Chapter 2:

5 0 0
                                    

"Sorry pero ayoko pa din kayo maging kaibigan. Alis na ako" Yun lang sinabi ko at mabilis na akong umalis. Makauwi na nga lang.

Mabilis na akong naglakad palabas ng gate ng school dahil gusto ko na umuwi at matulog.

Malapit na ako sa street namin ng maalala ko na ginagawa nga pala yung kalsada samen kaya kailangan ko umiikot. No choice kailangan ko dumaan dun sa medyo madilim na eskinita.


Papasok na ako sa eskinita ng bigla akong may nakabangga..


"Aray ko. Ano ba?!" Sigaw nung lalaki saken. Matangkad siya pero mataba at may malaki na tiyan. Puro tattoo at piercing din ang buong katawan niya.




"Ikaw na nga nakabangga ikaw pa galit!" Sigaw ko din sakanya. Nakakainis siya na nga yung hindi tumitingin sa dinadaan niya tapos siya pa galit. Aba ayos sya ah!




"Aba okay ka miss ah. Matapang ka. Yan ang gusto ko sa babae palaban. Sexy ka din at maganda pwede ng ulam ko ngayon! Tara dito!" Bigla na lang niya akong hinila papasok doon sa eskinita.




"Ano ba bitawan mo ko!!!!!!!" Nagpumilit akong pumiglas dahil alam ko na masama ang balak nyang gawin saken, kaso wala akong magawa lalaki sya at babae ako.




"Miss pagbigyan mo na ako first time ko lang makakatikim ng kasing ganda mo" sabi nya.




Bigla akong kinilabutan sa sinabi nya kaya mas lalo akong nagpumiglas. First time kong matakot ng ganito.



"Bitawan mo kong manyak ka!!!!!!! Sinabi ng bitawan mo ko eh!!!!!" Sabi ko. Sumigaw lang ako ng sumigaw pinilit kong makawala sakanya pero sadyang napaka lakas niya.

Mas lalo akong kinilabutan nung pinapasok na niya ako sa isang apartment.




"Tulong!!!!!!!!!!" Sumigaw ako ng sobrang lakas umaasang may makakarinig saken at tutulong. Ito ang kaunaunahang beses na humingi ako ng tulong. Unti unti na akong nawawalan ng pag-asa....






"Bitawan mo siya!"






Nagulat ako ng biglang may sumigaw. Agad ko itong nilingon at nagulat ako ng nakita ko kung sino...


"At sino ka namang totoy ka?! Wag kang makialam dito!" sigaw naman nung lalaking may hawak saken





Isa siya sa pinakilala saken kanina. Hindi ko nga lang matandaan ang pangalan niya.



Bigla siyang ngumisi at nagsalita...



"Sino ako? Calvin Dale ang pangalan ko at kaibigan ko yang hawak mo kaya bitawan mo siya." sabi nya



Nagulat ako sa sinabi niya. Kaibigan niya ako?



"Aba bata! Ang tapang mo ah may ibubuga ka ba?! Tara labanan mo ko! Pag natalo mo ko ibibigay ko tong babaeng to, pag hindi pasensyahan tayo iuulam ko na tong babaeng to!" Bigla akong tinulak nung lalaki dun sa Dale na yun.



Natumba ako sa harap nung Dale. Tinayo naman niya ako pero nabigla ako sa susunod niyang ginawa.... niyakap niya ako. Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita..



"Pumikit ka." Yun lang ang sinabi niya, hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko sya.



Pumikit ako ng mariin. Naramdaman ko na lang na inaalis niya yung pagkakayakap niya a



Ang susunod ko na lang narinig ay yung mga palitan nila ng sigawan at murahan.

Matapos ang ilang minuto bigla na lang tumahimik. Naramdaman ko na lang na may papalapit saakin. Sa takot ko hindi pa din ako dumilat.



Nagulat ako ng maramadaman may humawak sa mukha ko. Pagdilat ko nakita ko yung Dale.



"Okay na." Bigla siyang ngumiti saken. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko naweirduhan ako sa sarili ko pero pinagsawalang bahala ko yun.

Tumingin ako dun sa manyak. Napanganga ako sa nakita ko. Yung manyak nakabulagta na at walang malay! Pano nya nagawa yun?




"Nagaaral kasi ako ng Judo mula elementary hanggang ngayon kaya marunong akong lumaban" sabi nya.




Napalaki yung mata ko. Mind reader ba sya? Pano niya nalaman ang iniisip ko?




"Hindi ako mind reader sadyang halata sa facial expression mo kung anong iinisip mo." sabi nya.



"Ahh okay. Sige uwi na ako" sabi ko. Gusto ko sanang magpasalamat sakanya dahil sa pagliligtas nya saken pero nahihiya kasi ako.



Lalakad na sana ako paalis na bigla nyang hawakan ang kamay ko.



"Wait lang Scarlet gamutin naten yang mga sugat mo" sabi nya.



At binigyan nya ako ng ngiting biglang nagpabagal ng mundo ko...

Till the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon