Alyana's POV
"Pabili nga pong ice cream" nag-abot ako ng bente pesos kay kuyang nagtitinda ng ice cream.
"Magkano ho?" tanong ni kuyang ice cream
"20 ho" sagot ko at binalik ko yung wallet ko sa bag.
"Anong flavor?" nag-angat ako ng tingin. Bat ang dami nya atang tanong? pansin ko lang.
"cookies and cream tsaka yung strawberry na lang po"
"sa apa o sa cup na lang?"
"Apa na lang po"
"Gusto mo---" may sasabihin pa sya pero pinigilan ko.
"May sasabihin pa kayo kuya -____-" cold kong sabi.
"Hehehe wala na. Ito oh." nanginginig parin syang inabot sa akin yung binili kong ice cream. Napapansin ko lang mukhang may natatakot pag nagiging cold ang tingin at attitude ko.Una, sila tito joseph at mang berting sa hotel tas ngayon si kuyang nagtitinda ng ice cream. Ganun ba ako nakakatakot tumingin?
in the end hindi ko nasagot ang tanong ko kaya lumakad na ako para maghanap ng bench na uupuan. Nandito nga pala ako sa park. Namiss ko to infernes. 2 araw pa lang ako sa pilipinas pero di ko akalaing ito agad ang mapupuntahan kong lugar. siguro may something talaga dito sa lugar na to...
Nakakita naman kong vacant na bench na wala masyadong tao. Binilisan ko lakad ko baka kasi may mauna pa sa aking maupo.
"Tss. nauna ako sayo. -___-"
sinasabi ko na nga ba eh. Wala na bang gentleman sa mundo? Speaking of gentleman. Hindi pala gentleman ang isang to.
"Ang bait mo talaga eh no?" sarcastic na sabi ko sa kanya. Wala pang isang araw makikita ko na naman tong mayabang na lalaking to. Masyado na bang occupied ang space sa mundo at bawat punatahn ko lagi kaming nagkikita? T.T
"Hindi ko alam kung compliment yan pero thank you parin" tinaggal nya yung shades nya. So far. Ito na ang pinaka-mahabang sinabi nya sa akin. Normal parin pala tong tao na to noh -__-. Pero ang tanga parin nya talaga.
"Che! Alam mo ba yung word na sarcastic? Sarcastic pagkasabi ko hindi compliment! " at sinigawan ko sya. Aish, Wala talagang common sense! Nagawa pang mag-thank you eh nag-aasar na nga ako. Peste -____-. In the first place ako yung nang-aasar pero lumalabas tuloy ako ako ang naaasar.
Huminga muna ako nang malalim bago may magawa pa akong masama sa kanya. Nakita kong may space pa naman sa inuupuan nya kaya lumapit ako dun. dun na lang ako mauupo tutal malaki naman tong bench.
Lalapit na ako ng i-extend nya yung paa nya at ipinatong sa vacant space nung upuan.
"Nag-aasar ka ba talaga?"
"Tss. -____-"
Here we go again. Back to normal na namn ang pag-tss nya -____-. Peste talaga! sarap nyang sabitan ng karatulang "MAN OF FEW WORDS" -________-. Minsan na nga lang mag-salita wala pang sense.
"Paupo" sabi ko at tina-try kong alisin yung paa nya para maka-upo ako. Kasi naman biglang dumami ang tao kaya occupied na lahat ng upuan. NIce timing talaga. Magtya-tiyaga tuloy akong pakisamahan tong lalaki to.
"No." ako rin ang sumuko ng hindi ko maalis yung paa nya. ano ba yan ang hirap buhatin ng paa nya. Ang bigat. May hawak pa kasi akong ice cream eh.
Bigla naman akong may naisip na briliant idea. From the word "ice cream"
"Ayaw mo ah... Itong sayo" tas binagsak ko yung hawak kong ice cream sa sapatos nya. Hahahaha Nice one yana!. Pero sorry talaga ice cream ko. Babawi na lang ako sayo, oh mahal kong ice cream T.T
Taas noong tiningnan ko sya. Napaatras naman ako nag parang may dark aura akong nakikita habang ang sama ng tingin nya.
"Takbo." napatili ako ng may humakwak sa kamay ko at hinila ako para tumakbo. Gusto ko sanag sumigaw ng rape pero naisip kong ayos narin to para makatakas ako sa man of few words na lalaking yun.
Napansin kong palabas na kami ng park pero tuloy parin sya sa pag-hatak sa akin. tina-try ko nang tanggalin yung kamay ko pero mas lalo nyang hingpitan.
Huminto kami sa may tapat ng nagtitinda ng isaw. Akala ko hindi na sya hihinto. Hayy, nakakapagod parang may humabol sa aming aso buti na lang hindi ko naisipang mag-heels at nag-rubbershoes ako -______-.
"Hindi mo dapat ginawa yun." humarap sya sa akin at seryosong tingnan ako.
Waaah! Ang gwapo nya *_____*. sya na ba yung knight and shinning, shimmering armor ko? hohohoho kiligmats <3. Siguro dahil narin sa pag-daydream ko hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.
"pero I admire you on doing that to Alexander" at bigla syang ngumiti. Wohohoho! Heaven /^____^\
Pero teka....
Alexander? yung lalaki kagabing pinalayas ako sa bahay ko at ang yung antipatikong lalaking inunahan ako sa upuan? Magkakilala sila? Oh noh.....
"I'm Troy. Troy Alvarez. Kaibigan ko si Alexander " wala sa sariling nakipag-shake hands ako sa kanya. So tamang akong magkaibigan sila. Ang saklap ng buhay.
"Okay ka lang?" tumango na lang ako. At nag-thank you sa pagliligtas nya sa akin kanina sa alexander na yun.
"Salamat ulit ha. Sige alis na ako." nag-babye ako at nagsimula ng lumakad palayo.
"Miss!"
"Miss!"
"Miss, sandali!"
medyo malayo na ako pero rinig kong may sumisigaw kaya tumingin ako sa likod. Nakita ko syang sumisigaw sya at kinakawayang tinatawag ako.
I muttered the word "bakit" sa kanya at sumigaw ulit sya.
"Anong pangalan mo?"
"Ha?" Sumigaw na rin ako kasi hindi ko maintindihan yung sinasabi nya.
"Name. Pangalan mo" sigaw nya ulit.
Ahh pangalan ko pala. hohoho tinanong nya pala pangalan ko <3 Kiligmats!
Kahit medyo pinagtitinginan na kami sa ginagawa namin. Sumigaw parin ako ng "Yana" at ngumiting tumalikod na sa kanya. Hohohoho /^_^\ May bago na akong crush <3
Troy Alvarez? Nice name huh!...
Full of energy pa akong lumakad kahit di ko alam kung saan ako papunta habang nakanta ng isa sa favorite song kong call me maybe....
♫Your stare was holding, Ripped jeans skin was showing, Hot night wind is blowing. Whe--.......♫
Hindi pa ako nakakarating ng chorus ng biglang napatigil ako nang may humarang sa dinadaanan ko.
.
.
.
"Where do you think youre going?"
O_________________O
Oh Bakit! Hindi. Hindi ito maaari. BAkit sya nandito? Bakeeeeeeeeeeet? T.T
----------
Ayun na eh. Nakatakas na ako. Ayos na sana. May nagligtas na nga saking knight and shinning shimmering gwapong guy eh. Pero bat ganun? Ang malas malas ko ata pati si destiny pilit kaming pinagkikita -______-
PS: Pag nabasa mo to. 100% sure paniguradong buhay pa ako. Pero sa susunod na chapter sana... buhay pa talaga ako T.T huhuhuhuhu HELP!!
-Yana

BINABASA MO ANG
I'm his Slave... UNFORTUNATELY his Girlfriend! (Slow Update)
Teen FictionKung akala nyo madaling intindihin ang ka-alienan nyang utak. Mahirap talaga. Hindi madaling makipag-usap sa taong dadalawa lang ata ang alam na reaksyon ng mukha. Una, ganyan -____-. Pangalawa +_____+. How nice lang eh noh?. Pero wala naman akong c...