Pinasok ako ni Dale sa kanyang kotse. Hindi ako mahilig sa kotse pero ang alam ko isa itong sports car. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan papasok. Hindi na ako umangal sa pagalalay nya saken. Masyado na akong nanghihina at natrauma sa pangyayari kanina, wala na akong lakas para umangal pa sakanya.
"Hey Scarlet. You okay?" Sabi niya saken habang tinititigan ako na para bang sinusuri niya akong mabuti kung okay lang ba talaga ako.
"I'm fine." Maikling sagot ko. Wala na talaga akong energy para makipagusap. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit niya akong tinulungan. Nacucurious talaga ako.
"Buti na lang lagi akong may dalang first aid kit sa kotse ko wait kukunin ko...." sabi niya habang may kinukuha sa bag niya na nakalagay sa likod nung kotse.
"Bakit mo ko tinulungan?" Bigla kong tanong. Nacucurious kasi talaga ako. Una tinanggihan ko ang "friendship" na inaalok nila kanina. Pangalawa ngayon niya lang ako nakilala. Nakita kong natigilan siya sa ginagawa niya at tumingin saken.
"Bakit naman hindi?" Sagot niya habang nakatingin saken.
"Una tinangihan ko ang "friendship" na inaalok niyo saken kanina lang. Pangalawa kakakila mo pa lang saken ngayon. Walang dahilan para tulungan mo ko" sagot ko.
"Scarlet una kahit tinanggihan mo friendship na binibigay namin sayo pinakilala ka samen ni Sabrina bilang bago naming kaibigan kaya kahit ayaw mo kaibigan pa din ang turing namin sayo. Pangalawa kahit sino pa siguro ang nakakita sa kalagayan mo kanina tutulungan ka" Nagulat ako sa sagot niya. Tinitigan ko siya ng maigi. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na naramdaman ko ito. Halo halo.
Hindi sa malaman na dahilan nakaramdam ako ng saya. Saya dahil ngayon lang nagparamdam saken ng halaga pero agad ko itong binura sa isipan ko. Ayokong umasa. Alam ko na balang araw iiwan din nila ako.
"Scarlet bakit ka ba ganyan? Bakit mo sinasarado ang mundo?" Tanong niya habang tinitigan ako na para bang sinusubukan niyang tignan ang laman ng puso ko. Nabigla ako sa tanong niya. Sa buong 18 years ng buhay ko ngayon lang may nagtanong saken niyan. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang bibig ko at sinagot ang tanong niya...
"Simula nung namatay ang nanay ko dahil sa tatay ko sinarado ko na ang mundo ko. Nagalit ako sa lahat. Nagtampo ako sa nanay ko dahil iniwan niya ako at nagalit ako sa tatay ko dahil siya ang dahilan kung bakit namatay ang nanay ko. Bumuo ako ng pader sa puso ko. Hindi ako nakipagkaibigan o nakisalamuha sa iba. Natakot akong pagpapasok ng kahit na sino sa mundo ko, sa puso ko. Natatakot ako na baka iwan lang din nila ako tulad ng nanay ko." Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Ito ang unang pagkakataon na umiyak ako sa harap ng ibang tao.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko na inisip ang lalaking katabi ko ngayon. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.
"Hindi kita papatahanin o pipigilan umiyak. Iiyak mo lang lahat yan. Iiyak mo lang yan hanggang sa mapagod ka. Umiyak ka lang hanggang sa maubos ang luha mo. Kung yan lang ang paraan para mabawasan kahit konti ang sakit na nararamdaman mo sige umiyak ka lang"
Lalo akong napahagulgol sa balikat niya. Hindi ko napigilan. Ngayon ko lang nalabas lahat ng sakit na kinimkim ko ng mahabang panahon. Akala ko okay na ako. Akala ko nakamove on na ako. Hindi pa pala. I miss my mom. I miss her so much. Hanggang ngayon sobrang sakit pa din.
Gaya ng sinabi niya umiyak lang ako ng umiiyak. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong umiiyak.
Napatigil ako sa pag iyak ng maramdaman ko ang marahan na pag angat niya sa mukha ko. Hinawakan niya ang mukha at tumitig saken.
"Scarlet ito ang tandaan mo simula ngayon hindi ka na magiging mag-isa. Nandito na kami, kaming mga bago mong kaibigan." Ramdam ko ang sincerity niya sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya. Sadyang pinaparamdam niya saken na totoo ang mga sinasabi niya.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa mukha ko at umiwas ako ng tingin. Umaayos ako ng upo at humarap ako sa bintana.
"Pero... natatakot ako Dale. Hindi ko alam kung pano ko bubuksan ang mundo ko sa iba. Natatakot ako na baka sa dulo iwan niyo din ako." Alam kong mali na sabihin sakanya iyo dahil halata namang sincere siya sa mga sinasabi niya pero hindi ko maiwasan matakot. Hindi ko maiwasan magduda.
"Scarlet tumingin ka saken" nilakasan ko ang loob kahit sobrang bilis ng tibok ng puso ko ko. Tumingin ako sakanya.
"Scarlet hindi ka namin iiwan. Yun ang isipin mo at panghawakan mo. Kanina kahit tinanggihan mo ang friendship na binibigay namin kaibigan pa din ang tingin namin sayo. Hindi lang ako kundi kaming lahat. Simula ngayon kasama mo na kami sa lahat. Sa saya, lungkot o problema. Hindi ka na magiging magisa dahil wala kaming balak na iwanan ka. Pangako yan"
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ngayon lang may nagparamdam saken ng halaga. Gusto ko subukan. Gusto ko subukan yung pagkakaibigan na sinasabi niya. Bubuksan ko na ang mundo ko sakanila
Nginitiin ko siya. First time kong ngumiti sa ibang tao. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya pero bigla niya din akong nginitian. At sinabi ko ang matagal ko ng hindi sinasabi...
"Salamat Dale"