahat ng kalayaang gusto niya nung kami pa. Kaloka ka kuya! Ang sarap mo ibaon!
Medyo masakit sa bangs talaga. Hindi ko alam pero bangs ko talaga ang sumasakit. HAHA.
Syempre, kahit sino naman eh masasaktan kung ang taong minahal mo sa loob ng isang taon eh basta basta ka na lang ipinagpalit sa iba. Ang masaklap pa, kahapon eh magkasama pa lang kami sa sinehan, at ang hinayupak kong EX eh nagyaya pang mag-zip line, tapos ngayong araw lang malalaman kong girlfriend na niya ang Jelly na yun. Ang mukhal Jelly-FISH na yun! Isang araw lang, wala ngang 24 hours eh napalitan agad ko? Shit lang ha? Kung alam ko lang, itinulak ko na sana siya sa bangin kahapon nung nagzi-zipline kami!Nakaka-stress ng sobra.
If it only took him one day to find a new girl, and if it only took him one day to forget that one year, oh well, sige! ISANG ARAW LANG DIN ANG KAILANGAN KO PARA PATAYIN SIYA! (Evil laugh)
Kidding.
Hindi ko kelangang mag-act like “revenge of the fallen” o kaya naman ng “ako’y babangon mula sa hukay” o kaya’y “bukas luluhod ang mga tala”.