CHAPTER 3
Palabas na ako ng subdivision. Pagod at inaantok na ako. Tapos ang layo pa ng nilakad ko. Hayyyy.
"Sir. Ano pong hinahanap nyo dyan?"
"Yung...yung butones ng damit ko natanggal"
"Butones? May butones ba yang damit mo sir?'
"Ah..eh . Oo, meron yan. Tarang maghanap!"
Napangiti ako habang pinapanuod yung medyo may edad na lalaki at yung driver nya na naghahanap ng butones sa kailaliman ng gabi. Napansin nila atang nakatingin ako kaya tinawag nila ako.
"Ah miss pwede mo ba akong tulungan? Nawawala kasi yung butones ng damit ko eh"
Tumingin naman ako sa damit nya, Teka? May butones ba ang t-shirt?
"Eh? Butones po? Eh wala naman pong butones ang tshirt " -ako
"Oo nga po mam eh. sinasabi ko rin yan kay sir kanina eh."-manong driver.
"Ah.eh..hehehe may uso yun ngayon. Nga pala iha, ako si joseph at sya naman ang driver slash bodyguard slash bestfriend ko si Berting."
"Hello po. Ako po si Yana :)) Sige po tutulungan ko na lang kayong hanapin yung butones nyo."
Nagsimula na nga kaming maghanap. Mahirap kasi madilim na. Tas isang poste lang yung ilaw dun. Actuallu wala na akong Makita. Pero wala naming masama kung tumutulong ka diba?
Joseph POV
Naku mukhang hinahanap nga nya yung butones na sinasabi ko. Paano ba yan wala naman talagang butones ang suot ko eh naka-tshirt lang naman ako.
-_____-
Ay! Sorry! Nagpo-pokerface ako. Nahawa na ata ako sa anak ko eh. Lagi pag kausap ko yan -____- ganyan mukha lang ang sagot nya. It hurts you know T.T
"Psst! Berting. Halika rito" pabulong kong sabi.
"Bakit sir?"
"talikod ka." Tumalikod naman sya. Mabilis na hinatak ko yung butones ng uniform nya. Heheh ayos to.
"Sir bakit nyo po pinatalikod?"
"Ah eh. Kasi ano. Ang cute kasi ng likod mo. Hehehe ^___^V"
Pasimpleng hinagis ko yung butones na nakuha ko kay berting at tinapon malapit sa lugar kung saan naghahanap si....si
"Berting, ano ulit pangalan nya?' turo ko sa babae.
"Si sir talaga makakalimutin na.. Yema ang pangalan nya."
"Yema? Yun ba yung matamis na kwan?'
"Oo ata sir. yun ata yung kwan."
"Ang galing mo talaga berting!" nag-apir kani. Bestfriend ko na si berting since birth. Nagkakasundo kami kasi parehas kami ng kwan.ng ano. Ng iniisip.
"Nahanap ko na po!" sigaw nung si yema sa amin.
"Buti naman nahanap mo iha.'
"wala ho yun. Pero talaga ba yan yung butones na hinahanap nyo?"-yema
Tiningnan ko yung butones. Hindi nga bagay sa suot ko. Huhuhu ang panget pala ng kawan sa akin. Kasi naman si Berting eh. Bukas na bukas papalitan ko na yung uniform nya T.T

BINABASA MO ANG
I'm his Slave... UNFORTUNATELY his Girlfriend! (Slow Update)
Teen FictionKung akala nyo madaling intindihin ang ka-alienan nyang utak. Mahirap talaga. Hindi madaling makipag-usap sa taong dadalawa lang ata ang alam na reaksyon ng mukha. Una, ganyan -____-. Pangalawa +_____+. How nice lang eh noh?. Pero wala naman akong c...