NANG IKA'Y UMASA

183 4 0
                                    

Title: 'Nang Ika'y Umasa
Author: AchiFigDre (Isha Borja)
Genre: One-shot, Slice of Life, Young Adult
Rating: PG-13



"PWEDE BANG MANLIGAW?"

Tila ba may kampanang malakas na humampas sa tenga niya. Natitilili siya sa naririnig. Para bang isa itong katanungan na sa panaginip niya lang pwedeng marinig. Pero hindi, kasi noong kinalabit siya ng bestfriend niyang si Antonette nagising siya sa katotohanan. Totoo talaga. Hindi lang basta-bastang panaginip.

Napatingin siya sa likuran niya, kung nasaan nakatayo ang bestfriend niyang si Antonette. Nag-aantay ata ng sagot niya. At the same time, lumiko rin ang paningin niya sa harapan niya, sa lalaking nagtanong sa kanya ng di kapani-paniwalang tanong na iyon, ang mga mata nito ay malamlam. Nakatingin sa kanya noong una, ngunit nang mahuli niya, binababa rin kaagad. 'Di mo mawari kung ano---Is he expectant? Or perhaps, afraid of what may her answer be?

May butil ng pawis sa noo nito na para bang nabuhusan ng tubig.

Winaglit niya ang isipang iyon. Nanginginig ang kamay niyang may hawak sa notebook na pinagsusulatan niya ng notes kanina. Maging siya'y natatakot harapin ang lalaking nakatayo sa harapan niya, isa pa, hindi talaga siya makapaniwala, hindi rin niya alam ang isasagot, minabuti na lang niyang tignan ang bestfriend niya. "Huh? Ano 'yon, Antonette?"

"Ang sabi ko, hindi ka ba sasabay ng lunch sa akin? Nag-ring na yung bell."

Hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan, bagkus, tumingin siya lalaking nasa harapan niya. Pero hindi niya ito tinitigan sa mata, natatakot kasi siya sa kung anong makikita. Baka kasi niloloko lang siya nito. Baka jino-joke time lang siya nito. Napaka-imposible!

The best solution to the situation is to run away, so she did.

"Ah hindi, sasabay ako. Tara na." Hinila niya ang kaibigan.

"Bye, Gico." Kumaway siya sa lalaking nasa harapan niya for the last time, ngumiti rin siya rito.

Gawd, what was that?!

❀❀❀

ITALYA, sabihin mo nga sa akin. Ba't parang nilalayuan mo ata si Gico? Akala ko ba close kayo 'non. Nakakapagtaka lang, 'di ko na kayo nakikitang nag-uusap at nagtatawanan kagaya ng dati. Anong meron?"

Dahil sa narinig na pangalan ni Italya, awtomatikong napahinto siya sa pagsubo ng banana cue na binili niya kanina sa school cafeteria. Nakatambay sila ngayon sa Junior's Park; nasa isang shade sila, nakaupo at kumakain ng meryenda. Vacant nila dahil MWF lang naman ang TLE subject nila, Thursday ngayon. And that means, one week na ang nakakalilipas sa insidenteng hanggang ngayon 'di pa rin siya makapaniwala.

Sasabihin ko ba sa kanya?

"Ah, wala 'yon. Naisip ko lang kasi parang kinukuha ko ata' yong time niya sa mga barkada niya. Isa pa, nami-miss ko na rin 'yong bonding time natin kaya dumistansya ako ng konti sa kanya. Nakakahiya naman kasi sa mga kaibigan niya. Baka may masabi sila."

Close kasi sila ni Gico dati. As in! Nagtatawanan sila, nagkwekwentuhan at nagbabangayan pa sa mga bagay-bagay. 'Yong tipong, nagseselos na minsan iyong mga kaibigan niya dahil mas marami daw siyang time kay Gico kesa sa mga ito. Napagkakamalan na daw silang magsyota. Pero ang totoo niyan, nag-eenjoy lang kasi siya sa company ni Gico. Kasi ito' yong hinahanap niyang kuya. Wala kasi siyang kuya, puro kasi sila babae. Apat na babae. Siya pa ang bunso.

"Naah! Hindi naman. Isa pa, alam naman naming naghahanap ka ng kuya. Kaya ok lang. Ewan ko lang sa barkada ni Gico."

Um-oo ka na lang, Antonette. Nakokonsensya ako sa paglayo ko 'don sa tao. Argh! Ba't kasi sinabi pa niya yun? Ang awkward tuloy.

Nang Ika'y UmasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon