Chapter 4:

2 0 0
                                    

Pag katapos kong magpasalamat sakaniya sinimulan na niyang gamutin ang mga sugat ko. Ewan ko ba sobrang gaan ng loob ko sakanya.


Ngayon ko lang natitigan ng malapitan ang mukha niya. Hindi maitatanggi na ang gwapo niya lalo na pag malapitan. Medyo magulo ang buhok niya pero bagay sakanya. Color brown ang mga mata niya may mahaba siyang pilik mata ang tangos din ng ilong niya at ang pula ng mga labi niya. Napaka perperkto ng mukha niya wala nga siyang kahit isang pimples eh. Matipuno din siya at sa tingin ko mga 6'3 ang height niya....







"Hey stop staring baka matunaw ako niyan" ngumisi siya ng parang nangaasar. Sinamaan ko siya ng tingin. Sapakin ko kaya to para masaya.



"Joke lang naman. Ang cute mo" Tumawa siya na lalo kong kinainis!!!



"Pag sinapak kita tignan naten kung matawa ka pa" hindi ako nagbibiro kaya ko talaga siyang sapakin.

"Sadista ka palang babae. Kakaiba ka talaga" sabay kindat saken. Ang galing mangasar ng lalaking to sobra


Pinabayaan ko na lang siya at di na nagsalita.






"Ayan tapos na. Naggamot ko na lahat ng sugat mo" Hay salamat pagkatapos ng ilang minuto natapos din siya.

"Uuwi na ako." medyo madilim na din kasi at gutom na ako.



"Ihahatid na kita at hindi ka pwedeng tumaggi. Mamaya kung ano nanamang 7 sayo diyan eh." sabi niya. Dali dali siyang lumabas ng pinto, Bubuksan ko na din dapat yung pinto pero nagulat ako nung pinagbuksan niya ako ng pinto. Hanggang ngayon naiilang pa din ako sa mga kinikilos niya. Hindi naman ako sa sanay sa ganito.



"Oh Scarlet okay lang ba? Tanong niya.


"Oo okay lang ako. Tara na" Mawawala din siguro tong pagkailang ko sakanya.





Naglakad na kami papunta sa bahay. Tahimik lang kaming naglakad papasok dun sa eskinita kanina. Medyo kinakabahan pa din ako sa pagpasok ko dun. Nabigla ako nung inakbayan ako ni Dale.




"Wag ka kabahan nandito lang ako hindi kita papabayaan" hindi ko alam kung pano niya nagagawa na pakalmahin ako. Naweweirduhan na talaga ako sa mga nararamdaman ko.


Pinili ko na lang hindi magsalita hindi ko rin tinanggal ang pagkakaakbay niya saakin dahil aminin ko man o hindi nakakaramdam ako ng safety sa tabi niya.

Makalipas ng ilang minuto nakarating na kami sa bahay.


"Ito na yung bahay namin. Uhmm.. ah.. uhmm Dale salamat ulit sa pagtulong, sa pag gamot sa sugat ko at sa pag hatid saken dito sa bahay" Nahihiyang sabi ko. Hindi pa rin talaga ako sanay magpakita ng emosyon sa tao.



"Wala yun. Sige hindi ako aalis hanggat hindi ka pa nakakapasok" sabi niya. Tinitigan ko siya para sana malaman kung seryoso ba siya sa sinabi niya pero sa hindi malamang dahilan bumilis yung tibok ng puso ko. Hala! Mukhang may sakit na ako sa puso ah.





"Ahhh sige pasok na ako." Sabay talikod. Gusto ko sanang sabihin na magingat siya kaso nahihiya ako. Hay! Bahala na nga.







"Uhm Dale.... ano... ahh... Ingat ka!" pasigaw na sabi ko sabay pasok sa bahay. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko grabe! Mukhang kailangan ko ng magpacheck up ah.








Aakyat na sana ako sa kwarto ko ng tinawag ako ni Papa.





"Anak saan ka galing bakit ginabi ka na?"


Hinarap ko siya. Ayoko talaga siyang kausap.


"Diyan lang sa tabi tabi" sabi ko sabay talikod at hakbang sa hagdanan. Hindi pa ako nakakadalawang hakbang ng naramdaman kong hinawakan ni Papa ang braso ko.





"Jusko anak! Anong nangyari sayo?! Bakit puro pasa at sugat ka?!" Pasigaw na sabi ni Papa. Tinitigan ko siya, halata sa mga mata niya nagaalala siya saken.


"Wala muntik lang ako marape" plain na sabi ko. Ayoko ng gawing big deal to dahil pagod na ako at gusto ko na magpahinga.


"Ano?! Muntik marape lang?! Sino gumawa sayo nito?! Pano ka nakatakas?" Papa.

"Hindi ko alam. Sa tingin mo aalamin ko pa kung sino gumawa nun. Pwede Pa wag mo na to palakihin to?! Ang mahalaga okay ako? Okay?!" Sigaw ko kay Papa. Hindi ko na napigilan nakakapikon na ughh!

"Wag mo ko sisigawan ah! Wala kang respeto!" Umamba siya na sasampalin ako. Nagulat ako sa ginawa niya. Pagbubuhatan niya talaga ako ako ng kamay?!


"Sige saktan mo ko! Saktan mo ko katulad ng ginawa mo kay Mama! Kaya ka lang naman nagkakaganyan dahil naguguilty ka dahil wala ka nagawa nung namatay si Mama! Respeto?! Simula nung namatay si Mama nawala na ang respeto ko sayo! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang Mama ko!" Sigaw ko




"Anak makinig ka please..." Papa



"No! Ikaw ang makinig saken Pa! Kung hindi ka nahuli ni mama na nambababae sana hindi siya umalis at nagdrive magisa at sana hindi siya namatay! Dahil sayo namatay si Mama wala kang kwenta! Pano mo nagawa yun kay Mama?! Mahal na mahal ka niya pero anong ginawa mo?! Mambababae ka na lang sa best friend niya pa! Ang sama sama mo!"



"Wait anak let me explain..."





Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ngayon lang ako umiyak sa harap ng tatay ko. Pagkatapos ko sabihin yun dali dali akong umakyat ng hagdanan patungo sa kwarto ko. Narinig ko pa na sumisigaw si Papa na bumababa ko pero hindi ko na siya pinakinggan. Baka pag bumababa ako mas madaming masasakit na salita pa ang masabi ko sakanya.

Galit na galit ako sakanya. Dahil sakanya kung bakit namatay ang Mama ko. I hate him so damn much!

Kinuha ko yung last picture namin ni Mama at niyakap ko yun. Wala akong ginawa buong magdamag kundi umiyak hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon