Chapter 6:

22 2 0
                                    


Chapter 6
The Stories Behind
Our Family





Nung araw na sinabi saakin ni Nhiel ang tungkol sa mga bampira, taong lobo at mangkukulam ayokong maniwala!

Eh sino ba naman kasing naniniwala sa mga bagay na yan? Paniniwala lang ang mga yan, ibig sabihin, hindi totoo.

At saka imposibleng bampira sina Xavier, Levi, at Cross! Minsan ko na silang nakasama magsimba kasama si Lolo!

Nakita ko na rin na kumain sila ng bawang at higit sa lahat, matagal na silang naaarawan!

At kung sakaling bampira nga sila, edi sana bampira din si Lolo diba? Pero hindi! At imposibleng mangyari yun!

Siguro sadyang baliw lang talaga si Nhiel! At yung magic na ginawa niya, paniguradong imahinasyon ko lang yun.

Baka something na may kinalaman sa science yung nangyari.


Tok! Tok! Tok!


"Mam, gusto daw po kayong kausapin ni Don Fajardo!" sabi ng kasambahay.

"Sige, susunod na lang ako." sabi ko.



Inayos ko na ang sarili ko at nagpunta na sa opisina ni Lolo! I wonder kung ano nanaman ang itatalak niya saakin!




"Lo? Kakausapin mo daw ako?" tanong ko sa kanya saka umupo!

Naglaway nanaman ako ng makita ko ang dark red apple sa table niya.

"Yes Iha. I want to tell you something important! At please lang, sana maniwala ka sa sasabihin ko! Gusto lang kitang ihanda sa mga pwedeng mangyari sayo." sabi niya.

Woah! Hold on! Parang may kakaiba akong nararamdaman dito ah. Grabe, parang nakaupo ako ngayon sa hot seat ni bossing! Okay lang sana kung may prize money dito ehh..

"Okay Lo! Ano ba yung sasabihin niyo? Ganun ho ba talaga kahalaga yan?" tanong ko sabay kagat sa apple!

"I am a Vampire! And so as the three idiots!" sabi niya.
.
.
.
.
.
.
.
Okay? Totoo ba yung narinig ko? Bampira si Lolo?!
.
.
.
.
.
.
.
"HAHAHA HAHA!!! LOLO! ano nanaman bang klaseng biro toh?! Ahahah!!! Hanep! Benta saakin ah! Haha!! Pfft!" sabi ko habang humahagalpak sa tawa!

Nung una si Nhiel, ngayon naman si Lolo! Srsly!??! Masyado na ba silang naadik sa mga mythological creatures na yan?

"Inaasahan ko ng mangyayari ang bagay na ito! Pero please, iha. Kailangan mong maniwala!" sabi ni Lolo!

"Lo! Bukod sa pagiging comedian, pwede na rin kayong maging best actor! Hahaha!" -ako.

Merong part sa isip ko na parang pinaniniwalaan ang sinasabi niya pero pinipigilan ko iyon dahil ano bang malay ko kung niloloko lang ako nito ni Lolo.

"Iha, walang nakakatawa sa sinabi ko! Kailangan mong maniwala saakin!" pamimilit niya.

Ha...ha...ha... Okay? Mukhang nagagalit na si Lolo.

"Pero Lolo naman kasi, gusto niyong oaniwalaan ko yung bagay na imposibleng mangyari! Bakit Lo? May proweba ba kayo?" sabi ko na dapat pala, hindi ko na lang sinabi.

"Proweba? Hala sige! Pumunta ka ngayon sa kwarto ni Cross! Siya ang magpapatunay ng lahat ng sinabi ko!" sabi niya.

Yung apple ko, hindi ko na namalayan na naubos ko na pala! How is this possible? Eh halos nakailang kagat pa lang ako dito!?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Vampire's Evil SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon