Chapter 8

14 0 0
                                    

Jonathan POV

Patuloy parin akong nakikinig sa pagaaway nila . Inaaya na ako ni chris na umalis pero sabi ni jing na hindi naman kami halata kaya nandito parin kami .

Prince: Please abi maniwala ka saakin . I'll show you everything . Ieexplain ko sayo . Maniwala ka lang sakin .

Abi: Matagal mo na saaking nasabi na nagloloko siya pero wala wala kang ebidensya .

Prince: Sige . Sasabihin ko na ipapakita ko na . Just please stop crying . Nasasaktan ako pag naiyak ka .

Lumapit si prince at pinunasan ang mga luha ni abi.
Yinakap niya ito at inakbayan.

Prince: Sorry . Sorry abi . Bukas malalaman mo na ang lahat. *sabay kiss sa tuktuk ng ulo ni abi*

At pumasok na sila sa loob ng bahay ni abi.

Chris: Bakit ganun di ko maintindihan?

Nath: Diko rin alam eh.

Jing: Oo narinig ko ng malinaw yung usapan nila sumisigaw ba naman eh . Pero di ko parin maintindihan .

Biglang dumating ang mama ni Jing.

Jing: Oh ma. Papasok ka na ?

Mama: Oo nak . Pakibigay nga to sa mama ni abi kilala mo naman yun diba . Eto na nga eh nasa tapat na kayo hahaha! Pakidala malelate na ako eh . *abot ng pagkain at mga files* alam na niya yan .

Jing: Okay po sige . Ingat po kayo mama.

Chris/Nath: Ingat po kayo tita.

Mama: una na ako mga anak ha . Wag kayong maloko haha .

Ngayon problem is solved . Makakapasok na kami sa bahay ni abi at baka may malaman kami .

*knock knock*

Mama ni abi: Oh jing,jonathan at chris bakit andito kayo?

Jing: Pinapabigay po ni mama to . Malelate na po siya sa trabaho eh kaya ako na po ang nagbigay.

Mama ni abi: Sige pasok muna kayo . Kain muna kayo .

Chris: Ay nakakahiya po . Si jing lang po kilala niyo di po kami.

Mama ni abi: Okay lang, nakwento kayo sakin ni abi na kayo daw bago niyang nakilala dito .

Chris: ay hehe .

Pumasok kami at umupo sa sofa nila. May kaya sila . Mahirap lang kami eh . Malamig rin dito sa loob.

May dala dalang pagkain ang mama ni abi . Mga cake,donut at hot chocolate . Dahil medyo malamig ngayon dahil umuulan.

Pagkalapag ng pagkain umupo ang mama niya .

Mama ni abi: Salamat jing ha. Pakisabi sa mama mo kailangan talaga to ni abi.

Jing: Okay lang po.

Prince: Tita. *tingin samin* Ay hi bros! Tita gamot po . Nilalagnat na naman si abi.

Mama ni abi: Baka dadalawan na naman si pya prince magtago tago ka na.

Prince: Hindi po pwede kailangan kong tiisin si abi. Nagtatampo na ata sakin .

Mama ni abi: Syempre prince isang buwan di rin kayo nagkasama. Ngayon ka nalang bumalik alam mo naman na bantay sarado kaya yan.

Prince: Tita favor sana, hayaan niyo na po si abi matagal narin po yun eh. Ako na po bahala sakanya andito na naman po ako..

Mama ni abi: Ikaw nagsabi niyan. Sabi mo lang naman na bantayan siya ulit dahil magbabakasyon kayo ni vanessa. Pero sige. Salamat prince ha.

Prince: Sige po tita . Sige bro lutuan ko lang ng pagkain si abi. May sakit eh.

Hanggang ngayon naguguluhan parin ako di ko alam ang pinaguusapan nila .

Jing: boyfriend po ni abi ?

Mama ni abi: Hindi walang boyfriend si abi. Bestfriend niya yun . Tiwala naman ako dyan kay prince. Malaki ang nagawa niya kay abi. Siya ang nagpabago sa panganay namin. Saka kung wala lang girlfriend si prince sigurado kong magkakatuluyan silang dalawa. Sayang at hindi pwede.

Chris: Ano pong ibig niyong sabihin?

Mama ni abi: Hay. Tutal matagal narin to. Ikwekwento ko na rin.

Flashback

Nung mga bata pa sila abi mga highschool. Kinse ayos lang siya nun . May nakilala siya na lalake na hindi kagwapohan basagulero walang gana sa pagaaral puro laro laro lang. Napagalamanan ko ring nagaadik ito . Hindi ko alam naging magkaibigan sila. Pinagbantaan ko si abi na may gusto sakanya yun. Sabi naman ni abi magkaibigan lang sila at wala naman daw . Hanggang tumagal nabisto ko na may relasyon sila. Ilang beses ko na siya nahuli pero hindi parin niya tinitigilan yung lalaking yun . Ako na ang sumusuko . Pero nagpapasalamat ako dumating si prince sa buhay niya. Hindi ko alam pero sumusunod sakanya si abi . At si prince hindi ko alam pero nalaman niya ang sikreto ni abi. Matagal narin pala niyang pinagbabantaan ang anak ko nahiwalayan niya ang lalaking yun pero hindi siya sinusunod . Kaya nagdesisyon si prince na sabihin sakin . At dun na nagtapos ang sikreto ni abi . Hindi niya na muling binalikan ang lalaking yun. At ngayon bantay sarado siya ni prince.

End of flashback

Nath: Naiintindihan na po namin ngayon.

Jing: Yun pala ang kwento.

Chris: Alam ko na kung bakit nagaaway sila kanina.

Mama ni abi: Madalas parin nilang pagawayan yan pero pinagkakatiwala ko na kay prince ang bagay na yun.

Prince: Abi nagiging abnormal ka na naman!?!!

Abi: Wala akong pake sayo. Magmamall ako.

Prince: Ang taas nga ng lagnat mo eh magmamall ka pa!!!

Abi: Ayoko lumayo ka sakin.

Prince: Mariaaaaa!!!

Abi: MARCCCC!!!!

Tumakbo si abi palabas ng bahay at kinalabog ang pintuan

Mama ni abi: Nagaaway na naman ba kayo?

Prince: Tita si abi papaiyakin ata ako sa kulit . Ayoko na. Jusko abi sorry na.

Mama ni abi: Hay naku prince wag sakin sakanya.

Abi, may pagasa na ulit ako sayo alam ko na ang kwento mo .

END

Don't forget to vote and comment!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SYOTA PALA KITA ? Ft. KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon